Chapter 8

858 30 0
                                    

Nagiging busy ako ngayon sa mga shooting ko dahil may ginagawa akong movie pero biglang tumawag sa akin si Harold.

"Excuse me. I'm going to answer this call."

"Okay, Chase." Sabi ng director namin. Lumayo ako ng kaunti sa kanila bago sagutin ang tawag.

"Hello?"

"Anong oras ka pupunta?"

"I told you mga 10pm ako babalik. Kailangan ko rin itong career ko kaya huwag mo na ulit ako tawagin sa number na ito. Doon ka na lang sa personal number ko tumawag. Okay?"

"Bakit kailangan 10pm ka pa babalik sa Italy? Kailangan mong tapusin agad ang misyon na pinapagawa ko sayo." Napakamot na lang ako ng ulo. Ang kulit talaga ni Harold, kahit kailan.

"Last shoot ko na lang ito ngayon at pwede na ako magstay doon hanggang matapos ko iyan. Okay?"

"Fine, fine. Sa gabi nga talaga maging assassin."

"Alam mo naman pala tapos tumatawag ka pa sa akin. Paalala ko sayo may araw pa hanggat hindi lumulubog ang araw ay hindi mo ko pwedeng tawagan." Hindi ko na hinintay ang sagot ni Harold sa kabilang linya dahil binaba ko na ang tawag. Bumalik na ako sa iba para magsimula ulit kami sa shooting.

"Good job. Good job." Sabi ni direk pero napagingin rin siya sa akin. "You really did your best, Chase."

"Thank you." Nagpaalam na rin ako sa kanila na kailangan ko ng umalis. Pagkalabas ko sa studio ay nakita ko na ang van kaya sumakay na ako. "Sander, sa airport mo na lang ako dalhin. Tatawagan ko na lang si Gids sa private plane para makarating agad sa Italy."

"Okay, boss." Sabi ni Sander habang nagmamaneho.

"Yow. Napatawag ka yata ngayon, Chase."

"Gids, I need a private plane right now."

"Whoa. Bakit naman biglaan?"

"Kailangan ko pumunta ng Italy tonight at may misyon ako."

"Pwede sumama?"

"Talagang sasama ka dahil ikaw ang piloto ng private plane, asshole." Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya kaya inikot ko na lang ang mga mata ko.

"Sa dating meet up ah. Sa airport at siguro naman alam mo na kung saan makikita ako."

"Oo na." Binaba ko na ang tawag at saktong nandito na kami sa tapat ng airport. "Ako na lang ang pupunta sa Italy, Sander. Habang wala pa ako ay day off mo muna."

"Okay. Thank you."

Sinuot ko na ang shades ko kahit gabi na at nagsuot na rin ako ng cap bago bumaba. Pinakita ko sa guard ang ID ko para makapasok ako na ganito itsura ko ngayon. Alam nila na kailangan ko magdisguise para walang gulo sa mga fans ko.

Nang natataw ko na si Gids ay tinanggal ko na ang suot kong shades.

"Nandito na pala si Chase."

"Okay na ba ang lahat?"

"Yep, ikaw na lang ang kulang and ready to go."

"Okay. Good." Sumakay na ako sa eroplano at umupo na. Ang kasama ko lang naman dito si Erica, ang stewardess at si Gids, ang piloto.

"Sir, drinks?"

"Give a red wine." Binigyan naman niya ako ng red wine at umalis na agad. Habang umiinom ako ng red wine ay nanonood sa flat screen tv sa harapan ko at balita ang pinapalabas.

"Chase, ayos ka lang ba diyan? Baka gusto mo ng makakain." Nakaupo na sa tabi ko ngayon si Gids.

"Sira ulo ka. Sino ang nagpipiloto ng eroplano?"

Fall Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon