Prolouge

20K 335 41
                                    

Kaarawan ng batang si Miguel ngayong linggo at napag-isipan ng kanyang ina at ama na magsimba

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

Kaarawan ng batang si Miguel ngayong linggo at napag-isipan ng kanyang ina at ama na magsimba.

Masayang-masaya si Jurrence dahil napapayag nito ang asawa at anak na magsimba. Once in a year lang kasi sila magkasama-sama para magsimba.

"Palimos po!" lapit ng isang pulubing bata sa kanyang asawa.

"Oh my gosh! Lumayo ka nga saking bata ka!" iritang bulyaw ni Zoren sa bata.

Si Zoren Dela Vega ay ang asawa ni Jurrence Dela Vega. Talagang mahal na mahal ni Jurrence ang kanyang asawa, pero hindi nito alam kung mahal ba siyang talaga ng kanyang asawa.

"Jurrence do something! Baka makahawa pa iyan ng sakit sa anak ko!"

Agad nanang tumalima si Jurrence nang sigawan siya ng kanyang pinakamamahal na asawa.

"Bata umalis kana!"

"Palimos po! Wala lang po kaming makain ng mga kapatid ko!" naawa naman agad ang lalaki sa bata kaya sandali itong natahimik.

"Jurrence ano ba?!"

"Umalis kana!" pagpapaalis muli ni Jurrence sa bata.

"Sige na po, kahit limang piso lang"

Walang nagawa si Jurrence kundi ang kunin ang wallet sa kanyang bulsa. Binigyan niya ang bata ng isang daan. Todo pasalamat naman ang madungis na bata at nagtatakbo palayo.

"Kaya ayukong magsimba eh! Lalo na kapag kasama ka, nag-iinit lang iyung ulo ko. Kahit kailan talaga wala kanang ginawang tama!" bulalas ni Zoren na syang nagpayuko sa asawa.

"Nasasanay ang mga iyan kasi kinukunsinte mo!" sabi pa nito tsaka hinila ang anak na si Miguel papalayo.

Napabuntong hininga na lamang ito. Kailan ba sya matututuhang mahalin at pahalagahan ng kanyang pinakamamahal na asawa?




"Laruan! Mga laruan kayo dyan!"

Napahinto si Jurrence at Zoren sa paglalakad nang huminto ang kanilang anak na si Miguel.

"Sir. Ma'am! Bili na po kayo para sa anak nyo" nakangiting saad ng isang dalaga.

Unang kita palang ni Jurrence sa kanya ay gumaan agad ang loob nito sa dalaga. Walang malisya, ang tingin nya lang ay mabait na tao ito.

"You think we will buy your cheap toys?!" irita na namang sabi ni Zoren.

"Makacheap naman po kayo, grabe! Nagtitinda lang naman ako ah? Malay ko bang social-in pala kayo!"

"How dare you to talk to me like that?! Don't you know me?"

"Yes, I don't know you. But the question here is, do you know me?" nagulat ito sa naging asta ng dalaga.

Ang akala nitong tahimik at walang laban na babae ay mali pala. Mukhang palaban ito at hindi sumusuko sa laban.

"Ok, mukhang hindi mo nga ako kilala! Well I'm Zoren Dela Vega!"

Loving Mr. SpecialМесто, где живут истории. Откройте их для себя