Chapter 22; Julina

6.1K 145 10
                                    

DyosaJadine36>>> Julina

[Jp's Point Of View]

Pagod na napa-upo ako sa mahabang sofa sa loob ng sala, tanghali na ako nakauwi dahil muli akong bumalik sa bahay ng mga Panganiban.

Ilang linggo na akong patagong nagpabalik-balik sa lugar nila upang makausap si Rose sa personal.

I want to talk to her about sa hinihingi kong kapalit sa pagpapa-utang sa kanila. I know I should not do this to her but I don't have any choice.

Alam kong may mali parin ako at may kasalanan sa aksidenteng naganap sa kapatid nitong si Jingjing pero kailangan kong makuha ang kapalit alang-alang saking pinakamamahal na kapatid na si Claudine.

Sya nalang ang lahat-lahat sakin, sya nalang ang natitira kong pamilya. I'll do anything just for my sister, at kahit pa ang gusto nitong pagpapakasal sa babaeng iyun ay gagawin ko. Mapasaya ko lang ang kapatid kong si Claudine.

"K-kuya, nandito kana pala. Kanina kapa?" parang batang tanong ng aking kapatid pagkalabas nya ng kanyang silid.

Lumapit sya sakin at umupo sa katabing upuan. Bitbit na naman nito ang paborito nyang stuff toy na regalo ko pa sa kanya tatlong taon na ang nakakalipas.

"No Claudine, bago lang. Kumain kana?"

"Wala ako gana Kuya"

"Bakit naman? Masamang magpalipas ng gutom Claudine. Don't you like the foods? Gusto mo ba, magluto ako ng iba?"

"Kuya gusto ko Ate Rose!"

Natahimik ako sa sinabi nito. She's always memtioning that name whenever we talk. Nasasanay na nga ako eh.

"Claudine, wala parin kasi si Ate Rose mo eh. Siguro nasa trabaho pa sya"

I made some research about Rose kaya may kaunti na akong kaalaman tungkol sa babaeng iyun.

Nagtatrabaho sya sa isang mayamang matandang babae na may anak na may problema rin sa pag-iisip.

Every weekend lang kung umuwi ang dalaga kaya naman babalik ako mamaya sa lugar nila.

"Kuya, gusto ko kasal na kayo dalawa"

"Mangyayari rin iyun Claudine, but not now"

"I can wait Kuya"

"Good little sis!" tinap ko ang ulo nya bago nginitian sya ng malapad.

I really love my sister. Kaya gagawin ko ang hinihiling nyang pakasalan si Rose Mae Panganiban.

[Rose Point Of View]

Nakasalampak ako saking maliit at medyo matigas na kama. Hapon na pero hanggang ngayon ay hawak ko parin ang litrato ni Jurrence at ng anak nyang si Miguel.

Kagabi pa kasi gumugulo sa isipan ko ang ilang katanungan na hindi masagot-sagot ng utak ko.

Bakit hindi magkamukha si Jurrence at si Miguel? Hindi rin naman kahawig ni Miguel si Zoren. Mag-ama ba talaga sila?

Feeling ko kasi may something eh. I mean, si Zoren nakilala ko as manloloko. Hindi naman sa hinahatulan ko si Zoren, pero kasal palang sila ni Jurrence ay niloloko na nya pala ito.

Paano pala kung hindi si Jurrence ang ama ni Miguel? Paano pala kung ibang lalaki ni Zoren ang ama ni Miguel?

Napa-iling-iling ako at pilit na iwinawaksi ang mga ideyang pumapasok sa isip ko. Bakit ko ba naman naisip ang mga ganuong bagay?

"Rose?" napa-upo ako saking kama at nilingon si Tatay na nakatayo sa may pinto.

"Bakit po Tay?"

Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now