Chapter 33; Pregnant 2

5.8K 117 19
                                    

DyosaJadine36>>> Pregnant 2

[Rose's Point Of View]

Nagising ako nang maramdaman kong may gumagalaw na bagay malapit sakin. Sisigaw na sana ako nang takpan ng isang lalaki ang bibig ko.

Si B-brillio ba iyun? At nasa likod nito si Zoren, anong ginagawa nila sa kwarto namin ng madaling araw? Sasaktan ba nila ako?

"Hi Rose" bulong ni Zoren sa tenga ko.

Hindi nakabukas ang ilaw at maingat ang bawat galaw nila kaya tulog na tulog pa ang mga kasama ko sa kwarto.

"Akala mo ba ay ma-iisahan mo ang isang tulad ko? Nagkakamali ka" nakangisi pa nitong bulong. Ano bang tinutukoy nya?

"Wala kanang laban sakin kapag nahanap ko ang bagay na ninakaw mo mula sakin" tumayo na ito ng ayos at nagsimulang maghalungkat sa gamit ko.

Gusto kong lumaban pero nakatali ang mga kamay at paa ko, tinakpan rin ng kamay ni Brillio ang bibig ko. Tanging mahihinang impit lang ang ingay na kaya kong gawin pero hindi iyun sapat para magising ang mga kasama ko.

"Found it!" mahinang bulalas ni Zoren.

Inangat nito ang kanyang kanang kamay na may hawak na---- iyung gamot para kay Jurrence? Bw*set, kailangan ko pang malaman kung para saan iyun!

"Sa susunod Rose, itago mo ng maayos para walang makakuha" ngumisi itong muli at kaagad na lumabas ng silid.

Binantaan pa ako ni Brillio na tumahimik dahil kung hindi ay bubugbugin nya ako. Kaya wala akong nagawa kundi ang tumahimik habang hinahayaan silang makalabas ng kwarto.

Wala na talaga silang kasing sama. Hindi ko akalain na gaganituhin ni Zoren si Jurrence. Bakit nasisikmura nyang ganituhin iyung tao?

Ilang taon rin silang nagsama ni Jurrence diba? Alam ko na pinakisamahan sya ng ayos nito pero bakit ginagawa nya ito kay Jurrence?

Napakawala nyang puso! Kapag talaga ako ay nakahanap ng pagkakataon na ipaalam ito kay Tita Georgina ay magiging katapusan na nya iyun. Maghintay lang sya.




Nang tuluyan na akong makalaya mula sa pagkakatali sa kama ay kaagad na akong naligo at nag-impake na hindi ko nagawa kagabi.

Sa wakas, makaka-uwi narin ako sa lugar namin at masasabi ko narin ang lahat ng kaganapan rito kay Tita Georgina.

Ang tanong ko lang sa sarili ko ay kung kinucontact ba kami ni Tita Georgina? Sana oo, sana mapansin nyang may mali rito sa mansion.

Nang matapos na ako sa lahat ng aking gawain ay nagpaalam na ako kay Princess, Gie Ann, Patrice at Maui bago kaagad na lumabas ng kwarto.

Palabas na sana ako ng sala nang makasalubong ko si Zoren na nakakunot ang noo habang nakatingin sa mga gamit na dala ko.

"Where do you think you're going?" may paghalukipkip na tanong nito sakin.

"Uuwi sa lugar namin"

"Did I gave you my permission?"

"Hindi ko naman kailangang hingin pa iyun Zoren, noon pa man ay umuuwi talaga ako sa bayan namin para makasama ang pamilya ko"

"Well, you already said that it was before. Hindi na ngayon Rose, sa tingin mo ba ay hahayaan pa kitang makaalis rito lalo na't marami kanang nalalaman tungkol sakin?"

"Tigilan mo na kasi ang mga kasamaang ginagawa mo Zoren!"

"You shut up! Hwag mo akong tuturuan kung anong dapat kong gawin!" idinuro-duro pa ako nito.

Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now