Chapter 19; Handmade Bracelet

8.1K 209 30
                                    

DyosaJadine36>>> Handmade Bracelet

Mabilis akong napahiga saking malambot na kama bago pumikit. Grabeh, hindi ko makalimutan ang nangyari kanina sa Mall.

Panibagong mga katanungan na naman ang pumasok saking isipan. Katulad nalang ng anong ginagawa ni Zoren sa Mall? Pero obvious naman na namamasyal ito. Pero para kanino kaya iyung kuwintas na mukhang binili lang nya kanina? Eh pero teka, nasaan ang anak nya?

Bakit parang sya lang mag-isa kanina? Gusto ko pa naman sanang makausap ang kanyang anak. Hihilingin ko sa bata na bisitahin naman nito ang kanyang ama. Alam ko kasing miss na miss na ni Jurrence ang kanyang anak.

"Pwedeng pumasok?" napa-upo ako nang makitang nasa may paanan ko na si Jessica.

"Ano pa bang isasagot ko? Eh pumasok kana eh" natatawang sabi ko pero mabilis naman akong nagseryoso.

"Ayos kalang ba Rose? Masyado naman yatang seryoso ang mukha mo"

"Ah naku, wala ito. Bakit ka pala narito?"

"Wala naman, gusto ko lang sabihin sayo na nabili ko na lahat ng ipinabibili mong ingredients. Tsaka, nakakainis ka!" himutok niya bago padabog na umupo sa kama ko.

"Ako, nakakainis? Bakit naman?" sa pagkakatanda ko kasi ay wala naman akong ginawang masama sa kanya.

"Eh kasi naman umasa lang ako sa wala. Hindi ko naman nakita si Kenneth"

"Ganun ba?" napakamot ako saking ulo.

"Oo, nakakainis. Dapat sumama nalang ako sayo sa pagpunta mo sa Mall kanina"

"Ayos lang iyan, may susunod pa naman" natatawa kong sabi sa kanya.

"Teka, iyun na ba iyung mga pinamili mo?" biglang tanong nito bago tumayo.

Naglakad sya palapit sa table kung saan nakalapag ang mga paper bag na pinaglalagyan ng mga pinamili ko.

"Oo iyan nga iyun" sagot ko bago tumayo at lumapit sa kanya.

"Wow, ang ganda naman nito!" bulalas pa nya nang mabuksan ang maliit na box na naglalaman ng kuwintas.

Bumalik na naman sa alaala ko ang nangyaring pagkikita namin ni Zoren kanina sa Mall.

"Huy Rose, ayos kalang ba talaga?"

"Huh, oo naman" binigyan ko sya ng isang pekeng ngiti pero mukhang napansin nya iyun.

"Ano bang problema?" mataray nitong tanong at nakataas pa ang isang kilay.

"May nabangga akong babae kanina sa Mall" napayuko ako bago muling tumingin sa kanya.

"Tapos, anong nangyari? Nagsabunutan kayo? Tapos madami pala syang friends na kasama at pinagtulungan ka? Tapos nun tumakas ka nalang, ganun ba?"

"Sira, hwag ka ngang advance mag-isip" inis na sabi ko sa kanya bago umupo sa couch.

"Eh ano bang nagpapagulo ng isip mo?"

"Si Zoren ang babaeng nabunggo ko" automatic na lumaki ang kanyang dalawang mata.

"A-anong sabi mo, Rose?"

"Si Zoren, nakita ko sya kanina sa Mall. Nagkabanggaan pa nga kami at nagalit pa sya sakin" maikli kong paliwanag sa kanya.

"Alam na ba ito ni Sir. Jurrence?" biglang tanong nito kaya naman napayuko na lamang ako.

Bakit nakakaramdam ako ng pagkalungkot? Dapat nga ay masaya ako kasi maaari ko itong pakiusapan na bisitahin si Jurrence. Pero hindi eh. Nalulungkot at natatakot ako.

Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now