Chapter 24; Goodbye Brix

5.2K 145 7
                                    

DyosaJadine36>>> Goodbye Brix

[Rose's Point Of View]

Maaga akong nagising at ginawa ang aking daily routin. Ngayong araw ay babalik na ako sa mansion nina Jurrence. Habang nasa byahe ay tila lutang ang isip ko. Patuloy na bumabagabag saking isipan ang mga napag-usapan namin ni Jp sa parke.

Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung ano bang magiging desisyon ko. Nalilito na ako kung pipiliin ko ba ang marangyang buhay para sa pamilya ko o pipiliin kong manatili sa tabi ni Jurrence na lalaking nilalaman ng puso ko.

Nabalik ako sa tamang pag-iisip nang may maamoy ako na kung anong mabaho. Amoy utot?

"Pfffftttt!"

Napalingon ako saking katabing lalaki nang marinig itong nagpipigil tumawa. Nanlaki pa ang mata ko nang makitang si Kenneth ito.

"Kenneth?"

"Kumusta Se?"

"A-ayos lang, ikaw ba?"

Sasagot sana ito pero nakarinig ako ng tunog ng isang utot. Hinanap ko pa ang pinagmulan ng amoy at talagang napatakip pa ako saking ilong nang mapagtantong si Kenneth pala ang umuutot.

"Hehe sorry" may pagkamot sa ulo na paumanhin nito.

"Ano kaba naman Kenneth?! Nasa public tayong lugar para umutot ka ng umutot. Ano bang nakain mo?" pabulong kong tanong sa kanya.

"Pasensya na, hindi ko kasi mapigilan eh. Omelet iyung kinain kong umagahan"

Umiling-iling ako at mas diniinan pa ang pagkakatakip sa ilong ko. Grabeng baho nito! Nasusuka na ako.

"Kadiri ka!" bulong ko pa bago lumayo ng kaunti sa kanya.

Pero ang loko ay dumikit lalo sakin. Muli itong umutot at talagang lalabas na ang kaluluwa ko. Sinasadya yata nito eh.

"Kenneth ano ba?!"

"Haha, sorry Se! Gusto ko lang na mapatawa ka"

"Mapatawa? Sa tingin mo matatawa ako na maamoy ang utot mong amoy bugok na itlog?" napakamot ito sa batok nya.

"Sensya na Se, napansin ko kasing malungkot ka habang nakatulala"

"A-ako malungkot? Hindi ah, masaya ako" umiwas ako ng tingin nang mapansing sinusuri nito ang reaksyon ko.

"Se, hwag kanang magsinungaling. Magaling akong magbasa ng reaksyon ng tao. I know malungkot ka, may malaki ka sigurong problema"

Bumuntong hininga ako. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko dahil sa sitwasyon ng pamilya ko ngayon. Di ko na alam ang dapat kong gawin, litong-lito na talaga ako.

"Alam mo Se, magaling akong mag-advice. Maybe I can help you na mabawasan ang lungkot na nararamdaman mo, if you're goih to share your problem"

Ngumiti ako bago tumango bilang pagpayag. Hinintay lang namin na makarating kami saming distinasyon at nagtungo kami sa isang mamahaling restaurant.

Ikinuwento ko sa kanya lahat ng pinoproblema ko habang kumakain kami, mukha naman syang interesado kaya napatagal at napahaba ang kwentuhan namin.

"Alam mo Se, hindi ko sinasabing pabayaan mo ang pamilya mo. Pero sa tingin ko, dapat ang nararamdaman mo ang sundin mo"

Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni Kenneth. Gustong-gusto kong sundin ang payo nya pero hindi ko maaatim na pabayaan nalang ang pamilya ko.

Pangarap namin ng pamilya ko ang magkaroon ng magandang buhay, pangarap naming makuha ang titolo ng bahay at lupa. Parang sinira ko narin ang pangarap na iyun kapag pinabayaan ko sila dahil lang sa nararamdaman ko.

Loving Mr. SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon