Chapter 6; BabySitting Mr. Dela Vega

10.9K 347 41
                                    

Announcement! Listen!!!
❌Very Dangerous If You Won't Read It! So READ IT FIRST!❌

Puputulin ko po muna ang story na ito kasi tinatamad na talaga akong mag-update dito.

Sino ba naman ang hindi tatamarin kung wala man lang Votes or Comments from readers?

Nakakawala ng gana. Maybe hindi nyo gusto ang story na ito that's why puputulin ko muna. So this will be the last chapter.

Comment nalang kayo if gusto nyo pang ipagpatuloy ang story na ito. But before that... Gusto ko lang na malaman nyo... ↓↓↓









Scroll!










Scroll!














Joke lang ang sinabi ko.😂 Hahah, di ko po ito puputulin. But please click Vote and leave some Comments. Salamat po!😘

DyosaJadine36>>> Babysitting Mr. Dela Vega

Tik ta laok!!!

Mabilis kong iminulat ang aking mga mata nang marinig kong nangbubulahaw na naman ang manok ng kapitbahay namin.

Kinusot-kusot ko muna ang aking mga mata bago tumayo. Napatigil ako nang makitang mahimbing na natutulog si Mr. Dela Vega sa higaan ni Kuya.

Hindi ko na naalala na nandito nga pala sya. Akala ko ay panaginip lang iyung mga nangyari kagabi. Pero heto, totoo. Totoong-totoo.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya. Napapangiti nalang ako. Ang sarap-sarap kasi ng tulog nya. At para syang angel kapag natutulog, napaka-inosente ng mukha.

"Hmmm?"

Nabigla ako nang magising ko ito. Naabutan nyang nakalapat parin iyung mga daliri ko sa makinis nyang pisnge.

"Sorry kung nagising kita. Maaga pa naman eh, matulog ka nalang ulit"

Ngumiti ito ng bahagya tsaka kinuha iyung kamay ko na nakahawak sa pisnge nya tsaka iyun isiniksik sa leeg nya.

Wala yata syang balak na paalisin ako kaya naman hinagod-hagod ko ang ulo nito para mabilis syang makatulog.

Mabilis itong nakabalik sa pagtulog kaya naman dahan-dahan ko ng inalis ang aking kamay na nakasiksik sa leeg nya. Hmmm, medyo mainit ang leeg nya at palad nya.

Loving Mr. SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon