Epilouge

9K 195 15
                                    

DyosaJadine36>>> Epilouge

[Rose's Point Of View]

"Congratulations Rense and Heren!"

Nakaawang ang bibig ni Rense at Heren nang makapasok sila sa mansion. Nakita pa nila ang tarpaulin na nakasabit sa may dingding ng sala.

Napaluha ang dalawang bata nang yakapin namin sila ni Jurrence. Nangunguna na kasi sa klase si Rense at pumapangalawa naman ang nobya nito na si Heren kaya sinurprise namin ang mga ito.

Yes, tinanggap na naming dalawa ni Jurrence ang relasyon ng mga ito kahit na masyado pa silang mga bata. Alam rin naman naming pareho nito na puppy love palang ang nararamdaman ng isa't-isa eh, at maaari pa naman iyung mabago.

Binalaan narin naman namin ang mga ito, kapag lumampas ang mga ito sa limits nila ay hindi na kami papayag sa relasyon ng mga ito.

"Mommy, thank you po! Daddy thank you rin po!" naluluhang pasasalamat ni Rense.

"Oo nga po, thank you po Daddy! Thank you po Mommy!" segunda naman ni Heren.

Simula nung malaman nila na may past kami ni Jurrence ay tinanggap na ako ni Heren as her mother. Matagal-tagal narin nung nalaman nila ang bagay na iyun. Almost eight months narin.

Isa pa, ang sabi ni Heren ay mother in law na daw nya ako kaya tatawagin na daw nya akong Mommy. Dinaig pa nito kami ni Jurrence eh.

Matagal-tagal narin nung magsama kaming muli ni Jurrence. Walong buwan narin ang nakakalipas. Buntis na nga ulit ako.

Dinadala ko ngayon ang ikalawang anak namin ni Jurrence. Medyo malaki narin nga ang tiyan ko kaya hindi na ako gaanong makakilos dito sa mansion.

Si Heren naman ay nasa puder ng muli ng Mommy Zoren at ng kapatid nya. Naninirahan na kasi ang mga ito dito sa Pilipinas.

"So ano pang hinihintay nyo?! Tara na kumain!" sigaw ni Kuya kaya napangiti ako.

Sa wakas ay natanggap narin ni Kuya ang relasyon naming dalawa ni Jurrence. Nung ikasal kami ni Jurrence three months na ang nakakalipas ay nagulat nalang ako na niyakap ni Kuya si Jurrence. Napaluha talaga ako nung araw na iyun kasi binalaan ni Kuya ito na kapag sinaktan daw ako ay bubugbugin nya ang asawa ko.

Nag-iba na talaga si Kuya. Hindi na sya katulad ng dati na puro pera nalang ang nasa isip. May girlfriend narin ito.

"Pamangkin, punta ka rito!" pagtawag ni Jingjing kay Rense.

Dalagang-dalaga na talaga ito. Ayaw na ayaw nya ngang tinatawag syang Jingjing eh, masyado daw pangbata. Kaya naman ang tawag sa kanya ngayon ni Nanay at Tatay ay Jina, totoo naman nya iyung pangalan eh.

Si Nanay at Tatay naman ay naka-upo lang sa may sofa, nagsisimula na ang mga ito na kumain. Masyado naring matatanda ang mga ito kaya hindi na gaanong nakikihalubilo sa mga tao.

Napaluha ako bago inilibot ang tingin sa paligid. Masyadong maingay at magulo dahil sa maraming tao pero napakasaya.

Natawa nga ako nang makitang tarayan ni Claudine si Faye. Hindi pa kasi nito gaanong tanggap ang babaeng pinakamamahal ni Jp.

Last week lang sila umuwi dito sa Pilipinas at isinama na ni Jp ang nobya, baka kasi matagalan pa bago sila makabalik ng States.

Si Tita Georgina naman ay nakaupo lang sa wheelchair habang kausap si Zoren at Miguel. Finally, nagkaayos narin ang mga ito.

Nilingon ko sina Princess at Kenneth na naglalandian na naman, as always! Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa ito nabubuntis eh matagal na naman silang nagsasamang dalawa.

Nilingon ko rin ang kinaroroonan ni Maui at nung boyfriend nito, si Patrice na kasama ang kanyang kapatid na lalaki at si Gie Ann na todo lang ang kain.

Nandito rin sina Dara, Terso, Carlo at si Julia. Hindi sila pwedeng mawala dahil mga kaibigan ko sila.

At syempre sina Brix at ang pamilya nito ay narito rin. Dito na nga sila maninirahan sa Manila, at kapitbahay pa namin ang mga ito.

Wala na akong ibang mahihiling pa dahil nasa akin na ang lahat. Mapagmahal na asawa at anak, maunawain na pamilya at mga tunay na kaibigan.

Napa-iktad ako nang may matipunong braso ang pumulupot saking bewang. Hindi ko man ito lingunin ay kilala ko na ito dahil sa mahalimuyak nitong pabango na binili ko para sa kanya.

"Hey, are you alright? Kanina kapang nakatayo dyan sa gitna"

Tumawa ako ng pagak bago pasimple syang pinalo sa kanyang matipunong dibdib. Grabe ang tigas.

"Natutuwa lang ako na panuorin silang lahat"

"Me too"

"Alam mo Jurrence, hindi ko aakalain na makakaabot tayo sa ganito"

"Why?" nagtatakang tanong nito.

"Kasi ang daming pagsubok na dumating sa atin. Akala ko nga nung una ay hindi tayo ang para sa isa't-isa, pero nagkakamali pala ako. Ngayon ay magkasama na tayong dalawa"

"Hwag na natin iyang isipin love, ang importante ay magkasama na tayong dalawa at wala ng makakapaghiwalay sa atin"

Napatango-tango ako. Yeah, hindi na dapat pang ibalik ang mga malulungkot na nakaraan. Wala na iyun eh.

Hinawakan nito ang dalawa kong kamay kaya humarap ako sa kanya. Hindi na ako nagulat na idinampi nito ang kanyang labi sa labi ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay ng hiyawan ng mga tao na kasama namin dito sa loob. Ninanamnam namin ang bawat sandali.

Oh, I will not stop loving my Mr. Special!




Author's here!

Salamat po ng marami sa mga sumuporta. Please Vote and leave some comment. Ganun narin sa Special Chapter. Thanks!

Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now