Special Chapter

7.8K 206 42
                                    

[Author's Point Of View]

Nakasalpak ang headset sa tenga ni Roselyn at malakas ang pagpapatugtog nito. Dinig na dinig nga iyun ng dalawa nyang pamangkin na si Hence at Rency.

Anak ito ng kanyang Kuya Rense at Ate Heren. Nagkatuluyan pala talaga ang dalawa kahit na marami rin ang pagsubok na dumating sa kanila.

Kasalakuyang nagmamaneho ang kanyang Kuya patungo sa sementeryo. Kagagaling lang nila sa DV's Home.

Ipinagawa ni Rense ang isang malaking bahay at tinawag iyung DV's Home. Naruon ang kamag-anak nila na may mga edad na.

Ang Tito nila na kapatid ni Rose ay nanatili ruon at inaalagaan ng nurse nito. Nanduon rin sina Dara, Terso, Carlo at Julia. Maging si Brix ay naruon rin na bukod tanging nag-iisa nalang sa buhay at matanda narin.

Sina Patrice, Maui at Gie Ann ay pumanaw na last year dahil sa katandaan. Tanging si Princess at Kenneth nalang nga yata ang natitira.

Ang mag-asawa namang Jp at Faye ay matagal ng nakabalik sa States, nagkukumustahan naman sila paminsan-minsan.

Nagkatuluyan rin bandang huli ang Tita Jingjing nila at ang Kuya Miguel nila. Walong taon lang naman ang itinanda ng kanilang Tita sa Kuya Miguel nila eh.

"Roselyn, can you please remove that headset from your ears?" iritang tanong ni Rense sa kapatid na si Roselyn.

"Bakit ba Kuya?" inis nyang tanong rito at padabog na inalis sa tenga nya iyung headset.

"Minsan ka nalang nga magkaroon ng free time ay ganyan kapa? Imbes na nakikipagkwentuhan ka samin ng Ate Heren mo"

Napakamot ng ulo si Roselyn. Ano pa nga bang magagawa nya kundi ang makipagkwentuhan sa mga ito.

"So Roselyn, kumusta kana?" nakangiting tanong ng Ate Heren nya.

"Ayos naman po Ate Heren, medyo hectic ang schedule pero nakakaya ko pa naman po" sagot nya.

"How about your love life?"

Natigilan sya dahil sa sumunod na tanong nito. Umirap sya sa hangin kaya napatawa pa ito sa kanya.

"Naku Ate, wala pa akong panahon sa mga ganyan" walang buhay nyang sagot rito.

"But you're already twenty seven years old Roselyn!"

"Ate, masyado pang maaga para dyan. Ayuko munang magka-boyfriend kasi dagdag abala lang iyan sa career ko"

Hindi na ito sumagot at sa halip ay nagkibit balikat nalang. Basta, ayaw pa nyang magka-boyfriend dahil may hinihintay sya.



Masayang nagtatakbo ang magkapatid na si Hence at si Rency patungo sa puntod na palagi nilang binibisita every month.

Magkahawak kamay naman si Rense at Heren habang sinusundan ang dalawang bata. Kasama nila si Roselyn, ang nag-iisang kapatid ni Rense.

Si Roselyn ay isang sikat na model at actress, bata pa lamang ito ay nakakitaan na ng talento.

Dahil sa pangarap ni Roselyn na makapasok sa Showbiz Industry ay sinuportahan sya ng kanyang ina na si Rose.

Si Rense naman ang pumalit sa posisyon ng kanyang ama na si Jurrence. Sya na ngayon ang namamahala sa kompanya nila na Legacy na ng kanilang pamilya.

And now Rense is thirty two years old ay hinahanda na nya ang kanyang anak na si Hence dahil dito nya ipapamana ang kompanya nila.

Tuluyan na nilang narating ang sunod-sunod na puntod na madalas nilang binibisita every month.

Ang puntod ng magulang ng kanyang ina, ang puntod ni Lola Georgina, puntod ni Zoren, at ang puntod ng kanilang magulang na si Rose and Jurrence.

Yes, they are all dead.

Limang taon ng patay ang mga Lola nila. Sumunod naman si Zoren, at nung nakaraang dalawang taon lang namatay ang kanilang mga magulang.

Hindi nga sila makapaniwalang matatag ang relasyon ng dalawa. Dahil kahit sa kamatayan at sa ilalim ng lupa ay magkasama ang mga ito at magkahawak ang dalawang kamay.

Napaluha si Rense at napansin iyun ni Roselyn. Tinadyakan nya ito sa binti bago dinilaan.

"Seriously Roselyn? Isip bata ka parin in the age of twenty seven?" natatawang tanong ni Rense sa kanya.

"Well, I'm doing this to stop you from being emotional like a gay!" nginisian nya ito bago sya humarap kay Heren.

"Ate Heren, your husband is a f*cking gay" tumatawa nyang sigaw rito.

Pero natigilan sya nang may pumitik sa labi nya. Ewan ba nya pero biglang lumakas ang ihip ng hangin at nilamig sya bigla eh tanghaling tapat naman.

"M-mommy?" napalingon sya sa kanyang kapatid, anong Mommy?

Kinilabutan sya nang makitang nakatingin si Rense at Heren sa tabi nya, eh wala naman syang katabi ah?

"Roselyn!"

Napamulaga sya nang marinig ang pamilyar na boses na matagal na nyang hindi naririnig. I-it is her mother's voice.

Dahil sa matinding takot ay pilit nyang nilingon ang babaeng nagsalita, halos tinulos sya sa kanyang kinatatayuan nang makita ang kanyang ina, ama, Tita Zoren at ang kanilang mga Lola at Lolo. Naruon rin sina Yaya Maui, Yaya Patrice at Yaya Gie Ann na nag-alaga sa kanya noon kapag busy ang parents nya sa work.

Oh sh*t! Paano ito nangyari eh matagal ng patay ang mga ito?! Don't tell her na mga ghost na ang mga ito?

They are so blurry and whity. Ibang-iba ang mga mukha nito nung mamatay ang mga ito. Namatay ang mga ito dahil sa katandaan pero bakit parang dalaga at binata pa ang kanyang parents?

"Roselyn, kailan pa kita tinuruang magmura?" tanong ng kanyang ina na nakapagbigay sa kanya ng kilabot.

Hindi nya ito sinagot at sa halip ay nilingon nya ang kanyang ama na si Jurrence. Nakangiti ito bago bumuka ang bibig nito na para bang may balak sabihin.

"Booooo!"

"Ahhhhhhhhh, takbo!" bulalas nya bago nagtatakbo papunta sa sasakyan kasama ang kanyang kapatid, pamangkin at si Heren.

Bago nila tuluyang mapaharurot palayo ang sasakyan ay nilingon nila ang mga ito. They are all smiling at kumakaway pa.

Their parents are so happy together kahit nasa kabilang buhay na.

THE END!

Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now