Chapter 39; Collision

5.9K 155 9
                                    

DyosaJadine36>>> Collision

[Zoren's Point Of View]

Hindi ko maiwasang mainis dahil napatunayan ko na ngayon na ang Rose na iyun ay nagbalik na dito sa Pilipinas.

Nakita ko sya nun sa Grocery Store nung mamasyal kami ni Miguel at Heren sa Mall. Noong una ay akala ko namalik mata lang ako pero hindi pala.

Nai-kwento sakin ni Heren na nakilala nya ang anak ni Rose na sa tingin ko ay anak rin ni Jurrence. Ang sabi nga ng anak ko ay friends na sila.

Ang mas kinaiinis ko pa ay talagang same school pa ng pinasukan ang mga anak namin. Hindi sila pwedeng magkita ni Jurrence dahil sisirain na naman nito ang maayos na komonikasyon namin ni Jurrence.

Five years ago, nagfile ng annulment paper si Jurrence kahit na ipinagbubuntis ko si Heren. Ano ba namang laban ko sa kanya diba? Wala dahil mas mahirap na yata ako sa daga ngayon kaya pinermahan ko na iyung annulment paper.

Pagkapanganak na pagkapanganak ko kay Heren ay nagpa-DNA Test kaagad ito at wala rin akong nagawa. Sinubukan namin ni Hendrick na dayain ang resulta pero hindi namin nagawa.

Speaking of Hendrick, wala talagang kwenta ang lalaking iyun. Umaasa sya sa perang ibinibigay samin ni Jurrence.

Tama kayo ng naiisip, sinusustentuhan lamang ni Jurrence ang mga anak ko. Nagsisisi na nga ako sa mga ginawa ko sa kanya noon eh.

Pero hindi pa ako pwedeng umamin o humingi ng tawad sa kanya, sa kanya nalang kami umaasa ng mga anak ko. Wala akong trabaho at maging si Hendrick.

Fraud day lang namin last week kaya nakapamasyal kami sa Mall. At sakto namang nakita ko si Rose sa iisang lugar.

"Mommy, Daddy insist to fetch me at school tomorrow, again" sabi ni Heren at kumandong pa sakin.

No way, hindi ako makakapayag sa gustong mangyari ni Jurrence. Alam ko namang gusto lang nun na makita muli si Rose. Hindi naman madalas na sunduin ni Jurrence si Heren eh. Like duhhh.

"Tell him not to fetch you tomorrow cause I'll be the one who fetch you" sumimangot naman agad ito.

"Mommy, minsan lang po ako sunduin ni Daddy sa school ipagkakait nyo pa"

"I don't care Heren, basta ako ang susundo sayo bukas. Period and no erase"

"Mommy naman eh, kay Daddy Jurrence ko lang po nararamdaman na may Daddy ako kaya sana po si Daddy nalang ang sumundo sakin para makasama ko ulit sya"

"Edi duon ka!" napalingon kami sa kararating lang na si Hendrick.

Lasing na naman ito. Nagtago kaagad si Heren sa likuran ko. She is afraid of her real Dad na always syang pinag-iinitan ng ulo.

"Hendrick, lasing ka na nama---ahhh!" sinampal na naman ako nito bago itinulak palayo sa anak ko.

Sinubukan kong tumayo pero mukhang napilayaan ako sa paa. Napaluha nalang ako nang sabunutan nito si Heren.

"No, not my daughter!" sigaw ko at pinilit pang tumayo.

Pilit ko itong itinutulak palayo hanggang sa mapansin ko ang ilang kiss mark sa leeg nito. Nambababae na naman sya?!

"Alis sabi dyan! Isa kapang babae ka!" pilit ako nitong sinasakal.

"Hindi kaba titigil?! Patuloy ka sa paglalasing at pambabae mo imbes na nagtatrabaho ka para samin ng mga anak mo! Napakawala mong kwentang tao alam mo ba iyun?! Walang-wala ka kay Jurrence!" pinagpapalo ko ito sa dibdib nya pero pinigilan nito ang dalawa kong kamay.

Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now