New Story Update

1.7K 33 2
                                    

What's up!!! Hey DYOSABELLS!!!

I have my new story. Beneath The Lovely Eclipse! You can read the English Version in Sofanovel...




Sa mundong ibabaw madaming nagaganap na hindi pa napapatunayan hangga't hindi nakikita ng mga mata, hindi naririnig ng mga tainga, hindi naaamoy ng ilong, hindi nalalasahan ng dila, hindi nahahawakan ng ating kamay at hangga't hindi natin nararamdaman.

Paano kung ang eclipse na minsan lang mangyari ngunit nagawa na nating sulyapan ay mayroon pa palang sekreto? Paano kung sa ilalim ng kaakit-akit na eclipse ay malaman ni Coraline na may kakaibang pangyayari na maaaring makapagpabago ng buhay niya?

Hindi niya inaasahang magkakaroon ng solar eclipse habang nakatubog ang kalahati ng kanyang katawan sa lawa hawak ang kanyang history book noong 1945. Pero mas lalo niyang hindi inasahan na babalik siya sa nakaraang 1945 nang dahil lang sa eclipse.

Hindi na niya namalayan ang mga nangyari, ang alam nalang niya ay nalunod siya sa lawa at nang iahon niya ang sarili sa ilalim ng tubig ay nasa ibang panahon na siya. Panahong 1945 kung saan sinakop ng mga Hapon ang bansang Pilipinas.

Akala niya maganda ang magiging buhay niya roon dahil nakilala na niya ang unang lalaki na nagpatibok sa kanyang puso, ngunit nagkamali siya dahil may lahi siyang Hapon na naging dahilan para tugisin siya ng mga Pilipinong may galit sa mga Hapon. At may isang babae na gagawin ang lahat mapaghiwalay lang sila ng lalaking kanyang minamahal.

Paano na ang kanilang pagmamahalan?




Hope you read it!!!

Loving Mr. SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon