Chapter 29; They're Back 1

7.1K 128 28
                                    

DyosaJadine36>>> They're Back 1

[Rose's Point Of View]

Tatlong araw na ang nakakalipas nang may mangyari samin ni Jurrence, hindi na iyun naulit pa. At sa awa ng dyos ay walang ibang nakaalam sa nangyari samin kundi si Patrice lang.

Naging mstiwasay naman ang naging tatlong araw ko dahil ramdam kong nakikisakay lang sakin si Jurrence sa lahat ng ginagawa ko sa kanya at kung paano ko sya pakitunguhan.

Balik sa dati ang klase ng pakikitungo ang ginagawa ko sa kanya pero may nadagdagan lang, at iyun ay ang paghalik namin sa isa't-isa.

Mabuti nalang nga at hindi na nito inungkat ang nangyari samin nung gabing iyun, pero ramdam ko na may nag-iba sa kanya.

Medyo naging agressive sya, minsan ay kung saan-saan dumadapo ang mga kamay nya. Pero minsan lang naman nya iyun ginagawa.

Hindi ko naman sya masisisi kasi kasalanan ko kung bakit ganyan sya, binigyan ko sya ng motibo. Aminado rin naman ako na nagugustuhan ko ang ginagawa nya, nakakapagbigay kasi iyun sakin ng panandaliang sensasyon.

Katatapos ko lang na lutuan si Jurrence ng kanyang panghapunan, simple lang ang niluto ko. Rice, hotdog at kaldereta lang.

Dala-dala ko ang tray kung saan nakalagay ang mga kakainin at iinumin ni Jurrence, patungo ako ngayon sa silid nya.

Pagkapasok ko palang ay kaagad na napabangon ito mula sa pagkakahiga nya sa kanyang kama. Ipinatong ko iyung tray sa ibabaw ng kama nya.

"Dinner in bed Jurrence" sabi ko kaya napangiti ito.

Tinusok ko ng tinidor iyung gitna ng hotdog bago itinapat iyung dulo niyun sa makipot ngunit napakalambot nyang labi.

Kumunot ang noo ko nang inagaw nya sakin ang hawak kong tinidor bago itinapat iyun sa bibig ko na para bang gusto nyang ako ang kumagat dun sa hotdog.

Nagtataka man ay ginawa ko nalang, kinagatan ko iyung hotdog at nagulat nalang ako sa sunod niyang ginawa, kinagat naman nya iyung isang dulo ng hotdog.

Mukha tuloy kaming nag-aagawan sa iisang hotdog. Muling kumagat si Jurrence kaya kumagat akong muli, palapit ng palalit ang mga mukha namin habang paubos ng paubos iyung hotdog.

Ngumiti ito nang ilang pulgada nalang ang layo ng mga labi namin. Bigla nyang sinupsop iyung natitirang hotdog at mabilis nyang pinaglapat ang aming mga labi.

Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. He is kissing me passionately, ako naman ay napapikit tila ninanamnam ang kanyang masarap at mainit-init na labi.

Hahawakan ko na sana ang kaliwang pisnge nya upang palalimin ang aming halikan nang may biglang kumatok sa may pintuan.

"Sino iyan?" tanong ko sa taong nasa labas.

"Ako ito Rose" nagulat sya nang marinig ang boses ng ina ni Jurrence.

Mabilis akong tumayo at pinunasan ang aking labi maging ang labi ni Jurrence bago nya ito pinagbuksan ng pinto.

"Tita Georgina, kayo po pala"

"Oo ako nga Rose. Maaari ba tayong mag-usap ng tayong dalawa lang in private?" seryosong tanong nito na nagpakaba sakin.

"S-sige po"

Nginitian sya nito bago pumasok sa silid ng anak, hinalikan nito ang noo ni Jurrence. Saktong pumasok rin sa loob si Maui na mukhang takot.

"Madam, pinatawag nyo daw po ako" namumutlang tanong ni Maui kay Tita Georgina.

"Oo nga, ikaw na muna ang bahala sa anak ko. Pakainin mo muna sya ng pangdinner" nakangiting sabi ni Tita Georgina na mukhang nakapagpataas ng balahibo ni Maui.

Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now