Chapter 32; Pregnant 1

6.3K 124 10
                                    

DyosaJadine36>>> Pregnant 1

[Rose's Point Of View]

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ni Zoren, dala-dala ko iyung Home Pregnancy Test na nakuha ko mula sa loob.

Puno ng galit ang nararamdaman ko ngayon. Hindi nyo ako masisisi dahil mahal na mahal ko si Jurrence.

Sa sobrang pagmamahal ko rito ay nagpaparaya ako at inuunawa ito, tapos lolokohin lang sya ni Zoren? Hindi ako makakapayag.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad, hinahabol ako ni Brillio pero wala na akong oras para sayangin pa iyun rito.

"Sabing sandali!" hinigit nito ang aking braso.

"Ano ba Brillio, bitawan mo ako!"

"Saan ka sabi pupunta?!"

"Ano bang pakialam mo?!"

"May pakialam ako dahil sakin inutos ni Ma'am Zoren na bantayan ka!" bulyaw na sagot nito sakin.

"Bakit kaba sumusunod sa kanya? Masama syang tao!"

"Pasensya na, pero kailangan ko ng trabaho"

"Trabaho? Kaya kang bigyan ni Tita Georgina ng mas maayos at marangal na trabaho, tulungan mo lang kami sa plano namin!"

"Anong plano?"

Huminga ako ng malalim bago lumapit sa kanya. Sana tama ang desisyong pinili ko na magtiwala sa kanya.

Mas lumapit pa ako rito at ibinulong ang naging plano namin nina Princess. Pinakatitigan ako nito pagkatapos.

"Ano, matutulungan mo ba kami?" tanong ko.

"Susubukan ko"

Bumuntong hininga ako bago tumango. Sana ay tulungan nya kami, kasi mawawalan na talaga ako ng pag-asa.

"Nasaan pala si Ma'am Zoren?" tanong ko.

"Umalis eh"

Umalis? Napapansin ko ang madalas na pag-alis ni Zoren nitong mga nakaraang araw. Saan kaya ito nagpupunta?

Dapat siguro ay humanap ako ng ano mang impormasyon na maaaring magamit namin laban sa kanya. Oo tama!

"Brillio, may nakalimutan pala akong linisin sa kwarto ni Ma'am Zoren"

"Linisin mo na kaagad para hindi ka mapagalitan ni Ma'am Zoren"

Tumango ako at kaagad na pumasok muli sa loob at nagsimulang maghalungkat sa mga drawer, closet at maging sa bag.

Bumigat iyung paghinga ko nang may makita akong lalagyan ng gamot, hindi ko lang alam kung anong gamot ito pero napansin ko na may nakasulat na pangalan ni Jurrence.

So ang ibig bang sabihin nito ay para kay Jurrence ang gamot na ito? Pero para saan kaya ang gamot na ito?

Kaagad ko iyung itinago sa bulsa ko at muling naghanap ng panibagong impormasyon na laban kay Zoren pero wala na akong nahanap kaya lumabas na ako.



Masyado ng malalim ang gabi pero hanggang ngayon ay hindi parin ako makatulog. Tinititigan at sinusuri ko ng maayos iyung hawak kong gamot.

Kailangan kong gumawa ng paraan para malaman kung para saan ito. Baka kung ano na ito at masama na pala ito para kay Jurrence.

Napatigil ako nang marinig kong magbukas ang malaking pinto sa sala. Siguro si Zoren na iyun. Ito na ang tamang oras para kausapin ko sya.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama at kinuha ang Home Pregnancy Test na nakalagay sa plastic at nakapatong sa table na katabi ng kama ko.

Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now