Chapter 17; His Past

7.4K 193 22
                                    

Heheh, hello guys! Ngayon nalang ulit. Sorry kung ngayon lang ulit. Tinapos ko lang iyung The Love Of A Beast. Isusunod ko po ang Samonte Series pero uunahin ko po muna ito. So now I'm back, this story is back.

DyosaJadine36>>> His Past

It's been three days nang makabalik ako dito sa mansion nina Dion at Tita Georgina. Napakasaya ko talaga at wala na akong ibang mahihiling pa.

Nagising na ang kapatid kong si Jingjing at nakakasama ko na ng matagal si Jurrence, wala na akong mahihiling pa.

"Rose?" natigilan ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang pumasok si Jessica sa kwarto namin.

"Oh, Jessica?" nakangiti akong humarap sa kanya.

"Samahan mo naman akong magpunta sa Market. Ako na naman ang inutusan ni Madam na mamili eh" may pag-irap pang sabi ni Jessica bago sumalampak sa kama.

"Eh bakit parang tinatamad ka?" natatawa kong tanong rito bago tumayo mula sa pagkakaupo sa harap ng malaking salamin.

"Hindi naman kasi talaga ako basta-basta lumalabas ng mansion"

"Ayos lang iyan, malay mo makita natin duon si Kenneth?"

Napabalikwas naman agad ito ng bangon at ngumiti ng pagkalawak-lawak. Mababakas talaga sa mukha nito na kininilig sya at excited.

Pero sana ay hwag namin makasalubong ang binatang iyun. Siguradong malilintikan ako. Kailangan ko pa namang kausapin si Kenneth at humingi ng tawad dahil maling pangalan ang ibinigay ko sa kanya at gumawa rin ako ng maling kwento kay Jessica.

"Tara na, para makauwi agad tayo" sabi pa nito bago tumayo at lumabas na ng kwarto.

Tsk, kunwari pa sya na gusto nyang umuwi ng maaga. Ang totoo nyan ay excited lamang ito na magpunta sa Market, baka sakaling makita si Kenneth.

Lumabas narin ako ng kwarto ko. Nagdadalawang isip ako kung pupuntahan ko muna si Jurrence o hwag na, pero naisip kong mamaya nalang pag-uwi ko ito lalapitan. Baka kasi tamarin akong umalis kapag makasama ko na naman ang lalaking nagpapatibok ng puso ko.

"Magkano po Ate?" magalang na tanong ko sa magtitinda ng gulay.

"₱550 po"

"Ito po ang bayad!" mabilis namang tinanggap ng magtitinda ang pera na inaabot ko

"Princess?"

Napatigil ako sa pagbuklat ng aking wallet at bigla nalang akong kinilabutan. I-is that Kenneth's voice?

Nilingon ko ito, mas dumoble pa ang kaba na nararamdaman ko nang lumingon rin si Princess na katabi ko lang. Lagot na!

"Hey Princess!" nakangiti nitong muling binanggit ang hiram kong pangalan.

"Yes?" nakangiting tugon ng katabi ko which is ang tunay na babaeng nagmamay-ari ng pangalan naPrincess.

"Sorry, excuse me?" nagtatakang nilingon ni Kenneth si Princess.

"Ah eh, Kenneth si Princess nga pala!" pagpapakilala ko saking katabi na talaga namang ikinataka ni Kenneth.

Tsk, hindi ko naisip ang bagay na ito. Isang malaking pagkakamali na ginamit ko ang pangalan ng iba para lang maibigay sa isang lalaki.

Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now