Chapter 16; The Truth

9.2K 232 72
                                    

DyosaJadine36>>> Playing With Him

Maaga palang ay gumising na ako upang makapaghanda sa pag-uwi ko saming baryo.

Tumawag kasi si Nanay sakin kagabi at sinabing gising na si Jingjing. Sobrang saya ko nun at sinabi ko kay Nanay na uuwi ako para makita at makamusta ang kapatid ko.

Tatlong araw pa kasi bago mag-weekend. At hindi ko na mahihintay pa ang tatlong araw na iyun para makita ang pinakamamahal kong kapatid.

Kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng tawag ay napagdesisyunan kong magpaalam muna kay Madam Dela Vega.

Akala ko nga ay hindi ako nito papayagan. Nag-aalala kasi ito kay Jurrence. Panigurado daw na malulungkot ito kapag nawala ako ng ilang araw.

Mahalaga sakin si Jurrence pero mahalaga rin sakin ang kapatid ko. Sa ngayon ay uunahin ko muna ang kapatid ko. At ibubuhos ko ang lahat ng oras ko kay Jurrence pagbalik ko rito.

"Aalis kana ba Rose?" tanong ni Gie Ann at bumangon sa kanyang kama.

"Oo. Pero magpapaalam muna ako sandali kay Madam Dela Vega at kay Jurrence"

"Naku, baka hindi ka hayaang paalisin ni Sir. Jurrence. Eh in love sayo iyun eh" bulalas ni Maui na talaga namang ipinagtaka at ikinagulat ko.

"A-anong sinasabi mong in love sakin si Jurrence? Hindi ano?" natatawang turan ko kahit na sa totoo ay kinikilig ako.

"Ano kaba Rose? Hindi pa ba halata na may gusto sayo iyung amo natin? Alam mo, alam naming lahat na si Ma'am Zoren lang ang kayang magpatino kay Sir. Jurrence, kasi nga mahal na mahal iyun ni Sir. Pero ngayon ikaw ang nagpapatino kay Sir. Jurrence, so anong ibig sabihin niyun?" nakangiting usal pa ni Maui.

May point naman sya pero hindi iyun sapat na dahilan. Gustuhin ko mang maniwala ay hindi ko magawa dahil ayukong umasa sa wala. Never naman akong magugustuhan ng isang Jurrence Dela Vega eh.

"Ikaw talaga Maui. Mas inilalayo mo ang pag-asa kay Rose. Ganito ang dapat na paliwanag..." untag ni Patrice at umupo sa tabi ko.

"Hindi mo ba nahahalata Rose? Si Sir. Jurrence ang bait-bait sayo. Hindi ka nya kayang saktan. Si Madam Dela Vega nga na sarili nyang ina, sinasaktan nya minsan... Pero ikaw kahit isa never ka nyang sinaktan. Oo nabaril ka nya sa braso nung nakaraang gabi, pero hindi nya iyun sinasadya. At talagang pinagsisihan nya iyun, mukhang ayaw ka nyang makita na nasasaktan. At isa pa, ang saya-saya ng amo natin kapag nakikita ka nya. Kahit na sa litrato lang. So anong ibig sabihin niyun?" wow ang haba ng paliwanag nya.

Hindi ko alam pero biglang kumabog iyung dibdib ko. Kinikilig ba ako? Pero ayukong maniwala sa mga sinasabi nila, natatakot akong umasa tapos masasaktan lang ako.

"Kayo talaga... Tigilan nyo nga ako, wala lang iyun"

"Bahala ka, masyado kang patay malisya" umiirap na turan ni Gie Ann.

Napakamot nalang ako sa ulo.

"Mauuna na ako. Sa lunes nalang tayo magkita" pagpapaalam ko at tsaka tumayo na bago binitbit ang gamit ko.

"Buti kapa Rose. Makakasama mo ang pamilya mo ng halos limang araw. Kami, isang beses lang sa isang buwan" sabi ni Patrice na may kasamang lungkot.

"Hwag nga kayong malungkot. Makakasama ko nga ang pamilya ko sa loob ng limang araw pero may dahilan naman" at iyun ay ang kapatid kong kagagaling lang sa hospital.

Hindi ko nga alam kung bakit lumabas agad sila ng hospital eh. Sa pagkakaalam ko ay dapat pa syang manatili sa hospital at duon magpagaling.

"Rose?"

Loving Mr. SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon