Chapter 25; Lustful Kiss

6.4K 173 13
                                    

DyosaJadine36>>> Lustful Kiss

[Rose's Point Of View]

Napalunok ako ng paulit-ulit nang maramdaman kong nanunuyo ang aking lalamunin. Nararamdaman ko ring halos tutula na ang aking laway dahil saking nakikita.

Jurrence is naked in front of me. Tuluyan ng nawala ang abs nya at humupa ang maumbok nyang dibdib dahil siguro hindi nya kayang alagaan ang kanyang sariling katawan.

But still, nakakaakit parin ang katawan nito. Nakakapang-init, pilit kong pinipigilan ang aking sarili na maglakad palapit sa kanya pero hindi ko magawa.

Tuluyan na akong nakalapit sa kinaroroonan nya at bigla nalang dumapo ang aking kamay sa kanyang tiyan na may bakas pa naman ng kaunting abs.

Ang isa ko pang kamay ay nagsimulang himasin ang kanyang umbok at malaking pagkalalaki. It's making me hot and wet.

"Let me f*ck you Rose!"




Napabalikwas ako ng bangon mula saking higaan, nanlalaki ang aking mata na ipinalibot ang aking paningin sa paligid.

Pinunasan ko ang malagkit na pawis na tumutulo saking pisnge. Panaginip lang pala ang lahat. What a relief!

Mabuti nalang talaga at panaginip lahat ng iyun. Ayaw kong pag-isipan ng masama ito. Pakiramdam ko kasi ay binabastos ko ang kanyang pagkatao.

Pero bakit nakakaramdam ako ngayon ng matinding pagnanasa sa kanya? Ayukong makaramdam ng ganito pero hindi ko mapigilan.

Umiling-iling ako habang nakapikit, pilit na inaalis sa isipan ko ang mahalay na panaginip ko bago tumayo. Maliligo nalang muna ako para ma-refresh ako.

Oo tama, dapat nga maligo na ako at ituon ang atensyon sa trabaho. Pero teka, paano ko makakalimutan ang panaginip na iyun kung makakaharap ko si Jurrence?! Ah, bahala na nga!




Kanina pang ugaga sina Princess at Maui kakahabol sakin, pinipilit nila akong abutan ng pagkain si Jurrence. Gustong-gusto ko ng lapitan si Jurrence pero hindi ko magawa. I'm still wet dahil sa bw*set na panaginip na iyun.

"Rose, bakit ba kasi samin mo inuutos ang pakainin si Sir. Jurrence? Trabaho mo iyun diba?" himutok ni Maui at umupo sa upuan.

Kasalukuyan akong naghuhugas ng plato. Hindi ko naman gawain ito pero ayuko muna talagang makita si Jurrence kahit na miss na miss ko na ito.

"Rose, paniguradong gutom na si Sir. Jurrence, malapit ng maglunch oh!" inis na nagkamot si Princess ng kanyang ulo.

"Siguro hindi mo na mahal si Sir kaya ka ganyan" nanlaki ang aking mata dahil sa sinabi ni Maui.

"Hindi totoo iyan Maui, mahal na mahal ko si Jurrence!" bulalas ko.

"Eh bakit hindi mo sya puntahan ngayon?Hindi mo ba sya namimiss?" pagsingit naman ni Princess.

"May dahilan lang kasi ako eh" sagot ko.

"Bahala ka Rose, ikaw ang gumawa nito. Itigil mo na iyan dahil kami na ang magtatapos niyan"

Pilit inagaw ni Princess ang hawak kong sponge at isang babasaging plato kaya wala na akong nagawa. Here we go!




Nakangiti akong inihahanda ang shaving cream at razor na gagamitin ko sa pag-aahit ng balbas at bigote ni Jurrence na medyo malago na.

Dalawang araw na mula nung umalis si Brix. Nung sabihin ni Brix na ako ang papalit sa magiging trabaho nya ay hindi na nawala-wala sa labi ko ang isang malaking ngiti.

Pero hindi ko pa magawang paliguan si Jurrence, masyado kasing busy sa loob ng mansion kaya ganuon.

Nung isang araw kasi ay nagbirthday si Tita Georgina at nagkaroon ng magarbong party kaya naging busy kaming lahat. Kahapon naman ay bumisita ang ilang partner ni Tita Georgina sa negosyo kaya naging abala rin kami.

Paniguradong nangangati at hindi na mapakali si Jurrence ngayon. Dalawang araw na kasi itong hindi nakakaligo eh.

Lumabas ako sa banyo ng kwarto ni Jurrence upang dalhin sya papasok ruon. Medyo malago na talaga ang balbas at bigote nito.

Nakakunot noo itong nakatitig si razor na nakapatong sa lababo na katapat ng malaking salamin. Napansin ko bigla ang pagpupuyos ng mga mata nito.

Kaagad ko syang hinawakan sa kanyang mga kamay bago hinalik-halikan iyun. Ngumiti sya dahil sa ginawa ko, napakagwapo talaga nito.

"Jurrence, hwag kang matakot. Tatanggalin lang natin ito para maaliwalas ang mukha mo" nakangiti kong sabi sa kanya.

Hinahaplos-haplos ko ang mukha nito maging ang kanyang pang-itaas na labi na kung saan naruon ang kanyang bigote, pati ang baba nito ay hinaplos ko rin kung nasaan ang kanyang balbas.

Tumango ito ng ilang beses bago ako niyakap ng mahigpit. Kinuha ko na iyung emery board at inilubluob iyun sa shaving cream.

Sakto namang humiwalay ito ng yakap sakin. Akma ko na sanang papahiran ang kanyang pisnge ng shaving cream nang bigla nalang ako nitong siniil ng halik.

Pakiramdam ko ay may libo-libong boltahe ng kuryente ang dumadaloy saking katawan dahil sa paghalik sakin ni Jurrence.

Pakiramdam ko rin ay na-revive ako at nagkaroon ng matinding lakas para labanan ang kanyang marubdob ng halik.

Inilapat ko ang aking dalawang palad sa magkabilaan nyang pisnge at siniil din sya ng halik. Hindi ko na kayang tiisin ang nararamdaman ko.

Pakiramdam ko ay pinarurusahan ako sa tuwing pinipigilan ko ang sarili ko. Hindi ko na kayang magpigil, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. At kay Jurrence lang iyun.

Hindi ko magawang mailayo ang aking labi sa labi ni Jurrence, masasabi kong masarap itong humalik sa kabila ng kalagayan nya. Mas lalo tuloy akong nag-iinit.

Kinagat ko kaagad ang pang-itaas na labi nya at ipinasok ko ang aking dila sa loob ng bibig nya. Hindi pinalampas ng dila ko ang kanyang dila, palate, teeth also gums.

Walang ano mang pandidiri akong nararamdaman mula sa kanya. Pakiramdam ko rin ay nagiging isa kami dahil sa ginagawa naming ito.

Mas siniil ko pa sya ng halik na halos itulak ko ang kanyang ulo palapit pa sakin para lang palalimin ang halikan namin. Ano bang nangyayari na sakin?

"Oh my gosh!"

Mabilis akong napahiwalay kay Jurrence nang may biglang nagbukas ng pinto ng banyo at narinig ko nalang ang boses ni Tita Georgina.

Kasama nito sina Maui, Patrice, Gie Ann at Princess. Gulat na gulat ang mga ekspresyon nito habang nakatitig samin ni Jurrence.

Naiiyak ako habang isa-isa ko silang tignan. Pakiramdam ko kasi ay wala na akong mukhang maihaharap sa kanila.

"T-tita Georgina, magpapaliwanag po a-ako"

"No Rose!"

Kinabahan ako sa naging sagot ni Tita Georgina, a-ayaw nitong marinig ang paliwanag ko ganuon ba? Oh no.

"Magpapaliwanag po ako" humihikbing sabi ko ulit.

"No Rose, you don't have to. Mabuti pa eh lumabas na kami at ipagpatuloy nyo ng anak ko ang ginagawa nyo. My gosh, kinikilig ako"

Natulala ako dahil sa sinabi ng ina ni Jurrence. Bakit parang natuwa ito sa nakitang kaganapan samin ng anak nya? Hindi ba ito galit sakin na nagdidis-advantage ako kay Jurrence?

"Tita Georgina?"

"Don't worry Rose, kami lang ang makakaalam ng nakita namin. Ipagpatuloy nyo lang ang ginagawa nyo ng anak ko, bigyan nyo ako ng maganda at gwapong apo!" humagikhik muna ito at niyakap ako bago kaagad umalis.

Pinagtulakan pa nito ang tatlo. So ganun-ganun nalang iyun? Aalis nalang ito na para bang wala silang nakita sa nangyari samin ni Jurrence?

Naiiyak ako, hindi ko mapigilan ang lumuha at mukhang napansin iyun ni Jurrence kaya ako nito niyakap. T-tanggap ba talaga ako ng ina ni Jurrence para sa kanyang anak? Bakit ang swerte-swerte ko?





Author's here!

Tanggap ka man ni Georgina, may eepal parin sa pagmamahalan nyo ni Jurrence. Boom!!!

Loving Mr. SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon