Chapter 4; Trespassing

9.6K 243 39
                                    

DyosaJadine36>>> Trespassing

"Nanay, aalis na po ako" pagpapalam ko kay Nanay.

Araw ngayon ng martes at paniguradong madami na naman akong maibebenta.

"Magpahinga ka nalang muna anak, ang Kuya mo nalang muna ang uutusan ko sa pagbebenta ng mga laruan!"

"Ayuko!" sabad agad ni Kuya.

"Hindi na Nay, ako nalang. Tsaka hindi naman maaasahan iyang si Kuya. Baka murahin nya lang iyung mga mamimili na nagrereklamo. Tsaka baka gastusin nya lang iyung pera na makukuha nya!"

"Huy Rose dahan-dahan ka sa pananalita mo ah?! Kuya mo parin ako!"

"Kuya kita? Ay oo nga, nakalimutan ko na kasi. Sa tagal ba naman ng pagiging immature mo, nakalimutan ko na"

"Anong ipinararating mo huh Rose?!" nagtaas na ang boses nito.

Sasagot pa sana ako nang pigilan na kami ni Nanay. Baka daw mapunta na naman sa kung saan ang pinagtatalunan namin. Palagi naman eh.

"Dyan na nga kayo!" bulyaw ni Kuya at padabog pa itong lumabas ng bahay.

Napabuntong hininga nalang ako nang mapatingin ako kay Nanay. Ewan ko ba kung bakit ganyan si Kuya. Gusto nyang yumaman? Eh hindi naman sya nagpupursige, nakatambay lang sya sa bahay. Sya pa naman ang panganay samin.

"Anak, alam kong hirap kanang magtinda at maghanap ng pera na maimpambibili natin ng pagkain at ipanggagastos natin sa mga pangangailangan natin, pero hwag mo naman sanang ganituhin ang Kuya mo!"

"At ako pa ang may kasalanan Nanay?! Sinasabihan ko lang naman si Kuya. Baka sakaling tumino sya at magtrabaho"

"Anak hindi ko sinabing ikaw ang may mali! Ang sa akin lang, pabayaan mo muna ang Kuya mo sa mga ginagawa nya"

"Kaya sya nasasanay eh"

Nakakabastos man ay tinalikuran ko na ito tsaka na lumabas ng bahay. Naririnig ko pa ang mga pagtawag nito pero masyado na akong nasaktan kaya lalayo muna ako.

Palagi nalang nilang pinagbibigyan si Kuya. Paano naman ako?! Ako iyung hirap na hirap dito. Hindi ko ugali ang magtanim ng sama ng loob. Pero hindi ko maiwasan ngayon dahil kay Kuya.






Kanina pa akong nakapangalumbaba. Nakabisangot ang pagmumukha. Ganito talaga ako everytime na masama iyung loob ko sa isang tao.

Parang pasan ko iyung buong mundo. Ewan ko ba kung bakit ang init-init ng ulo ko ngayon. Dahil siguro sa period ko.

"Hi Rose!"

Napairap nalang ako sa kawalan. At ano namang ginagawa ng Benedick na ito dito?!

"Gusto mo ng sandwich?" nakangiti nitong inalok sakin iyung hawak nyang pagkain.

Padabog akong tumayo tsaka kinuha iyung snadwich na inaalok nya bago ko iyun inihagis sa lamesa. Tinanggap ko na kasi mangungulit na naman ito.

"Salamat, you may leave"

"Sungit mo naman. Siguro may menstration ka ngayon ano?"

"Ano bang kailangan mo?" tanong ko rito tsaka humalukipkip.

"Hindi ano ang dapat mong itanong. Ikaw, ikaw ang kailangan ko Rose"

"Then what do you want from me? Sabihin mo na, may ginagawa pa ako at nakakaabala kana"

"I need you to come back"

"Hayan na naman ba tayo Benedick? Hanggang dito ba naman ihahabol mo pa iyang gusto mo?! Ayuko na nga diba?! Bakit ba ang kulit-kulit mo?"

Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now