Chapter 12; Jp Valdez

8.2K 192 7
                                    

Sana po suportahan nyo parin itong story na ito kahit na medyo madrama na at boring ito. Salamat po!

DyosaJadine36>>> Jp Valdez

"Miss. Ok kalang ba?"

Isang tango ang tangi kong naisagot sa isang binatilyong lalaki na katabi ko sa Bus. Chismoso ba ito o talagang concern lang?

"Eh bakit ka umiiyak?"

Iling naman ang sunod kong naisagot.

Hindi ko maiwasan ang umiyak dahil naiisip ko palang ang hitsura ng kapatid ko na nakahiga sa kama ng Hospital, pakiramdam ko ay nanlalambot na ako.

Sabado ngayon, kaya maaga palang ay gumising na ako para makabyahe ng maaga. Gustong-gusto ko na talagang makita ang kapatid kong si Jingjing. Miss na miss ko na sila ng pamilya ko eh.

"Ayos kalang ba talaga Miss?"

Marahas kong pinunasan ang mga luha ko at masamang-masama na tumingin sa binatilyong kanina pang nakikialam sa pag-iyak ko. Kita naman nyang kailangan ko ng privacy kahit na nasa public place kami eh.

"Pwede ba ihoj?! Hwag kang chismoso! Kita mo namang umiiyak ako eh, tapos itatanong mo pa kung ok lang ako!"

"Pasensya na ining. Baka kasi kung napapaano kana!" aba, ining daw?!

"Excuse me, may pangalan ako kaya hwag mo akong ma-ining-ining dyan utoy huh?! Tsaka mukha ngang mas matanda pa ako sayo eh!"

"Heheh ganun po ba?! Sorry na po!" napa-irap ako dahil nakakainis sya kung magsalita. Napakapabebe.

"Teka, ano bang pangalan mo Miss. Beautiful?"

So hayun? Lumabas din ang totoo. Gusto lang nito na makapoints sakin. Pero di ako bola na kayang-kaya nyang bolahin at bilugin ang ulo.

"Hey Miss. Beautiful?"

"Princess! Princess Matira ang name ko. Kung may facebook ka, search mo nalang tapos add friend mo ako" sabi ko at binigyan sya ng matamis ngunit pekeng ngiti.

"How beautiful your name is!" bolero talaga! Sarap upakan!

Pero isa lang masasabi ko... Ang bata pa nya para maging maharot!





"Nay!"

Mabilis na napalingon sakin ang pamilya ko nang tawagin ko si Nanay. Mabilis kong sinirado ang pinto ng kwarto ng kapatid ko at isa-isa silang niyakap.

"Anak, buti naman dumating kana!" bulalas ni Nanay at bigla nalang lumuha.

Ganito talaga kami ng pamilya ko. Mga iyakin talaga kami. Maliban lang yata kay Kuya.

Mabilis kong nilingon si Jingjing na nakahiga sa kama. Ang daming nakalagay sa katawan nya.

Kaawa-awa ang kalagayan ng kapatid ko kaya naman hindi ko maiwasan ang mapahagulhol. Ang kapatid ko! Napakabata pa nya.

"Wala paring improvement si bunso sabi ng doctor!" nagulat ako sa nagsalita.

Si Kuya. Ngayon ko lang nakita syang ganyan kung mag-alala. Mas lalo tuloy akong napaiyak.

"Tay, ano pong sabi ng doctor? Kailan po magigising si Jingjing?" tanong ko.

"Sabi ng doctor, baka matatagalan pa bago umayos ang kalagayan ni Jingjing. At hindi pa alam kung kailan sya magigising" sagot ni Tatay.

Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now