Chapter 34; Deal

5.6K 111 15
                                    

DyosaJadine36>>> Deal

[Zoren's Point Of View]

Katatanggap ko lang ng masamang balita mula kay Brillio, buntis iyung bw*set na Rose na iyun at paniguradong si Jurrence ang ama.

Hindi na yata ako dapat pang umupo lang, kailangan ko na kaagad gawin ang plano ko para ito na mismo ang lumayo sa mansion na ito at sa mga buhay namin.

"Mommy, pinapatawag nyo po ako?" tanong kaagad ni Miguel pagkapasok nito sa kwarto ko.

"Yes son, may ipapagawa kasi ako sayo eh"

"Ano po iyun Mommy?"

"Nakikita mo ba ito?" inangat ko iyung kamay kong may hawak na drugs na syang ipapa-inom ko kay Jurrence.

"Opo Mommy, ano pong gagawin ko dyan?"

"Ipa-inom mo ito sa Daddy mo" lumapit ako sa kanya bago inabot ang drugs.

"Para saan po ba ito?"

Napa-irap ako sa hangin, masyado ring mausisa ang anak ko. Buti nalang at magaling ako sa pagsisinungaling.

"Gamot iyan na tiyak na makakapagpabalik sa katinuan ng Daddy Jurrence mo" pagsisinungaling ko.

"Talaga po Mommy? Akala ko po ay wala ng chance na bumalik si Daddy sa katinuan?"

"Akala mo lang iyun son. Now, puntahan mo ang Daddy mo sa kulungan nya at ipa-inom iyan"

"Yes Mommy!" nakangiti nitong sagot at nagtatakbo palabas ng kwarto ko.

Paniguradong mas mawawalan ng bait si Jurrence kapag ininom nya iyun. Hindi naman ako nag-aalala na masaktan nito si Miguel dahil isang oras pa ang epekto nung drugs sa katawan nya.

Ewan ko ba kung bakit naging mabait na si Miguel kay Jurrence, dati naman ay kinamumuhian nya ito.

I don't care kung ayaw nya noon kay Jurrence, hindi naman nya talaga ama iyung sinto-sintong iyun. Ipinaako ko lang si Miguel kay Jurrence kasi kasal kami.

Nabuntis ako dati ni Hendrick nung kasal pa kami ni Jurrence. Kaya ang ginawa ko ay nilasing ko ito at hinubaran, nagpanggap ako na may nangyari samin.

Sinadya ko iyung mga damit namin na nakakalat sa sahig maging iyung dugo sa bed sheet. Masyado syang t*nga kaya mabilis ko syang napaniwala.

At ngayon ay gagawin ko ulit iyun, and this time ay sa ipinagbubuntis ko naman. What a brilliant idea right?

Isinarado ko na ang pinto ng kwarto ko at hinubad ang suot kong damit. Tanging strapless bra lang ang suot ko at panty. Ginulo-gulo ko rin ang buhok ko.

Inutusan ko kanina ang isa sa mga men in black ko na hubaran si Jurrence na tanging boxer lang ang itira at ikalat ang mga damit namin ni Jurrence sa sahig. Inutusan ko rin sila na lipstikan ng kaunti si Jurrence.

Kinuha ko ang red lipstick sa bag ko at ipinahid iyun sa labi ko at kaagad na kinalat pa iyun sa labi ko, mukha na tuloy akong nakipaghalikan.

Ok narin ang kiss mark na nasa leeg ko, si Hendrick ang may gawa nito. Pinuntahan ko talaga ito kanina sa mismong tinitirahan namin.

Nilingon ko ang direksyon kung nasaan ang table na katabi ng kama ko. Nandun nakapatong ang titulo ng bahay at lupa ng pamilya ni Rose.

Napangisi ako habang inilipat ang tingin ko sa repleksyon ko sa salamin. Ready na ang plano ko para mamaya.

[Rose's Point Of View]

Malawak ang pagkakangiti ko habang naglalakad ako patungo sa kulungan ni Jurrence. Sabi kasi ni Miguel ay pinayagan na ako ni Zoren na bumisita rito.

Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now