Chapter 18; Ex Wife

7.2K 170 9
                                    

I-try naman natin ang paghaharap ng luma sa bago. Ibig sabihin, ang paghaharap ni Zoren at Rose. Let's see kung sinong mas gugustuhin ni Jurrence na makasama. Pero I guess sa next chapter pa iyun.

DyosaJadine36>>> Ex Wife

Pagkalabas ko ng banyo ay hinubad ko agad ang towel na nakabalot saking hubad na katawan. Isinuot ko ang pantulog na regalo pa sakin ni Carlo nung nakaraan.

9:00 PM na kaya inaantok na ako. Dapat kanina pa akong nakatulog, tinulungan ko kasing maghugas ng pinagkainan si Maui kanina pagkatapos naming kumain.

Humiga na ako sa kama bago tumitig sa kisame. Ang daming tanong na pumasok saking isipan.

Sino ba talaga si Zoren? Anak ba talaga ni Jurrence si Miguel? Pero bakit hindi sila magkahawig? Magkaibang-magkaiba ang kanilang mga mata, ilong, labi at hugis ng mukha. At tanging ang mata lamang nito ang nakuha sa kanyang ina. Ang isa ko pang katanungan ay bakit hindi man lang bisitahin ng bata ang kanyang ama?

Gusto kong masagot lahat ng aking katanungan pero mukhang hindi pa iyun mabibigyan ng sagot sa ngayon.

Huminga ako ng malalim bago ipinikit ang aking mga mata. Malalaman ko rin ang totoo.

Tok, tok, tok!

Napamulat ang aking mga mata at napabalikwas ng bangon nang marinig na may kumakatok sa pinto ng aking kwarto.

Mabilis akong tumayo at pinagbuksan ang taong nasa labas. It was Brix at mukhang inaantok na ito.

"May kailangan kaba Brix?"

"Oo eh" may pagkamot sa ulo nitong sagot.

"Ano iyun?" natatawa ko pang tanong sa kanya.

"Pwede bang puntahan mo muna si Sir. Jurrence sa kwarto nya? Katatapos ko lang syang paliguan pero nagwawala na naman siya. Heto nga at nasapak na naman ako ni Sir. Jurrence, baka sakaling tumino si Sir kapag nakita ka nya"

"Ganun ba?"

"Oo, hwag kalang sanang magugulat sa makikita mo" natatawa pa nyang sabi na ikinataas ng isa kong kilay.

"Bakit, ano bang makikita ko?"

"Nakabrief lang kasi si Sir. Jurrence"

Natigilan ako dahil sa kanyang sinabi. Napatitig pa ako sa kanyang maamong mukha at bigla nalang napahagalpak ng tawa.

"Why are you laughing Rose?" nakangiti nyang tanong sakin.

"Sa totoo nyan, ilang beses ko na syang nakita na nakabrief lang. Napaliguan ko na nga sya noon eh" natatawa kong sabi sa kanya.

"You do?" nakangisi nyang tanong kaya naman natigilan ako.

Duon ko lang narealize ang mga nasabi ko. This is so embarrassing. Bakit ko pa ba iyun ikinuwento sa kanya?

"Ahm, mabuti pa matulog kana. Ako na ang bahala kay Sir. Jurrence"

"Sige, mabuti pa nga. Salamat Rose" muli ako nitong nginitian bago umalis na.

Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now