Chapter 36; Her Return

6.7K 178 38
                                    

DyosaJadine36>>> Her Return

[Rose's Point Of View]

I was looking at my reflection through the whole body mirror. I can say that I change a lot. Mula ulo hanggang paa.

I have my silky wave curly long hair. I'm wearing an expensive dress, sandals and accessories. Makeup is normal to me.

Simula nung magpakasal ako kay Jp at manirahan kami sa States, limang taon na ang nakakalipas ay nagbago ang buhay ko. Nagkaroon ako ng mayayamang kaibigan, sariling negosyo, maraming pera at magandang bahay.

But I feel incomplete, marahil dahil sa hindi parin nagbabago kung sino ang lalaking itinitibok ng puso ko. Si Jurrence parin talaga.

Oo kasal kami ni Jp, pero never kaming nagtabi ng kwarto. Never kaming nagkiss sa lips pero naghahawak kamay kami para maipakita namin kay Claudine na ayos ang relasyon namin.

Sa totoo nyan ay judge lang ang nagkasal samin, at hindi namin ipinasa sa piskal ang ____ namin. Si Claudine lang naman ang dahilan kung bakit kami nagsasama sa iisang bubong ni Jp.

Isa pa, may ibang babae ng nagugustuhan si Jp. Sinusuportahan ko ito kahit na patago ang relasyon nila. Yes, sila na nung babaeng nagugustuhan nya.

Kuntento na ako sa anak kong si Rense Rorrence. He is a boy obviously, at mahal na mahal ko ang batang iyun kagaya ng pagmamahal ko sa kanyang ama.

"Mommy, tapos ko na pong ilagay ang gamit ko sa baggage" nakangiting sabi ni Rense at umupo sa lap ko.

Tinuruan ko itong magtagalog kahit nasa States kami, duon sa Pilipinas ko kasi balak syang pag-aralin.

"Good Rense, now sleep. Masyado ng malalim ang gabi kaya dapat matulog kana kasi bukas ay gigisingin kita ng maaga. Bukas na ang flight natin" sabi ko sa kanya.

"Mommy, are you sure that we're going back to the Philippines without Daddy and Auntie Claudine?" tanong pa nito.

"Yes son, may inaasikaso pa kasi ang Daddy mo rito. Hindi naman natin sila pwedeng hintayin kasi pinauna ko na ang family ko sa pag-uwi ng Pilipinas" I explained.

Alam nitong hindi si Jp ang kanyang totoong ama pero ama parin ang tingin nya rito. Pero hindi nya kilala kung sino ba ang totoong ama nya.

"Alright Mommy, I'm going to sleep na po"

Tumango ako bago hinalikan sya sa pisnge at pinapunta na sa kwarto nya. Sakto namang lumapit si Jp.

"Bakit hindi mo pa inamin sa bata na next year pa ang uwi namin sa Pilipinas?" tanong nito at inabutan ako ng inumin.

"Kapag sinabi ko iyun kay Rense, masasaktan iyun"

"Kung sa bagay. So anong balak mo pagbalik mo sa Pilipinas?"

"I don't know Jp"

"Hindi mo ba hahanapin ang totoong tatay nya? Darating ang araw at gugustuhin na nyang kilalanin si Jurrence" umiling ako.

"Wala akong balak. The famed Jurrence Dela Vega is back, bumalik na sya sa katinuan at sikat na sikat na ulit sya. Sa social media, sa patalastas maging sa magazine ay naruon ang pangalan at mukha nya. I'm sure may masaya na syang pamilya at buhay, guguluhin ko pa ba? Baka nga, hindi na ako nun kilala" may pait na pagkakasabi ko.

"Paano mo naman nasabi iyun Rose?"

"Hello Jp, it's been five years!"

"Bakit hindi mo muna subukan?" suggest nito.

"Para saan pa? Ayuko na, tsaka ko nalang iyun pakaka-isipin kapag dumating na iyung araw na hahanapin na talaga ng anak ko ang tunay nyang ama"

Tumayo na ako at nakipagbeso lang sa kanya na kadalasan na naming ginagawa bago umalis na patungo sa kwarto ko.




Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now