Chapter 5; Scarry Dela Vega (SPG)

10.9K 298 30
                                    

Please, please, please! I need your Votes and Comments. And please read my other stories. TY!

DyosaJadine36>>> Scary Dela Vega

"Huy lumabas kana! Tresspassing ka!"

Napahawak nalang ako sa sintido ng ulo ko nang magsasasayaw ito. Pero wow, ang galing nyang sumayaw.

Kung iisipin ay nasa tamang katinuan ito. Alam na alam ko iyung move ng sayaw nya. Is he a dancer before?

Urgh! Stop it Rose! Stop! Tigilan mo itong kalokohang ito at hwag kang makisakay sa kanya. Timang ko rin dahil pinapagalitan ko ang sarili ko.

"Hey, ibigay mo na sakin iyang mga panty ko!" bulyaw ko sa kanya pero patuloy parin ito sa kanyang ginagawa.

Napabuntong hininga nalang ako bago lumapit sa kanya. Hinawakan ko sya sa magkabilaang palapulsuhan nya kaya napatigil naman ito. Tumitig lang ito sakin.

"Makinig ka, kailangan mo ng umalis dito. Mapapagalitan ako ng magulang ko kapag nalaman nilang may pinapasok akong lalaki sa bahay, lalo na sa kwarto namin"

Nangunot lang ang noo nito tsaka ako tinalikuran. Aba't bastos ito! Pero ang hirap nyang kausapin. Nakakaloka.

"Huy ano ba?" haisttt! Ano ba naman kasing pangalan nito?

"Huy Mr! Hwag mo nga akong talikuran. Kinakausap pa kita eh!"

Humarap itong muli sakin at talaga namang nakakasakit ng ulo ang ginagawa nya.

Inamoy-amoy na naman nya iyung panty ko na hindi pa nalalabhan. Tapos kinagat-kagat nya.

"Hindi iyan pagkain, tela iyan!"

Lumapit akong muli rito at sinubukang kunin ang mga panty ko pero ayaw nyang ibigay.

"Sabing akin iyan eh! Give it back!"

Naghilahan na kami duon sa panty ko. Napunit ang tatlo at napatitig ako duon na nagpatak na sa sahig. Nang muli kong lingunin ito ay agad nyang isinuot ang iba ko pang panty sa kanyang umbok na harapan. Grhhhhhh!!!




"Mr. Pwede bang hwag kang malikot dyan?" inis na ani ko.

Nagluluto kasi ako ng paksiw para sa aming tanghalian. Ito namang lalaki na ito eh sayaw naman ng sayaw. Kung anong sinasayaw nya kanina ay ganun din ngayon.

Plaaaakkkkkksssshhhhhh!!!

Mabilis akong napalingon sa direksyon ni Mr. Pulubi. Naku hindi!

"Ang flower vase ng Nanay ko!" naibulalas ko at napahilamos sa mukha.

"Mr. Ano ba?! Hindi kana nakakatuwa pa, alam mo ba iyun? Sinusubukan ko namang maging mabait sayo ah?! Pero sakit kalang naman sa ulo!"

Tahimik ito at hindi ko maiwasan ang maawa sa naging reaksyon nito. Para syang bata na napagalitan ng Mommy nya.

Pero hindi ko na sya pwede pang konsintihen at pabayaan na manatili dito. Hindi na pwede!

"Kailangan mo ng umalis Mr."





Pitong oras na ang nakakalipas nang mapagalitan ko sya kaninang patanghali.

Aaminin ko na masyadong mahina ang loob ko at hindi ko sya nagawang paalisin sa bahay namin.

Hindi ko kaya. Naaawa ako. At may nararamdaman ako na kakaiba na hindi ko naman maipaliwanag.

"Mr. Pagkatapos kong balutin lahat ng tinapay na ito, pwede kanang umalis" sabi ko habang binabalot sa plastic iyung mga tinapay.

May balak parin naman akong paalisin sya dito eh. Siguro mamaya pa. Tatapusin ko lang itong ginagawa ko. Ginagawan ko sya ng baon nya para naman hindi sya magutom ng ilang araw.

Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now