Chapter 35; Where Are You Rose?

6.4K 135 41
                                    

DyosaJadine36>>> Where Are You Rose?

[Rose's Point Of View]

Nakahanda na ang aking mga gamit para sa pag-alis ko. Naiiyak na nakatitig sakin sina Maui at Patrice. Masama naman ang ipinukol na tingin sakin ni Princess at Gie Ann.

Hindi ko naman sila masisisi. Iiwanan ko kasi sila sa ganitong sitwasyon, samantalang ako ay magiging malaya na.

"Mang-iiwan ka Rose, sarili mo lang ang iniisip mo!" sigaw sakin ni Gie Ann at padabog itong lumabas mg kwarto.

"Rose, hwag mo nalang intindihin si Gie Ann" sabi ni Maui habang hinahaplos-haplos ang likod ko.

"Pasensya na kayo ah?" naiiyak kong paumanhin.

"Nauunawaan ka naman namin Rose eh" pilit na ngumiti si Patrice.

"Salamat sa inyo ah? Pasensya na talaga. Kapag kasi hindi pa ako umalis ay mapapahamak ang pamilya ko at ang ipinagbubuntis ko" paliwanag ko.

"Rose, hwag mo kaming kakalimutan" biglang sabi ni Princess habang sa ibang direksyon nakatingin.

"Oo naman Princess, hindi ko kayo kakalimutan. Kapag naka-uwi ako samin ay hihingi kaagad ako ng tulong kay Tita Georgina"

"Kung magagawa mo pa iyun" sabay-sabay kaming napalingon sa babaeng nagsalita.

Si Zoren pala ito at nakangisi pa ito habang nakatayo sa may bukana ng pinto. Napatayo ako dahil sa takot nang makita sya.

"Zoren"

"Alam mo Rose, masyadong matigas ang ulo mo. Dahil buntis ka ay pagbibigyan kita, pero oras na malaman kong kinakalaban mo ako kahit nasa labas kana ng mansion ay hindi kita titigilan"

Nakahalukipkip ito at nagsimulang maglakad patungo sa kinatatayuan ko, napansin ko pa iyung hawak nyang folder.

"Mukhang alam ko na kung ano ang naging sagot mo" sabi pa nito na sa mga gamit ko nakatingin.

"Now, sign this! Ito ang kontrata na magpapatunay na hindi kana maaaring bumalik at magpakita pa kay Jurrence, kapag pumirma karin rito ay sayong-sayo na ang titulo ng bahay at dalawang lupa sa lugar nyo"

Nagdadalawang isip na tinanggap ko iyung folder na iniaabot nya. This is it! Magkakaroon narin ng magandang buhay ang pamilya ko,

Pero paano si Jurrence? Paano naman ang nararamdaman ko at paano ang magiging anak naming dalawa? Lalaki ito ng walang ama.

Nilingon ko sina Patrice, tinignan ko sila na para bang humihingi ako ng pahintulot. Mga kaibigan ko kasi sila.

"Sige na Rose, para sa pamilya mo" pilit na ngumiti si Maui kahit na halatang malungkot ito.

"Patawarin nyo ako" sabi ko at kaagad na pinermahan ang kontrata.

"Good, now get lost!" pagtataboy sakin ni Zoren at kaagad na inagaw mula sakin ang folfer.

"Sandali lang Zoren, pwede ko bang bisitahin si Jurrence kahit saglit lang?"

"No, just go away!"

"Kahit isang minuto lang Zoren, sapat na iyun sakin. Pakiusap"

"Hindi pa ba malinaw sayo ang nangyari kagabi? Ayaw kana nyang makita kaya hwag kanang makulit. Ok, I'll give you five minutes to stay here. Sulitin mo na ang limang minuto na narito ka sa mansion, pero bawal mong lapitan si Jurrence" tumalikod na ito at hinayaan ko nalang na umalis.

Napa-upo ako sa pinkamalapit na kama, napahilamos ako sa sariling mukha at pilit na pinipigilan ang nagbabadyang luha saking mga mata na any moment ay mahuhulog na.

Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now