Chapter 8; Muling Pagkikita

9.6K 243 10
                                    

DyosaJadine36>>> Muling Pagkikita

Three weeks na since maibalik ko si Jurrence sa pamilya nya. At halos tatlong linggo ko ng iniiyak itong nararamdaman ko. Masyadong mababaw, pero napalapit na talaga sakin si Jurrence.

Noon pa man ay may pagtingin na ako sa kanya. Pero ano naman ngayon? May mahal syang iba at iyun ay si Zoren. Ang asawa nya, at may anak sila. Ayukong umepal sa buhay nilang mag-asawa. Dapat ay tanggapin ko nalang ang katotohanan.

"Anak?" lumingon ako kay Nanay na umupo pa sa tabi ko.

"Gabi na, hindi ka pa ba papasok sa loob?" nandito kasi kami sa labas ng bahay.

Tuwing gabi narito ako. Gusto kong mapag-isa at masayang binabalikan ang mga nakaraan nuong kasama ko pa si Jurrence.

Naalala ko nga nung una naming pagkikita ilang taon narin ang nakakalipas.

Naalala ko nuong nagkita kaming muli. Kung paano nya sinira iyung mga paninda ko at kung paano ako napilayan.

Hindi lang iyun, naalala ko pa iyung mga kalokohang pinaggagagawa nya. Iyung pagkuha nya sa underwear ko, mga kalat na ginagawa nya dito sa bahay. Pati kapag pinapaliguan ko sya at kapag pinapakain. Naiiyak na naman ako.

"Anak, miss mo na si Jurrence?" malambing na tanong ni Nanay.

Tumango ako bilang sagot kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. Inamin ko narin sa kanila ang totoo, hindi naman sila nagalit at natuwa pa sila kasi tinulungan ko ito.

"Nanay, mahal ko na ba sya? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Diba dapat hindi ko sya iniiyakan, dapat hindi ko sya naiisip?" I can't stop myself crying.

Niyakap ako nito tsaka hinagod-hagod ang likod ko. I hugged my mother back.

"May ilang bagay akong itatanong sayo para makasigurado tayo na mahal mo na nga ang lalaking iyun"

Natahimik ako para sa mga itatanong ni Nanay. Gusto kong malaman kung mahal ko na ba talaga si Jurrence.

"Palagi bang mukha nya ang nakikita mo? Sa ilang bagay at sa ibang tao?"

Oo mukha nya ang nakikita ko. Nuong gumagawa ako ng bico nuong birthday ni Kuya, nakita ko ang pagmumukha ni Jurrence na masayang naghihintay sa niluluto ko.

Hindi lang iyun. Bago ako matulog, nakatingin ako sa bubong ng bahay, at palaging sya iyung nakikita ko.

Tumango nalang ako kay Nanay bilang sagot.

"Ginagawa mo ang lahat mapasaya lang sya. Kahit na bigyan mo sya ng ilang mga bagay o gumawa kapa ng kabaliwan mapasaya lang sya?"

Oo. Naalala ko nung sinasabayan ni Jurrence ang kanyang anak na nagsasayaw. Nakisali narin ako para matuwa sya.

Ipinagluluto ko rin sya ng bico dahil paborito nya iyun.  At masayang-masaya sya kapag kumakain sya nun.

Muli akong tumango kay Nanay bilang sagot.

"Ngumiti lang sya o makita mo lang sya, buo na ang araw mo"

"Oo, Nay. Naramdaman ko iyun"

"Palagi mo syang naiisip at tumitibok ng mabilis at malakas ang puso mo"

Bigla kong naalala iyung mga pagyakap sakin ni Jurrence. Sa simpleng yakap nya lang, nag-iiba na iyung klase ng pagtibok ng puso ko.

Ang dating normal na pagtibok ng puso ko, bumibilis at lumalakas. Lalo na nung hinalikan ako nito sa labi.

"Oo Nay, ganun nga ang nararamdaman ko"

"Gusto mo palaging naririnig ang boses nya"

"Oo Nay gustong-gusto kong naririnig ang boses nya"

Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now