Chapter 1; Nawawala

12.8K 292 53
                                    

A/N: It has not been edited yet but there are plans to edit. So for now bear with the ka-jejehan, grammatical errors, typographical errors and wrongs spellings.

Where Are You?

"Huahhhhhhh, huahhhhh, huahhhhh!"

Napaluha nalang si Madam Dela Vega nang makita na naman niya ang anak na nagwawala at sinasaktan na naman ang sarili.

Halos tatlong taon ng ganiyan ang kanyang anak na si Jurrence. Simula nung mawala si Zoren at Miguel. Kaawa-awang binata.

Sinubukan na ni Madam Dela Vega ang lahat ng kanyang makakaya upang matulungan ang anak pero walang nangyari.

Lumapit narin ito sa psychiatrist at iba pang may kaalaman na maaaring makatulong sa anak pero wala paring epekto.

"Mr. Dela Vega, calm down!" bulyaw ni Nurse Ann kay Jurrence.

"If you don't want to obey me, I don't have any choice but to hurt you again Mr. Dela Vega-----Ahhhhhhh!"

Muli na namang sinugod ni Jurrence ang pangdalawangpu't pito nitong nurse. Maliban sa pananakit sa kanyang sarili, sinasaktan nya rin ang ilang taong nasa paligid nya.

Walang ibang magawa si Madam Dela Vega kundi ang mapahagulhol na lamang dahil sa wala itong magawa.

Talagang wala na nga sa sarili ang kanyang anak. Miss na miss na nya ang anak na talagang mabait, maalaga at mapagmahal. At kahit kailan, hindi ito marunong manakit ng babae.

"G. Harry, ilabas mo na sa kulangan ni Jurrence si nurse Ann" utos ni Madam Dela Vega sa kanyang tapat na tagasunod.

Muli nyang tinignan ang pinakamamahal na anak na si Jurrence, kinakagat-kagat nito ang kanyang mga daliri.

Naisip nya bigla ang apo na si Miguel. Mahilig rin nitong kagat-kagatin ang daliri ng ama. Marahil ay naalala ni Jurrence ang anak.

"Manang Sinta, pakiabot ng aking cellphone!" utos nito sa isa pa nyang tagasunod.

Naghintay ito ng halos limang minuto bago nya nakuha ang hinihinging cellphone kay Manang Sinta.

Hinahanap nya agad ang numero ng cellphone ni Zoren. Kahit hiwalay na ito at ang kanyang anak ay hindi parin napuputol ang kanilang connection.

(Yes hello?)

"Zoren!"

(Oh hi, M-mama!)

"Zoren!" hindi mapigilan ni Madam Dela Vega ang muling pagluha.

(Is there anything wrong Mama? Why are you crying? I know you do, naririnig ko ang paghikbi nyo!)

"Zoren, I'm begging you!"

Tumingin ito sa anak. Kung kailangan nyang ibaba ang kanyang pagkatao para lang maging maayos na si Jurrence.

(M-mama! What are you saying? You're begging me for what?!)

"For coming back! Please bumalik kana Zoren. My son really needs you. Pakiusap Zoren, ihaj!"

(M-mama, you know that I can't do that! May kinakasama na po ako. And I love him!)

Tila may sumilab na apoy kay Madam Dela Vega. Bigla siyang nakaramdam ng matinding galit kay Zoren. Ang kapal nitong sabihin ang salitang iyun mismo sa kanya. Anak nya ang sinaktan nito.

"Please, do this as a favor! Miss na miss ko na ang dating anak ko. Once na makita nya kayo ng anak nyo, I'm sure mas magiging mabuti sya!"

(I'm sorry Mama. Pero hinding-hindi na ako babalik pa dyan. Just accept the fact na hindi na sya babalik sa dati nyang katinuan------)

Loving Mr. SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon