Chapter 42; Nearly

6.8K 189 48
                                    

DyosaJadine36>>> Nearly

[Rose's Point Of View]

Lumipas pa ang dalawang araw at hindi parin nakakaget over si Rense sa pangyayari na naganap sa eskwelahan nung Byirnes.

Awang-awa na nga ako sa anak ko. Nuong nasa States pa kami ay ito palagi ang nangunguna sa klase nila kaya siguro hindi parin nito matanggap na pangalawa lang ito sa kanilang klase.

Isa pa, gustong-gusto na nitong makilala ang kanyang ama. Nagdadalawang isip na nga ako na ipakilala na sa kanya si Jurrence.

"Anak, gusto mo ba kumain ng meryenda?" ngumiti ako kay Rense.

"No Mommy, I want to be alone" sagot nito at niyakap pa ang unan nito.

"Anak, miss ko na iyung maingay at makulit na Rense" malungkot na sabi ko at tumabi sa kanya. Humarap sya sakin at niyakap ako.

"Me too Mommy, pero hindi ko po talaga magawang maging masaya"

"Anak, malaki ang tiwala ko sayo na makakabawi ka sa susunod"

"It's not about that Mommy" kumunot ang noo ko.

Then tungkol saan ang pagiging malungkutin nito? Don't tell me, dahil sa gusto na nitong makilala ang tunay nyang ama? Not again!

"Mommy, I really want to know him"

Umiwas ako ng tingin rito nang mapansing nangungusap ang mga mata nito. Hindi ako pwedeng magpadala.

"Mommy please?"

"Son, masyado pang maaga para sa bagay na iyun"

"No Mommy, hindi ko na nga po nakasama ang totoo kong ama simula pagsilang ko. Mommy please? I just want to know him, kahit saglit lang Mommy"

Bumuntong hininga ako bago niyakap ito. Sa ngayon ay wala muna akong maisasagot rito. Naguguluhan at nalilito pa ako eh.

"Mommy, I'm going to sleep na po. And I hope when I wake up, kasama na natin ang real father ko.

Napabuntong hininga nalang ako. Hinalikan ko muna ito sa noo nya bago ako lumabas ng kwarto at nagtungo sa kwarto ko.

Kinuha ko lahat ng pictures naming dalawa kasama si Jp nung nasa States pa kami mula sa kahon. Ang saya-saya pa namin dito, that time ay hindi pa alam ni Rense na hindi nya totoong ama si Jp.

Hindi naman ito nagalit sa akin o sa itinuring nyang ama dahil ipinaliwanag ko ang lahat-lahat sa kanya. Mabait naman ito at maunawain kaya hindi rin ako nahirapan na mag-explain.

Huminga ako ng malalim bago napapikit. Buo na ang desisyon ko, ipapakilala ko na si Jurrence sa anak ko. Pero, mangyayari lang iyun kapag natupad ang sign na hinihingi ko.

Kapag nakita ko ngayong araw si Jurrence na nakasuot ng kulay pulang damit at may dalang pulang rosas for me ay aaminin ko na sa kanya ang totoo.

Natawa ako ng pagak, what am I saying? Alam ko namang imposible iyung mangyari, sa eskwelahan lang naman kami nagkikitang dalawa. Tsaka imposible rin namang bibigyan ako nito ng roses diba?

Napailing-iling nalang ako para sa sarili ko. Kung ano-ano na ang naiisip ko eh. Mabuti pa ay yayain ko nalang mamasyal si Rense sa Mall. Nagyayaya rin naman ito nung nakaraang linggo, but I was busy that time.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto ko. Sakto namang may nagdoorbell kaya dumiretso ako sa baba kung nasaan ang pinto palabas ng bahay.

"Yaya Riye, ako na. Maghanda ka nalang ng meryenda dahil mukhang may bisita tayo" sabi ko kay Yaya nang akma nitong bubuksan ang gate.

Loving Mr. SpecialWhere stories live. Discover now