Chapter 40; Bye Zoren and Miguel

6.4K 143 3
                                    

DyosaJadine36>>> Bye Zoren and Miguel

[Rose's Point Of View]

Nagdadalawang isip na pumasok sa loob ng bahay si Zoren, dala-dala nito ang ilan nilang mga gamit na I think inampake nila kagabi bago nila takasan iyung Hendrick ba iyun?

Noong una ay nakipaggilgilan pa si Zoren na makitira samin pero kalaunan ay napapayag ko rin ito with the help of her son and daughter.

"Tita Rose, salamat po sa pagpapatira nyo samin rito" pasasalamat ni Miguel, buhat-buhat nito ang kapatid na si Heren.

"Wala iyun, sige na pumunta na kayo sa guest room. Pasensya na pero duon lang kasi may bakanteng kwarto para sa inyong tatlo"

"Ayos lang po iyun, pasok na po kami sa loob" tumango na lamang ako at hinayaan ang mga ito na pumasok sa guest room.

Natigilan ako at napakunot ang noo nang mapansing inililibot ni Zoren ang paningin sa paligid ng sala.

"Is this your house, how cheap?" napataas kaagad ang isa kong kilay dahil sa sinabi nito.

So hanggang ngayon ay mataas parin ang pride nito? Hindi ba ito marunong tumanaw ng loob dahil patitirahin ko sila rito ng mga anak nya? At talagang lalaitin pa nito ang pamamahay ko?

"Alam mo ba ang salitang pagtanaw ng utang na loob Zoren, pati narin ang pagkamakapal ng mukha?" nakahalukipkip na tanong ko.

"I'm sorry but not sorry, pero hindi ko alam ang mga salitang iyun" nakangisi nitong sagot.

Nginisian ko rin ito pabalik bago unti-unting naglakad palapit sa kanya. Umikot-ikot pa ako sa kanya at tinitigan sya na para bang kinikilatis ko.

"You know Zoren, lubos-lubos ang pasasalamat sakin ng mga anak mo dahil sa pagpapatira ko sa inyo dito sa bahay ko. Ganyan kaba talaga huh Zoren? Wala kang pakialam sa kapanan ng anak mo? Kasi kung may pakialam ka, ibababa mo iyang pride mo. Hindi mo man lang ba naisip na baka palayasin ko kayo rito dahil sa klase ng pakikitungo mo sakin? But don't worry, I'm not going to rid you of my house. Tinulungan ko kayo kasi nag-aalala ako sa mga bata, hindi ko ito ginagawa para ipamukha sayo na mas mataas na ako sayo ngayon kaya pwede ba tigilan mo na ang pang-aasar sakin? Kasi hindi ako natatamaan. Inuulit ko Zoren, I'm doing this cause I'm worried to your children, hindi katulad mo na sariling ina ni Miguel at Heren pero walang pakialam sa kapakanan nila" tumalikod na ako at naglakad palayo.

Pero nakakalimang hakbang palang ako ay napahinto na kaagad ako nang tawagin nito ang pangalan ko. Humarap ako sa kanya.

"I'm sorry, at salamat narin" sabi pa nito na nakaiwas ang tingin sakin.

"Great, marunong ka naman pala magpakumbaba. Now, escort me to the kitchen"

"What?" naguguluhan nitong tanong.

"Ang sabi ko, samahan mo ako papunta sa kusina. Igagawa natin  ng meryenda ang mga bata"

Hindi makapaniwala itong nakatingin sakin. Tumalikod na ako kasabay ng pag-alpas ng ngiti sa labi ko.

"Are you sure about that?" tanong ko kay Zoren.

Kaming dalawa lang nito sa may garden. It's been three days nang simulang makitira sila rito sa bahay, at napag-isip-isip ni Zoren na umuwi muna silang dalawa ni Miguel sa America kung nasaan ang ina nya na nilayasan nya nung mga panahong pinipilit sya nitong ipakasal kay Jurrence.

Ewan ko pero nalulungkot ako para sa mga anak nya. Kasi si Miguel lang ang isasama nito pauwi ng America, at iiwanan nya si Heren kay Jurrence. It's mean, magkakahiwalay ang magkapatid.

Sa totoo nga nyan ay nakakatuwa ang kabaitan ni Jurrence. Sa kabila ng mga panloloko at kasalanang ginawa ni Zoren sa kanya ay tinutulungan nya parin ito. At kahit na hindi nya tunay na anak si Miguel at Heren ay itinuturing nya parin ito na parang anak nyang tunay.

"Yeah, I need to pamper myself. It's been ten years when I leave America, when I leave my Mom. Siguro panahon na para bumalik sa America with Miguel. Ipapakilala ko sa kanila ang panganay kong anak. And maybe after one year, si Heren naman ang ipapakilala ko sa kanila"

Napatango-tango ako, pero bakit kailangan nya pang iwanan dito sa Pilipinas si Heren? Paniguradong mangungulila iyun sa kanila.

"Pero bakit kailangan mong iwan si Heren rito?"

"She never felt the availability of being a father of Hendrick, kay Jurrence lang. Gusto ko munang iparamdam sa kanya na may ama sya that's why iiwanan ko muna sya kay Jurrence"

Napatango-tango ako. Same lang pala si Heren at ang anak kong si Rense na naghahanap ng kalinga ng ama. At parehong kay Jurrence pa.

"Patawarin mo sana ako Rose" kumunot ang noo ko.

"For what?" naguguluhan ko pang tanong rito.

"For snatching Jurrence's time na dapat ay nasa anak mong si Rense. And I'm sorry sa lahat ng mga kasalanan ko sayo noon, sa inyong dalawa"

Hindi ako sumagot at sa halip ay tumayo ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko ito bilang sagot na wala na lahat sakin ng kasalanan nyang nagawa.

"Rose, I want to make it right. Aamin na ako kay Jurrence sa lahat ng kasalanang nagawa ko sa inyo"

"No, hwag muna sa ngayon please?"

"Pero bakit Rose?"

"Basta"

Bumuntong hininga na lamang ito bilang pagsang-ayon. Tsaka na muna, kapag nagkaroon na ako ng lakas ng loob na harapin at aminin kay Jurrence na anak nya si Rense.



Pagkababa na pagkababa ko sa sasakyan ay niyakap ko ang aking anak bago halikan ito sa kanyang noo. Katabi nito ang kanyang bagong yaya na si Yaya Riye.

Naging busy kasi ako nitong mga nakaraang araw hanggang ngayon dahil sa negosyo kaya naghired ako ng isang yaya for Rense at isang driver.

Noong mga nakaraang araw ay ako pa ang nagsusundo kay Rense pero ngayon ay hindi na. Noong mga panahon pa niyun ay nandito pa si Zoren at Miguel, kaya hindi ko rin nakakasalubong o nakikita si Jurrence kasi si Zoren ang sumusundo kay Heren.

But I'm sure mapapadalas na naman ang pagpunta ni Jurrence dito sa eskwelahan dahil sya na mismo ang nangangalaga kay Heren.

"Anak, baka hindi na muna ulit kita masusundo. Si Yaya na muna ang bahala sayo, ipapasundo ko nalang muna kayo kay Mang Joe.

"Again Mommy? Nawawalan kana po ng time sakin" malungkot na sabi nito.

"Sorry son, alam mo namang busy pa ako sa negosyo ko. Don't worry, babawi ako sa weekend" muli ko itong hinalikan sa noo.

"Rense, Tita Rose!"

Nilingon ang pinanggalingan ng matinis na boses na iyun. Si Heren at Jurrence pala. Tinulos yata ako sa kinatatayuan ko nang makitang mataman na nakatingin sakin si Jurrence na patungo na saming kinaroroonan ngayon.

Mabilis akong tumayo at nagpaalam na kay Rense. Muntik pa akong matalisod sa pagmamadali kong makapasok sa sasakyan.

Saktong nakalapit na sa kinaroroonan namin sina Jurrence at Heren, bago ko napaharurot ang sasakyan ay akma pa itong kakatok sa bintana ng sasakyan ko. Mabuti nalang at nakaalis na kaagad ako ruon.

Sh*t! Bakit ba ako nagkakaganito? And sh*t, mas gumwapo yata ngayon si Jurrence sa paningin ko? The h*ll?"




Author's here!

Not so sweet!

Loving Mr. SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon