CHAPTER 1

8.7K 164 12
                                    

Ria Crystal POV

"Narito na tayo, Miss RC." Napatingin ako sa rear view mirror ng mag salita si Manong Raul.

"Thank you po, Manong Raul." Sabi ko at ngumiti bago tuluyang lumabas ng kotse.

I'm Ria Crystal Salvador 17 years old at kasalukuyang nasa 4th year highschool.

Pumasok ako sa loob ng University. Nag patuloy lang ako sa paglalakad ng mahagip ng paningin ko ang isang babaeng kinaiinisan ko.

Si Cindy Bianca Rosario. Ang dakilang vocalista ng bandang Nirvana Brook Six at secretary ng Student Council. Literal na six members sila pero ngayon, lima na lang ata sila kasi nag back out na si Cindy malamang, nag away na naman sila ni Z.L, short for Zayne Lowell Davis.

"Look who's here." Natigil ako sa paglalakad ng mag salita si Cindy. Hinarap ko siya.

"Hi there, my EX- bestfriend." Pang iinis ko sa kanya. Alam kong ayaw na ayaw niyang tinatawag ko siyang bestfriend.

She's my childhood bestfriend actually. Pero, biglang nag iba ang ihip ng hangin. Simula ng makilala namin si Z.L. Umiiwas na siya sa akin, tinataboy ako kapag may kasama niya ang iba niyang kaibigan at ang malala ay sinisiraan niya ako sa lahat ng taong ka kilala ko. Even sa family ko.

"Yuck! Eww. I said don't call me bestfriend." Nandidiri niyang sabi. Inirapan ko na lang siya at nag patuloy sa paglalakad papasok sa loob ng classroom.

Umupo ako sa pwesto ko malapit sa bintana at isinubsob ang mukha ko sa desk.

"Bakit ngayon ka lang??" Halos mapa talon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Chloe. Tumingala ako at nakitang naka tayo siya sa harapan ng desk ko.

"Traffic." Sambit ko at muling sumubsob sa desk ko.

"Pinapapunta ka sa Dean's Office." Napasandal ako sa upuan ko. "May nagawa ka na naman ba??" Dagdag niya pa.

Ano na naman ba ang kailangan ni Tita??

Napailing lang ako at tumayo saka tuluyang lumabas ng kwarto. Tumungo ako sa may Dean's Office. Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago tuluyang pumasok sa loob.

Sumalubong sa akin si Tita Karen, ang Mom ni Z.L, na nakaupo sa swivel chair niya.

"Oh, RC you're here. Maupo ka." Bati niya at pinaupo ako sa tapat ng table niya.

"Bakit niyo ho ako pinatawag??" Tanong ko at sumandal sa upuan.

"I have a favor..." napalingon ako kay Tita Karen. "Ano po iyon??"

"Please join the band, Nirvana Brook Six." Bahagya akong natawa ng marinig 'yon kay Tita.

Alam niyang ayaw ko sa bandang 'yon. Dahil kay Cindy.

"Look, RC. Nag back out na si Cindy last month pa. Malapit na ang concert ng banda. Wala na akong maisip na ibang paraan. Dahil pinakiusapan ko rin si Cindy na bumalik kahit tapusin niya lang yung Concert. Pero, mukhang ayaw niya talaga." Pag kukumbinsi ni Tita. Bumuntong hininga ako.

Pangalawa, kung papasok man ako sa bandang iyon ay palagi ko rin makikita ang pag mumukha nung Cindy na 'yon dahil sa mag syota sila ni Z.L. Kahit na nag break 'yon, sure akong babalik at babalik 'yon kay Z.L. May pagka marupok rin.

"Tita, sorry. Pero, ayoko ko po." Pagtanggi ko.

"Please... kahit matapos lang ang concert ng banda..." pag mamakaawa niya.

"Hindi ho talaga. Ayoko ho pumasok sa banda."

"O sige, ganito na lang. I'll make sure na hindi makakadalaw or makikita sa practices niyo si Cindy." Napatingin ako kay Tita na ngayon ay nakangisi na.

"Tita..." humugot ako ng malalim na buntong hininga bago nag patuloy sa pagsasalita. "Ayoko ho talaga."



*Blag!*



Napalingon kami sa may pintuan ng bumukas ito. Napanganga ako ng iniluwa nito si Z.L na mukhang ginahasa dahil sa suot niyang uniform na naka unbotton ang dalawang butones at hindi man lang naka ayos ang nektie niya plus ang buhok niya ay magulo.

"Anong nangyari, anak??" Nag aalalang tanong niya kay Z.L.

"Tss. Bakit pinatawag mo 'ko Mom?!" Kunot noo na tanong niya kay Tita.

Kita mo 'to. Wala man lang galang sa Nanay niya. Mababatukan ko 'to!

"RC is going to join your band. She's going to be your vocalist." Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napalingon kay Tita ng sabihin niya 'yon.

"P-pero... ayok--------" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita muli si Z.L.



"Yun lang? Okay." Walang ganang sabi niya at tumalikod saka tuluyang lumabas ng Office.




Okay, what was that??

My Senior Highschool LifeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ