CHAPTER 22

2.9K 75 12
                                    

Ria Crystal POV

Narito kami sa park ngayon malapit lang naman sa venue ng Outreach.

"Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa..." Humugot siya ng malalim na buntong hininga bago nag patuloy sa pag sasalita. "Kumusta siya??" 

"Ate Jen. Kung nag aalala kayo kay Kuya mas maganda kung siya ang tatanungin mo." Sabi ko at bahagyang ngumiti.

Naramdaman kong hinawakan niya ang mga kamay ko. "Ria, alam mo namang hindi 'yon ganoon ka daling gawin." Sabi niya pa habang deretsyong nakatingin sa mga mata ko.

Mag sasalita pa sana ako ng biglang may humatak sa 'kin

"Ria! Tara na!" Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Kuya.

"Ano ba, Kuya!" Reklamo ko ng maramdaman kong unti unting sumasakit ang kamay ko dahil sa pagkakahawak niya.

"Tara na!" Sabi niya pa. Patuloy lang akong nag pupumiglas mula sa pag kakahawak niya.

"JM nasasaktan si Ria! Bitawan mo nga siya!" Sigaw ni Ate Jenifer at hinatak ang kamay ni Kuya dahilan para mabitawan ako ni Kuya.

Jenifer Mariel POV

"Ano bang problema mo?!" Inis ko siyang hinarap.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko! Bakit ka pa bumalik?! Bakit ngayon ka pa bumalik?!" Sigaw ni JM

"Ibang iba ka na, JM." Dismayado ko sabi at napabuntong hininga. 

"Oo! Mag mula nung iniwan mo 'ko! Ni hindi man lang ako nakatanggap maski 'isang' sulat o paliwanag galing sayo! Nag laho ka na lang na parang bula!!" Mababakas mo sa kanyang pananalita ang galit na mukhang matagal na niyang kinikimkim.

Ito na siguro ang kapalit ng nagawa ko.

Flashback...

Narito ako ngayon sa office ni Papa at nakatingin sa passport at ticket na nasa harapan ko ngayon.

"A-ano po ang ibig sabihin nito??" Takang tanong ko at napatingin sa mga magulang ko na nasa harap ko ngayon.

"Hindi ba ang sinabi ko layuan mo ang lalaking 'yon?! Ang tigas talaga ng ulo mo!" Pa sigaw na sabi ni Papa.

"Kapag ito pa ay sinuway mo, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa lalaking 'yon!" Sabi niya pa.

"P-pero Pa..."

"No buts! Inayos na namin ang papel para sa kasal niyo ni Andrew!"

"Mag ayos kana aalis tayo bukas." Agad akong napatingin kay Mama ng sabihin niya 'yon.




Bukas?!

♡♡♡

Gabi na at nandito pa rin ako ngayon sa isang bar. Habang patuloy lang sa pag inom. Unti unti na rin nanlalabo ang paningin ko dala ng pagka lasing ko.


"Umiinom ka na namang babae ka! Tama na 'yan!" Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko ngayon. Hindi ko ganoon maaninag ang itsura niya.

"Ikaw! Bakit nandito ka!?~" inalalayan niya 'ko pa palabas doon sa bar.


My Senior Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon