CHAPTER 23

2.7K 73 5
                                    

Zayne Lowell POV

Taka akong napalingon kay Ria ng mag salita siya. "What? Seryoso??"

"Mukha ba akong nag jo-joke??"

Bahagya akong natawa. Ibang klase ka rin Jaspher at doon mo pa napili sa section nila Ria.

Mag mula daw bukas ay doon na mag aaral sa University si Jaspher at ang matindi pa ay kaklase niya si Ria.


Ria Crystal POV

Narito ako ngayon sa hallway at mula sa kalayuan ay pansin kong ang daming tao sa labas ng classroom.

Anong meron??

Dali dali akong nag lakad hanggang sa makarating ako sa labas ng classroom. Pilit akong nakikipagsiksikan sa mga babae dito hanggang sa naka pasok ako. Sandali akong natigilan ng makita sila Zayne at Jaspher sa loob.

Kaya pala ang daming babae sa labas.

"Ria, dito ka na/ Dito ka na." Sabay nilang sabi at tumayo sa kanilang kinauupuan ng makita nila ako.

Bahagya akong ngumiti at na upo sa likuran. Taka ko silang tiningnan ng pareho silang lumapit ng upuan at pinag gitnaan ako.

What the hell ??

"Uy, anong ginagawa niyo dito??" Takang tanong ni Dexter ng maka lapit siya sa pwesto namin.

"Mag aaral??" Pilosopong sabi ni Jaspher.

"Teka nga, tabi dyan, Zayne. Pwesto ko 'yan eh!" Sabi ni Dexter at pilit na pinapa alis si Zayne.

"Pwes, pwesto ko na 'to ngayon." Agad akong napalingon kay Zayne ng sabihin niya 'yon.

"Wag mo nga akong pinag loloko loko. Bumalik ka na sa classroom niyo." Sabi pa ni Dexter.

"Well... mag mula ngayon kaklase niyo na 'ko." Nanlaki ang mga mata ko ng sabihin 'yon ni Zayne.

Hindi nga?!

"Bakit ang daming tao dito?! Mag si balik nga kayo sa classroom niyo!!" Dali daling nag si pasok ang mga estudyante sa kani-kanilang classroom ng marinig nila si Sir Go.

Agad rin tumahimik ang buong klase ng makapasok sa room si Sir.

"Bakit tumahimik??" Bulong ni Jaspher. Bahagya akong napalingon kay Jaspher at mag sasalita pa sana ng tawagin sila ni Sir Go.

"You two, at the back! Introduce yourself here, in front!!" Malakas na sabi ni Sir at tinuro pa ang dalawa kong katabi ngayon.

Wala silang nagawa at dali daling pumunta sa harap.

Tumikhim muna si Zayne bago nag salita. "Kilala niyo na ako." Napa nga nga ako nang maangas na sabihin 'yon ni Zayne. Rinig kong natawa ang karamihan.

Seryoso?? Ganon lang??

"Well, I'm Jaspher Rodriguez and I'm 18 years old." Pagpapakilala naman ni Jaspher saka ngumiti.

Ito na naman ang mga mahaharot kong kaklase. Tsk.tsk.

"Okay, you may now go back to your seats."

Agad namang sinunod ng dalawa ang sinabi ni Sir.

"For those new student, what was our topic last meeting?? You!!" Tanong niya at itinuro si Zayne.

What the hell?? Anong klaseng utak meron siya? Kita niyang ngayong lang naka pasok itong mga 'to 'yan tatanungin niya.

Sa pag kaka alam ko kasi mag kaka iba ang subjects kada section. Kaya, panigurado iba ang subject nila Zayne ngayon.


Ewan ko ba sa University na 'to.

"I think, it's all about citations." Sagot ni Zayne at napa tango lang si Sir.

Matapos ay nag discuss siya ng next lesson namin. Nasa kalagitnaan kami ng discussion nang biglang pumasok si Cindy.

Dumapo ang tingin niya kay Zayne.

"You're late!" Malakas na sabi ni Sir habang nakatingin kay Cindy na kakarating lang.

"Sorry po. Kakatapos lang po ng meeting namin." Saad ni Cindy at bahagyang na pa yuko.

"Sa susunod sabihan niyo naman ako. Para naman alam ko kung absent kayo o hindi. You may come in." Seryosong sabi ni Sir at nag pa tuloy ulit siya sa discussion.

Muling dumapo ang tingin niya sa 'min ni Zayne bago umupo sa upuan niya.

Cindy Bianca POV

Hanggang sa matapos ang klase ay puro tawanan ang nila Ria naririnig ko. Nakakairita!

Nang makalabas na ang huling teacher naming ngayong araw ay agad akong lumapit kay Zayne na nakikipag tawanan pa kay Ria.

Sige lang. Sulitin mo lang Ria hanggang mabait pa ako.

"Babe, lets go." Pag aaya ko pa kay Zayne at agad na hinawakan ang kamay niya.

Wala siyang nagawa at sumunod lang din sa 'kin papa labas ng classroom.

"Kaya mo namang umuwi mag isa, bakit kailangan mo pa akong isama??" Hindi ko pinansin si Zayne at pa tuloy lang ako sa paglalakad hanggang makalabas ng University.

"Na miss ko yung ganito. Yung hinahatid mo 'ko pa uwi kahit na may ginagawa ka pa." Nakangiting saad ko saka siya nilingon. Bahagya siyang natawa at pilit na tinanggal ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

"Hanggang kailan mo ba 'to balak gawin ha, Cindy??" Sabi niya habang salubong ang kanyang mga kilay.

Napa ngiti ako saka siya hinarap. "Hanggang sa maging akin ka ng buong buo." Sabi ko sa mapang akit na tono at bumaba ang tingin sa mga labi niya.

"Mukhang matatagalan nga lang kasi may epal." Dagdag ko pa at unti unting siyang hinalikan. Agad siyang dumistansya at inis na tumigin sa 'kin.

"What the hell are you doing?! Are you out of your mind?!" Inis na sabi niya na para bang hindi inaasahan na gagawin ko 'yon.

"Why?? Is there anything wrong??" Mapanuksong sabi ko pa at ngumiti.

"Goddamn it! Wala ka talagang pinipiling lugar ano?!" Seryosong sabi niya.

"Masyado kang seryoso, babe. Ginagawa naman natin 'to noon, diba??"

"Noon 'yon, Cindy! Iba na ngayon! Dahil sinisigurado ko na hindi na ako babalik sa 'yo." Inis pa na sabi niya at umalis.

Agad sumama ang tingin ko ng makita si Ria na papalabas ng lobby.


That damn girl. 


Ria Crystal POV

Nandito ako ngayon sa may lobby habang nakatingin kila Zayne at Cindy na nag hahalikan.

"Uuwi ka na??" Agad akong natauhan at napalingon kay Jaspher ng marinig ko siyang mag salita.

"Ahh... o-oo..." tanging sagot ko't napahawak sa dibdib ko.

Parang nadurog ang puso ko dahil sa nakita ko. 

"Tara?? Ihatid na kita." Nakangiti niya pang sabi.  Tumango nalang ako bilang sagot. Tumungo kami sa may parking lot ng University at saktong naabutan ko doon si Zayne na nakasandal sa kotse niya habang malalim ang iniisip.

"Ria." Tawag niya ng makita ako.

"Sabay ka na." Sabi niya pa at ngumiti.

"H-hindi na... Ihahatid na kasi ako nito ni Jaspher. Ingat ka." Usal ko at pilit na ngumiti saka hinila si Jaspher.








My Senior Highschool LifeWhere stories live. Discover now