EPILOGUE

3.7K 125 15
                                    

Ria Crystal POV

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na may humawak sa braso ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Ate Jenifer sa harap ko.

Magsasalita pa sana ako ng sumenyas siya na wag akong maingay. Lumingon-lingon pa muna siya para siguro tingnan kung may paparating ba. Matapos niya akong kalagan ay agad niya akong inalalayan. Nagtataka pa rin ako kung papaano naka punta dito si Ate Jenifer.

Nang marating namin ang pinto ay aakmang bubuksan ito ni Ate Jen nang marinig kaming mga yapak papalapit sa kinaroroonan namin. Ramdam ko na humigpit ang hawak ni Ate Jenifer sa'kin.

Pansin ko na sinuri niya ang buong paligid at agad naman sumenyas sa akin na sa may bintana kami dadaan. Medyo may kataasan ito. Hinarap niya ako at tiningnan sa mata bago nag salita.

"Kaya mo pa ba??" She said in a low voice. Tumango ako bilang sagot.

Pinaupo niya ako sa gilid at saka kinuha ang upuan na kung saan naka upo ako kanina at itinapat ito sa bintana. Papalapit nang papalapit ang mga yapak na naririnig namin. Napalingon kami ni Ate Jen sa pinto ng marinig namin ang pag pihit ng doorknob at bumukas ang pinto. Hindi na ganoon kalabo ang paningin ko kagaya nung nakaraang araw kaya kitang kita ko na ang paligid.

Agad kumunot ang noo nung mama na nasa harap ko ngayon.

"Papaano ka nakaalis sa upuan mo?!" Seryosong sabi nung mama at ka agad lumapit sa kinaroroonan ko. Akmang hahawakan niya ako ng paluin siya ng kahoy sa likod ni Ate Jen dahilan para mawalan siya ng malay.

Agad akong inalalayan ni Ate Jen ng bumagsak sa sahig ang mama at tuluyan kami dumaan sa may bintana.

"Pasensya na Ria ha. Dito pa talaga tayo lumabas. Marami rami kasi sila kung sa may pintuan tayo dadaan." Aniya nang makalabas kami. Puro nag tataasang damo ang sumalubong sa'min ng kami ay makalabas. Ngunit sa hindi kalayuan ay tanaw mo ang mga nag tataasang gusali at mga bahay.

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makalayo kami sa warehouse. Nang marating namin ang mataong lugar ay agad kaming huminto ni Ate Jen.

"S-saan k-ka p-pupunta??" I mumbled at hinawakan ang kamay ni Ate Jen.

"Dito ka lang. Babalikan kita. Pupunta ako doon sa tindahan makikitawag lang ako para puntahan nila tayo dito." Paliwanag ni Ate Jen at tumawid sa kalsada.

Pilit ko siyang hinabol kahit nanghihina ang mga tuhod ko. Pinag titinginan ako ng mga tao ngayon marahil siguro sa itsura ko na mukhang gusgusin. Paano ba naman ang gulo na ng buhok ko plus yung damit ko madumi at may punit ang pantalon ko. Geez!

Tatawid rin sana ako sa kalsada ngunit hindi na kinaya ng katawan ko at tuluyan akong bumagsak sa lupa at nawalan ng malay.

♡♡♡

Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad ang kulay puti na ceiling. Napalingon ako sa katabi at nakita ang pag mumukha ni Zayne na naka palumbaba at naka pikit ang mga mata. Inilibot ko ang paningin ko at pansin ko na nasa hospital ako. Nakita ko rin si Chloe, Gino, Dexter at Jaspher na tulog sa dalawang sofa.

Muli ako bumaling kay Zayne na mukhang walang tulog dahil sa laki ng eyebags niya.

Bahagya kong iniangat ang kamay ko at hinawakan ang kamay niya. Humugot ako ng malalim na hininga bago at nag salita. "Matulog ka na." I mumbled at agad napadilat si Zayne kasabay ng pag hikab niya.

"Riaaa!" Nakangiting sambit niya at agad bumuhos ang luha niya saka ako hinalikan sa noo habang hawak-hawak ang kamay ko.

"S-sandali tawagan ko sila Tita." Aniya at kinuha ang cellphone niya sa bulsa.

My Senior Highschool LifeWhere stories live. Discover now