CHAPTER 35

2.7K 67 7
                                    

Zayne Lowell POV

"Alam kong plano mo lahat ang nangyari noong Concert." Seryosong sabi at sinamaan ng tingin si Cindy na nasa harap ko ngayon.

"Why? Pinaaga ko lang naman ang usapan niyo na hanggang Concert lang ang itatagal ni Ria sa banda." Saad niya saka ngumiti.

"Damn it, Cindy! Hindi ka talaga mapag sabihan ano?!" Inis na sigaw ko sa kanya at ginulo pa ang buhok.

Malapit kami ngayon sa may fountain na kakabukas lang. Saktong nahagip ng paningin ko si Ria kasama si Jaspher na naglalakad papa lapit sa may fountain.

"Looks like nandito rin si Ria huh?" Mapang asar na sabi ni Cindy.

Mukhang may binabalak na naman itong babaeng 'to.

"Just shut the fuck up, Cindy!! Huling beses ko ng paki usap 'to, tigilan mo na ako. Dahil hinding hindi na ako magiging iyo!" Singhal ko sa kanya. Aakmang aalis na ako ng bigla akong halikan ni Cindy.

Agad ko siyang itinulak papalayo at napalingon muli sa gawi nila Ria nag babakasakaling hindi niya 'yon nakita.

Umiwas rin ako ng mapansing magkayakap sila ni Jaspher na ngayon ay seryosong nakatingin sa 'kin.

"How sweet..." rinig kong sabi ni Cindy. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya ng maramdaman ko 'yon sa dibdib ko. At seryosong tiningnan siya sa mata.

"From now on, don't you ever talk to me." Seryosong sambit ko at pabatong binitawan ang kamay niya saka umalis.

Bumalik ako sa classroom at na upo sa pwesto ko. Kinuha ko ang earphones saka isinuksok sa tainga ko. Hindi ganoon ka lakas ang sounds ng kanta kaya naririnig ko pa rin kung anong nangyayari sa room.

"You're here. Saan ka pumunta??" Iminulat ko ang mga mata ko at nakitang nakatayo sa harap ko ngayon si Ria na naka cross arms pa.

"Tiningnan ko lang kung nagawa na yung fountain sa baba." Saad ko at muling ipinikit ang mga mata.

I lied, sorry.


"Uhm... Ria, want to come with me after class??" Pag aaya ni Jaspher.

Napa buntong hininga lang ako at nilakasan ang sounds ng kanta.



Ria Crystal POV

Madilim na at nandito kami ngayon sa park. "Sorry. Nag aya ako agad hindi ka man lang nakapag ayos." Napalingon ako kay Jaspher na ngayon ay nakahawak sa batok niya.

"No, it's okay. Bakit nga pala, I mean, bakit bigla kang nag aya??" Takang tanong ko at humigop sa black pearl shake na hawak ko ngayon.

Bumuntong hininga siya bago nag salita. "Nothing. Ayoko lang muna umuwi." Aniya at naupo nang may makita kaming bench.

Mag sasalita pa sana ako ng mag vibrate ang phone ko.

From: Kuya JM

Wala ka pang balak umuwi? Na saan ka ba?

Napabuntong hininga ako saka bumaling kay Jaspher na nakatingin rin sa 'kin. "Hinahanap ka na ata." Aniya at bahagyang ngumiti. "P-pero..." mag rereklamo pa sana ako ng tumayo siya at hinarap ako.

"Tara, ihatid na kita." Nakangiti sabi niya pa at hinawakan ang mag kabilang balikat ko saka naunang mag lakad.

Wala akong nagawa at sinundan siya. Patuloy lang kaming nag usap hanggang sa makarating sa bahay.

My Senior Highschool LifeWhere stories live. Discover now