CHAPTER 4

4.2K 119 4
                                    

Ria Crystal POV

Aba! Nandito pa rin itong lalaking 'to?!

"Nandito ka pa rin pala." Sabi ko at tumungo sa lamesa at nag patuloy lang sa pagkain. Samantalang siya ay kumuha ng baso at nag lagay ng tubig.

Kunot noo akong napatingin sa kanya ng kumuha rin siya ng sarili niyang plato at nag sandok ng kanin at ulam.

"Gutom rin ako." Seryosong sabi niya ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya saka kinuha ang plato niya at pumunta sa sala. Iba din.

"Kuhanan mo nga ako, Lowell." Rinig kong utos ni Kuya kay Z.L.

"Kumuha ka don Tanda!" Sagot ni Z.L.

"Tsk!"

Unti unti kong naririinig ko ang mga yapak ni Kuya papalapit sa pwesto ko.

"Kainis yung Lowell na 'yon." Rinig ko pang sabi niya at kumuha siya ng plato at nag sandok kanin at ulam.

"Gising na pala kayo." Mukhang kakatapos lang ni Nanay Rosita sa gawain niya. Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinalikan siya sa pisngi ng makalapit siya sa pwesto ko.

"Mamamalengke ho ba kayo??" Masayang tanong ko kay Nanay Rosita.

Halos matagal tagal na rin ng huli akong makapunta sa wet market.

"Oo, anak. Bakit sasama ka ba??"

"Opo!" Masayang sagot ko at tumango tango.

"Wala ka bang pasok ngayon??"

"Wala po. Bukas po ulit ang pasok ko." Sagot ko at mabilis na inubos ang pagkain.

"O siya, bilisan mo na lang kumain at maya maya ay aalis na tayo." Saad niya at lumabas ng kusina.

Inayos ko ang pinag kainan ko at mabilis na tumungo sa kwarto ko para mag bihis. Hindi ko naman na na abutan sa sala si Z.L marahil siguro ay umalis na.

Matapos kong mag ayos ay bumaba agad ako. Naabutan ko roon si Nanay Rosita na kausap si Manong Raul.

"Oh, Ija. Tara na."

"Opo." Sagot ko at mabilis na lumapit sa pwesto ni Nanay Rosita. Nauna siyang nag lakad papalabas ng bahay at sumunod lang ako. Pumara siya ng tricycle at sumakay kami roon.

"Palengke ho sa kabilang bayan." Sabi ni Nanay.







Matapos ang ilang minuto ay nakarating kami agad roon. Bumaba kami ng tricycle at nag bayad si Nanay Rosita. Napakaraming tao at napakainit.

Feeling ko malulusaw ako.

"Anak, kumapit ka sa'kin baka maligaw ka. Hindi ka pa naman din pamilyar sa lugar na ito." Bilin ni Nanay Rosita. Tumango ako bilang sagot.

Pumasok kami sa loob ng palengke. Halo halo ang amoy rito. Inilibot ko ang paningin ko. Infairness, ang linis ng sahig. Ngunit, may bakas ng dugo ang mga lamesa. Sinundan ko si Nanay Rosita. Tumigil kami sa harap ng isang ale na nag titinda ng mga isda.

"Isang kilo nito." Sabi ni Nanay Rosita at tinuro ang isang isda. Ngunit, hindi ko alam kung anong tawag roon.

"Iyan ba ang iyong alaga, Rosita??" Napatingin ako sa ale na nagsalita.

Ohhh!? Mag kakilala sila.

"Ahh. Oo. Ito yung bata na lagi kong kasama sa pag punta rito noon." Bahagya akong ngumiti ng mapatingin sa 'kin ang ale.

My Senior Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon