CHAPTER 17

2.8K 72 0
                                    

Zayne Lowell POV

"Ano na naman ba ang ginagawa mo dito??" Kunot noo kong tanong kay Cindy.

"Hinihintay ka. Oh, coffee mo." Aniya at iniabot pa sa akin ang kape. Hindi ko na siya pinansin at tuluyang pumasok sa loob.

"Totoo nga ang bali-balita, Zayne." Salubong ni Dexter ng makapasok ako sa auditorium.

"Balita??" Takang tanong ko.

"Hindi mo alam?? Woah!" Sambit naman ni Tobias.

"Hoy, Pre! Kalat na kalat na kaya dito sa University na nagka balikan na kayo ni Cindy." Saad naman ni Austin.

Bahagya akong natawa ng sabihin ni Austin 'yon. Agad naman nahagip ng paningin ko si Ria na naka upo sa gilid habang patuloy na kinakalikot ang cellphone niya.

"Guys." Napalingon kami kay Dexter ng mag salita siya.

"What??" Takang tanong ni Tobias.

"Why don't we take a break?? Like, pumunta tayo sa Rizal Park ngayon anong oras pa lang naman." Saad pa ni Dexter at tumingin pa sa wristwatch niya.

"Good idea." Pag sang ayon naman ni Austin.

"Isama mo na rin si Cindy, Zayne." Pinanlakihan ko naman ng mata si Dexter.

"Well then, uuwi na ako kung mamamasyal lang rin kayo." Agad silang napalingon kay Ria ng sabihin niya 'yon. Hindi na ako nag taka na ganyan ang sasabihin niya.

"Why??" Tanong ni Tobias habang naka pout.

Mababatukan ko 'tong si Dexter eh! Sabagay hindi niya rin naman alam na ayaw na ayaw nitong babaeng 'to si Cindy.

Tch! Bakit pa kasing kailangan isama si Cindy.

"Walang uuwi sa sama ka sa ayaw at sa gusto mo." Singit ko dahilan para inis siyang mapatingin sa 'kin.

"I need to go home." Saad niya at aakmang aalis ng mag salita pa ulit ako.

"I said sasama ka sa ayaw at sa gusto mo!" Seryosong sambit ko. Marahan siyang napalingon sa gawi ko at humalukipkip. 

"Saan tayo??" Aniya at bahagya akong napangiti. 

"Hoy! Ano yan?? Ngumiti ka, Zayne?" At tinuro pa ang labi ko. Agad naman akong umiwas.

Tumikhim ako. "Tara na! Saan ba tayo??" Pag iiwas ko pa.


Ria Crystal POV

5 pm na ngayon ng hapon. At narito kami sa Rizal Park nag lalakad habang dinadama ko ang simoy ng hangin. Nahagip ng paningin ko sila Cindy at ZL na mukhang masaya at kumukuha ng pictures.

Bakit ba kasi ang tagal nung tatlo?? Bibili lang naman sila ng pagkain.

"Ria??" Napalingon ako ng may mag salita sa likuran ko.

"Uy! Jaspher!" Bati ko ng makita siya. Pansin ko namang may kasama siyang isang napakagandang babae. Matangkad, morena at medyo kulot ang kanyang buhok.

"Ay siya nga pala, Ate ko. Ate si Ria kaibigan ko. Ria, si Ate Jenny." Pagpapakilala niya. Ngumiti ang Ate niya at masaya akong niyakap na medyo ikinagulat ko.

"Nice to meet you, Ria!!" Masayang sambit niya.

Natawa si Jaspher sa naging reaction ko. "Ganyan talaga si Ate." Aniya at napahawak pa sa batok niya.

My Senior Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon