CHAPTER 28

2.6K 66 1
                                    

Jaspher POV

Flashback...

Nandito ako ngayon sa harap ng bahay nila Ria.
"Dadalawin ko po sana si Ria. Pwede po ba??" Tanong ko sa isang lalaking nag bukas ng gate nila.

"Pasok ka. Pero, tulog na siya kanina pa."

"Nako. Ayos lang po. Ay ito nga po pala gamit ni Ria." Sabi ko at saka inabot sa kanya ang bag at panyo. Matapos ay dumeretsyo kami sa kwarto niya.

Napangiti nalang ako ng makita siya. Napaka ganda niya kahit na tulog. Nilapitan ko siya at pinagmasdan ang mukha niya.

Hindi ko alam kung bakit sa tinagal tagal ng panahon na hindi natin pag kikita ganito pa rin ang nararamdaman ko sayo.

Kung noon, nahihiya akong ipakita sayo itong nararamdaman ko. Ngayon, gagawin ko ang lahat para lang maramdaman mo kung gaano kita ka mahal.

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay.

"Mag pagaling ka... Aalis na ako..." usal ko saka siya hinalikan sa noo. Pagkalabas ko ng kwarto ni Ria ay naka salubong ko ang lalaking nag papasok sakin kanina. Mukhang kapatid niya 'to dahil base sa itsura niya ay may pag kakahawig sila.

"Ano nga ulit ang iyong pangalan???"

"Jaspher. Jaspher Rodriguez." Pagpapakilala ko. Tumango tango lang naman siya. "Ako ang Kuya niya. Just call me JM. Pasensya na hindi na kita maiihatid sa labas." Sabi niya pa.

"Nako, ayos lang po. Nga po pala, wag niyo nalang po sana sabihin kay Ria na dumating po ako dito. Sige po aalis na po ako." Paalam ko at dali daling umalis.

End of flashback...


Nandito kami ngayon sa cafe at kasama namin si Zayne. Agad lumiwanag ang mukha niya noong dumating si Zayne.

"Ano tara na??" Pag aaya ko kay Ria ng mapansin kong ubos na ang kape at tinapay.

"Tara na? Aalis kayo??" Tanong naman ni Zayne at nag bumaling sa'min.

"Oo. Kaya kung pwede, aalis na kami." Saad ko pa at tumayo aakmang aalis na ako ng marinig ko pang mag salita si Ria.

"Sama ka na." Agad ako napalingon kay Ria ng sabihin niya 'yon.

"Tara na, Ria. Baka may gagawin pa s---"

"Kung ayos lang sa inyo, sasama ako." Hindi ako pinatapos sa pag sasalita ng sumingit si Zayne.

"Tara." Sambit ni Ria at agad sumilay ang ngiti sa mga labi niya.

Napa 'tsk' nalang ako at dali dali lumabas.

"Sumabay ka na sa 'kin/ Sumabay ka na sa 'kin." Salubong ang kilay ko na napatingin kay Zayne.

Takang nag palingon lingon sa 'min si Ria bago nag salita. "'Yan na naman kayo. Ganito nalang, sa isang sasakyan nalang tayo sumakay. O kaya, sasabay ako ngayon kay Jaspher mamaya naman pagbalik kay Zayne. Ayos na??" 

"Oo ayos na. Kaya, tara na." Sabi ko pa at hinila si Ria papasok sa kotse ko.

Bahagya akong natawa ng marinig na napa 'tsk' si Zayne at pumasok sa kotse niya. Na sa 'kin ang halakhak ngayon.

My Senior Highschool LifeWhere stories live. Discover now