CHAPTER 8

3.4K 89 5
                                    

Ria Crystal POV


Natapos na ang pratice namin. Kakalabas ko lang ng auditorium ngayon at saktong papunta rito si Chloe.

"Kumusta ang practice niyo??" Nakangiting tanong niya ng makalapit siya.

"Mauuna na 'ko." Walang ganang paalam ko sa kanya at nag patuloy sa paglalakad.

"Teka, sandali!! Sabay na 'ko." Sigaw ni Chloe at hinabol ako.

"Anong meron sa itsura mo?? Parang pasan mo ata ang buong mundo."

"Eh kasi naman..." bumuntong hininga ako at tumigil sa paglalakad.

"Kasi??"

"Bakit kailangan pa namin umattend sa wedding? Nakakatamad kaya! Pag practice pa nga lang tinatamad ako. Tapos pas-pasan pa ang preparation niyo."  Saad ko at nag patuloy muli sa paglalakad.

"Ayaw mo nun? Mas makakasama mo pa kaya sila. Mas lalo na si Dexter my babes!!" Kilig na kilig na sabi niya.

Tingnan mo 'to parang ewan.

Napa iling nalang ako sa inasta niya at dumeretsyo ako sa tapat ng Starbucks malapit sa University.

"Hindi ka pa uuwi??" Takang tanong ni Chloe ng mapansin niyang papasok ako sa may Starbucks.

Geez. Malamang.

Tumango ako bilang sagot saka dumeretsyo sa may counter.

"Good Morning Ma'am. Ano po ang order nila??"


"One Za'atar Chicken & Lemon Tahini and Dark Mocha Frappuccino" matapos mag order ay ibinigay ko ang pera. Agad hinanap ng paningin ko si Chloe ng mapansin na hindi siya naka sunod sa 'kin.


"Ria! Here!" Tawag niya sa 'kin at kumaway kaway pa.

Tumungo ako sa pwesto ni Chloe ng ma salubong ko si Cindy. Bahagya siyang natawa ng makita niya 'ko. Tiningnan niya 'ko mula ulo hanggang paa. Hindi ko na lang siya pinansin. Aakmang dederetsyo na 'ko sa pwesto namin ng humarang muli sa dinadaanan ko si Cindy.

I fiercely looked at her eyes.

"Pati ba naman dito, nakikita ko pa rin pag mumukha mo." Mataray niyang sabi.

"Geez. Malamang makikita mo 'ko dito. Malapit lang 'to sa University duh!!!" Pabalang kong sabi at iniwan siyang nakatayo doon.

Agad akong umupo sa pwesto namin ni Chloe. At isinubsob ang mukha sa lamesa. Nang makarating ang order ko ay si Chloe naman ang tumungo sa counter at nag order.  Wala pang ilang minuto ng maramdaman kong sunud-sunod na nag vibrate ang phone ko.

Agad ko 'yon kinuha at binuksan.

From: 09276------

Ria may practice bukas sa bahay nila Zayne.

Wala pang ilang minuto ng may sunud-sunod na nag message sa akin.

Ria after class daw.

Ay mali, excused tayo bukas sa klase.

Bali, 10:00 am start ng practice.

Magkita nalang daw sa auditorium.

Sino 'to?? Paano niya nakuha ang number ko??

Napa buga nalang ako sa hangin.

To:09276------

Nag aksaya ka pa ng load pwede mo naman i deretsyo. At saka sino ba 'to?? Paano mo nakuha number ko??

My Senior Highschool LifeWhere stories live. Discover now