CHAPTER 37

2.2K 47 7
                                    

John Michael POV

*Blag*


"KUYA JM!!"  Kunot noo akong napalingon nang marinig kong sumigaw si Ria habang hinahabol ang hininga.

"What??!"

"S-si a-ano...." nauutal niyang sabi habang patuloy pa rin niyang hinahabol ang paghinga.

"Would you plea---------" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mag salita siya.

"S-si A-ate Jen h-hindi makahinga ng maayos."

"Shit!" I cursed at dali daling pumunta sa pwesto nila Ria kanina.



Naabutan ko roon si Jen na nakaupo at pilit na hinahabol ang hininga habang pilit na inaabot ang tubig sa lamesa. Dali dali akong lumapit sa kanya.

"Na saan ang gamot mo??" Nag aalalang sabi ko at kinuha sa kanya ang purse ngunit hindi ko mahanap ang gamot niya.

Napaka tigas ng ulo! Kalimutan ba naman ang gamot niya.

Aakmang aalis ako ng mapansin kong may nag abot sa 'kin nang gamot------si Zayne.

"Ipinaabot ni Ria. Gamot daw ni Jen." Hindi na ako nag dalawang isip pa at dali dali iyon kinuha saka ipinainom sa kanya.

"Ang tigas talaga ng ulo mo! Ilang beses ko ng sinabi sayo diba na wag na wag mong kakalimutan gamot mo?! Paano nalang kung wala si Ria?!! Edi natigok ka na diyan!! Hindi ka talaga nakikinig!!" Dere-deretsyo kong saad at mababakas ang aking pag ka seryoso.

"Wag mong sabihin na nag aalala ka sakin ngayon?! Kasi kung--------"  Hindi ko siya pinatapos sa pag sasalita.

"O ano ngayon kung nag aalala nga ako?!" Seryosong sambit ko dahilan para matigilan siya at pilit na umiiwas sakin.

"W-wala. A-alis na ako." Aniya at tumayo. Aakmang aalis siya ng hatakin ko ang braso niya.

"Subukan mo kong iwan ngayon...." hindi niya ko pinansin at pilit niyang tinatanggal ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Hinigit ko siya papalapit sa 'kin.

Kusa akong napangiti ng hindi pa rin siya maka tingin sa mga mata ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago nag patuloy sa pagsasalita.

"Dito ka lang. Please??" Usal ko't unti unti siyang tumingin sa mga mata ko.

"Please, wag na wag mo na ulit akong iiwan. Stay with me." Mahinahon kong sambit saka siya siniil ng halik.









Ria Crystal POV

"Bhe uwi na tayo. Kailangan ko na talagang ilabas 'to." Pag pupumilit ni Chloe at hindi na mapakali.

"Sandali, kung tulungan mo kaya akong hanapin si Kuya, ano???"

Nakakainis. Na saan na ba kasi yon?! Tss. Ipapasa ko pa yung research namin anong oras na!! 

"Bhe. Hindi ko na talaga kayaa!!"

"Edi mag cr ka na sa lobby!" Kunot noo kong sabi at pilit na dina dial ang phone ni Kuya. Naka ilang miss call  na ako, hindi niya pa rin ako sinasagot.

"Ayoko! Namamahay puwet ko." Pag tanggi niya pa.

"Edi bahala ka na diyan. Babalik ako doon sa venue para hanapin si Kuya.."

"Oo na, sige na! Mag kita nalang tayo ulit dito." Nag paalam ako kay Chloe at muling bumalik sa venue. Hindi na ganoon karami ang mga tao rito dahil nag si uwian na ang iba.

Agad kong kinuha ang phone ko ng marinig ko ang message tone.

From: Kuya JM

Ihahatid ko si Jen mauna na kayo ni Chloe. Ingat ka, Bunso.

Anak ka ng kagang! Bakit ngayon ka lang nag text?! Edi sana pauwi na ako at baka sakaling maipapasa ko ang research kay Maam. Napa face palm nalang ako at nag simulang mag lakad pabalik doon sa pwesto namin ni Chloe kanina.



Nang makarating ay wala pa rin si Chloe. Aakmang pupuntahan ko siya sa comfort room nang marinig ko ang boses ni Cindy.

"What time is your flight?" 

"What are you doing here?! I can't remember inviting you here."

I didnt dare to move for a second when I heard his voice-----Zayne. Unti unti akong napalingon sa pinanggalingan nang boses na 'yon. Nakaharap sa gawi ko si Cindy samantalang si Zayne ay nakatalikod.

"I asked you first. What time is your flight??" Agad nag salubong ang mga kilay ko. Flight?? Aalis siya?

"Why do you even care, Cindy??" Iritadong sabi ni Zayne.

Bahagyang natawa si Cindy bago nag salita. "Look I'm not here to beg for your love for me. I'm just worried for her."  Aniya at bumaling sa 'kin.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nag halu-halo ang mga emosyon ko. Takot, lungkot at inis. Agad akong umalis doon nang lumingon sa gawi ko si Zayne.

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad nang may humawak sa braso ko saka ako niyakap.

"I'm sorry. I should have tell you that."  He said like he really meant it.

"But still, you didn't." Usal ko ng may bakas na pag kainis ang tono.

"I really plan to tell you that later. Damn that Cindy!"

"How long are you going to stay there?? And how long are we going to stay like this???" Seryosong sambit ko at agad siyang kumawala sa 'kin saka ako hinarap.

"Sorry." Hindi ko siya pinansin at hinintay lang ang sasabihin.

"2 years. I'm going to stay there for 2 freakin' years." Mismong siya ay hindi makapaniwala sa kanyang mga sinasabi.

Nakaramdam ako ng lungkot. Gusto man sumama pero, hindi pupwede.

"Kasama ko naman doon si Dad. You don't need to worry. And m------"

"Ha! Who said that I'm worried??" Ani ko at napa cross arms. Bahagyang natawa si Zayne at napailing.


"Kailan flight mo??" Dagdag ko pa.


"Tommorow. 3 pm."


♡♡♡

"Please..."

"Please stay..." I said while crying.

"Don't go...with her..."

I watched him walk away with another girl.



*TINGGG WAKEY WAKEY RIAAA!



Agad kong iminulat  ang mga mata ko ng marinig ko ang tunog ng alarm. Agad kong tiningnan ang oras.


Shit! It's already 10 am!

Napasapo ako sa noo ko ng maalala ko na 3 pm mamaya ang flight ni Zayne. Sheeze! Napabangon ako sa kama habang pilit na iniisip ang panaginip ko.

'Yon na naman??



Napahawak ako sa dibdib ko.  Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako.











My Senior Highschool LifeWhere stories live. Discover now