CHAPTER 3

4.5K 127 0
                                    

Zayne Lowell POV

"Ano ba?!" Sigaw ni Cindy ng makarating kami ngayon sa parking lot ng University. Bumitaw siya at humarap sa 'kin.

Bahagya siyang natawa. "Don't tell me, si R.C ang kakampihan mo?!"

Bumuntong hininga ako at tiningnan siya. "I said, stop doing that to R.C." kalmado kong sabi.

"Sabi ko nga, kakampihan mo siya. Huh??" Inis siyang tiningnan ako sa mata at humalukipkip.

"Hindi sa ganon. Tang ina!! Look, Cindy. Hindi mo naiintindihan! Ayoko lang masira ang image mo dito! Mga bata pa tayo nun ng maramda-------" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sampalin niya 'ko.

"Shut up!!" Tanging sambit niya at naglakad palayo.

What the hell??!

Napabuntong hininga ako at agad na kinapa ang bulsa ko ng mag ring ang cellphone ko. Sinagot ko 'yon.

["Pare! Tara na dito sa auditorium. Practice na."]

"Mag umpisa na kayo, Austin. Hindi ako pupunta!" Sabi ko at inis na pinatay ang tawag.

Hinanap ng paningin ko si Cindy ngunit, hindi ko na siya makita.

Goddamn it!!

Pumunta ako sa kotse ko at agad pumasok doon. I start the engine at mabilis na pinaharurot 'yon.

I'm already 18 years old and I'm still in Senior Highschool.

Inis akong tumigil sa harap ng isang bar malapit sa University. I parked my car at mabilis na bumaba at pumasok sa loob ng bar. Umupo ako malapit sa may bartender at sumenyas na lumapit siya.

"What is it Sir??"

"Old Fashioned."

"Alright Sir." Sabi niya at mabilis na umalis.





Ria Crystal POV

Madilim na sa labas at pauwi na ako ngayon. Kinuha ko sa bag ko ang phone ko ng maramdaman kong nag vibrate ito.

Kuya JM's Calling...


"Oh?! Bakit napatawag ka Kuya?!" Kunot noo na sabi ko sa kabilang linya.

["Uhhmm... Ma'am... Pasensya na po..."] nagtaka ako ng ibang tao ang sumagot.

"Sino 'to??!"

["Staff lang po ako dito sa bar. Nakita ko po kasing lasing na lasing yung kapatid niyo kaya tumawag ho ako sa inyo..."]

"Okay. Saan ang bar na yan??"

I ended the call ng sabihin kung saan ang bar. Mabilis akong lumabas ng University at patakbong pumunta sa Bar na 'yon. Pumasok ako sa loob at sumalubong sa 'kin ang napakaraming taong sumasayaw. Hinanap ng paningin ko si Kuya Jm. Saktong nakita ko siya malapit sa pwesto ng isang bartender. Dali dali akong lumapit doon at nakitang tulog na.

Binatukan ko siya dahilan para magising. Agad siya napangiti ng makita ako.

"Heeey~ my little sistah~~"

"Umayos ka nga! May dala ka bang kotse o motor?!" Tanong ko sa kanya at nagbabakasakaling sagutin niya.

"Sayaw tayooo~ my baby girl~" sayaw mo mukha mo! humugot ako ng malalim na buntong hininga at kinapa ang short niya. Ngunit, wala akong nakapang susi. Mukhang nag lakad siya papunta rito.

My Senior Highschool LifeWhere stories live. Discover now