CHAPTER 13

2.9K 79 41
                                    

Zayne Lowell POV

"Pre. Kumusta na??" Bati ni Jaspher.

Jaspher Rodriguez. He's my elementary classmate and a friend. Though we're not that close pero ang mga band mates ko ang close niya.

"Ayos lang." Sambit ko.

"Kumusta na kayo ni Cindy??" Agad akong napatingin sa kanya ng itanong niya 'yon.

"We broke up."


"Uhmm... I'm gonna go to the restroom.." paalam ni Ria at agad tumungo sa restroom.

"Ang laki ng ipinagbago niya." Saad ni Jaspher habang sinusundan ng tingin si Ria patungong restroom.

"Don't tell me you're still into her??" Tanong ko na ikina tahimik niya.

Matagal ng may gusto si Jaspher kay Ria. Pero hindi ko ba alam dito napaka torpe. Ayon hanggang tingin lang sa kanya.

"Ano palang order mo??" Pag iiba niya ng usapan.

Narito nga pala kami ngayon sa isang restaurant na naman.

"Kahit kape nalang at isang frappe. Kumain na kami kanina." Saad ko't saka sumandal sa upuan.

Nakalipas ang ilang minuto at bumalik din si Ria.

"You're Ria, right??"

Tumango lang si Ria bilang sagot.

"I'm Jaspher, Jaspher Rodriguez." Pagpapakilala ni Jaspher saka inilahad ang kamay niya't inabot naman 'yon ni Ria saka nag shake hands.

Napalingon ako kay Jaspher na ngayon kung makangiti ay wagas.






Ria  Crystal POV

"Hoy salamat ha?! Napaka gentle man mo talaga, Zayne!" Inis na sabi ko kay Z.L . Paano ba naman kasi mahigit ata sa limang malalaking paper bags ang pinabuhat sa 'kin ngayon, napaka bigat pa nung iba. Nauna ng umalis si Jaspher marahil ay may gagawin pa daw siya. Sabi ko palitan ko nalang yung shirt niya pero tumanggi siya.

"You're my slave remember??" Saad niya't ngumisi ng nakaka loko.

"Saan na ba kasi tayo pupunta?? Kanina pa tayo paikot ikot ohh!" Masasapak ko na talaga 'to kaso baka madagdagan pa parusa sa 'kin.

"Ayon! Doon tayo!" Aniya at tinuro ang isang guitar shop saka nag madaling nag lakad.

Bahala ka diyan! Ang sakit na talaga ng paa ko.

Naupo ako ng may makitang isang bench saka inilapag lahat ng hawak ko.

"Aaaa....Ouch!" Pilit kong inikot ikot ang paa ko.

"Oh! Ito gamitin mo." Napatingala ako sa taong may hawak ng flip flops.

"Bakit hindi ikaw gumamit??" Kunot noo kong saad.

"Ako ba may kailangan??! Ako na nga tong nag malasakit, ikaw pa galit." Agad kong hinablot sa kanya ang flip flops na hawak niya. Tinanggal ko ang booties na suot ko saka isinuot ang flipflops.

"Ayos ka na?? Tara na." Mala boss na sabi ni Z.L.

"Wala. Uuwi na ako!" Saad ko. Aakmang aalis na ako ng bigla akong binuhat ni Z.L at ipinatong sa balikat niya.

"Mamaya ka pa uuwi." Sambit niya't kinuha lahat ng paper bags na hawak ko kanina.

"HOY!! IBABA MO KO, ZL!!!!" sigaw ko ngunit hindi pa rin niya ako pinakinggan.

My Senior Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon