CHAPTER 39

2.1K 55 3
                                    

A/N: How are you guys? Buti at may nag babasa hanggang dito. Hehehe. Have a Good Day! :))

Ria Crystal POV

"Anong nangyari bakit ganyan mga mukha ninyo??" Tanong ni Jaspher wala kasi nung nakita namin si Zayne kanina ewan ko ba kung saan siya nag punta.

Hindi namin siya sinagot.

"Saan tayo ngayon??" Tanong ni Chloe.

"Kumain na kaya muna tayo no? Kanina pa tayo lakad nang lakad." Suggest ni Jaspher kaya dumeretsyo kami sa isang restaurant. Si Jaspher na rin ang nag order ng pagkain since nakakain naman na siya doon.

Matapos kumain ay dumretsyo kami sa isang mall. May bibilhin daw kasi si Jaspher para sa kasal na pupuntahan niya sa isang araw. And tinulungan na rin namin si Jaspher sa susuotin niya sa kasal saka nag libot na rin.

Matapos ay bumalik na rin kami sa hotel. Taka akong napatingin sa mga staff na nag kukumpulan sa gilid.

"Anong meron??" Takang tanong ni Chloe.

"Aba malay ko. Kararating lang natin." Kibit balikat kong sagot.

Aakmang babatukan ako ni Chloe ng marinig kong sumigaw si Jaspher dahilan para mapalingon sa amin ang babae na nasa harap ng mga staff.

"NIKKI!!!"

Agad kaming nag tinginan ni Chloe. "Diba 'yun ang kasama ni Zayne?" Bulong niya pa. Nag lakad papalapit sa amin yung babae ng sumenyas si Jaspher.

Mas matangkad siya ng kaunti sa akin. Medyo curly ang buhok niya.

"How are you, cous?" Tanong niya saka niyakap si Jaspher.

"Cous??" Takang tanong ni Chloe.

"Yep. Anyways, Chloe and Ria, this is my cousin, Nikki." Pag papakilala ni Jaspher.

"Hello po." Sabay namin bati ni Chloe.

Mag sasalita pa sana siya ng mag ring ang phone niya.

"Oh, gonna take this call." Aniya at sinagot ang phone. She distanced herself from us pero, rinig ko pa rin ang boses niya.

"Oh..

Hi there Zayne...

I'm here at the lobby.

Okay.

Bye."

"Una na ako sa room." Paalam ko at hindi na hinintay si Zayne sa lobby baka mag breakdown lang ako doon. Masampal ko pa yung babaeng 'yon.

Nang makarating ako sa room ay agad akong humilata sa napakahabang sofa. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa kisame.

Wala pang ilang minuto ng makarinig ako ng doorbell. Agad akong tumayo at tumungo sa pinto baka si Chloe nag papabukas lang ng pinto.

Pinihit ko ang door knob saka 'yon binuksan. Agad nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Zayne.

"What are you doing here?" Salubong ang mga kilay kong tanong.

"What are 'you' doing here??" He emphasized the word you.

"Bakit, wala ba akong karapatang pumunta dito?? Mukhang sayang nga lang pinunta ko dito, dahil mukha namang nag e-enjoy ka kahit wala ako. Tsk." Taka niya akong tiningnan.

"Huh? Teka, anong pinagsasa-------"

Hindi ko siya pinatapos at nag patuloy sa pagsasalita. "Haynako. Ewan ko ba sayo Zayne. Diyan ka na nga." Inis na saad ko at aakmang isasara ng pinto hawakan niya 'to saka ako hinatak at niyakap.

"I miss you." He murmured.

"Miss mo mukha mo! Doon ka nga sa babae mo tsk. Matutulog na ako bye!" Singhal ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinakawalan.

"Nakita kanina and bestfriend ni Exel ang nakita mo na kasama ko. Kinumusta niya lang naman si Exel." Pag papaliwanag ni Zayne.

Natahimik ako at hinarap siya saka siya pinaningkitan ng mata.

"It's true. Anyways, bakit ka nga pala pumunta rito? Nasa lobby sila Chloe ah." Pag iiba ng usapan ni Zayne.

"Teka, nangangalay paa ko kanina pa tayo nakatayo dito." Reklamo ko pa. Aakmang papasok ako sa loob ng hawakan niya ang kamay ko.

"May pupuntahan tayo." Aniya at hinatak ako. Mabuti nalang at nasa pocket ko ang card sa room pati na ang phone ko.

"Saan ba??" Tanong ko ngunit hindi niya ako pinansin at pinasakay sa kotse niya.

"Pati dito may sariling kotse ha." Ani ko.

"Kay Dad ito."

♡♡♡


Hindi ko alam kung saan ako dinala nitong kumag na to.

"We are here at Venice." Tirik ang araw pag labas ko ng kotse pero hindi naman ganoon ka init gaya nalang sa Pilipinas. Napakaraming tao rin ang naririto ngayon. Nag lakad lakad kami ni Zayne at hinatak niya ako papunta sa tabing dagat.

"Teka bakit hindi mo sinabi na dito tayo pupunta sana nag dala ako extra clothes." Ani ko ngunit nginitian niya lang ako.

Nandito lang kami sa Venice hanggang sa mag gabi na.

"Wala ka bang balak umuwi??" Tanong ko habang naka upo at nilaro ang mga buhangin.


"Mamaya na." Rinig kong sabi niya.


Nag kwentuhan lang kami hanggang sa umabot ng 7 ng gabi. Tumayo ako at nag pagpag ng pantalon. Aakmang aalis na ako ng mamatay ang mga ilaw sa paligid.


"Brownout?"

Agad kong kinapa sa bulsa ko ang phone ko at binuksan ang flashlight nito. Nilingon ko ang pwesto ni Zayne ngunit hindi ko siya nakita.

"HOY ZAYNE!! NA SAAN KAAA?!" Sigaw ko ngunit hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kanya.

Ano ba ang trip niya??

Wala pang tatlong minuto ng muling bumalik ang mga ilaw sa paligid.


"Ria." Napalingon ako ng marinig ko ang boses na 'yon.


Napabuntong hininga ako ng makitang nakatayo sa harap ko ngayon si Zayne at unti unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Naka bukas pa rin ang flashlight kaya agad kong napansin ang sulat sa buhangin.




HOLYMOTHEROFALL!!!!!!!












"RIA CRYSTAL SALVADOR, WILL YOU BE MY GIRLFRIEND???"

"Wow. Hindi ko man lang ramdam na nanligaw ka ha." Saad ko at nag cross arms pa.

Unti unti siyang lumapit at tiningnan niya ako sa mga mata.

"Will you be my girlfriend??" Pag uulit niya pa.

Hindi na ako nag dalawang isip. Marupok ako ih.


Ngumiti ako saka agad na tumango. "Ang choge na------------" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng agad niya akong siniil ng halik.

My Senior Highschool LifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang