CHAPTER 32

2.2K 57 2
                                    

Chapter 32 - Concert

Chloe POV

Nandito ako ngayon sa baba ng stage kasama si Jaspher at hindi maganda ang kutob ko ngayon. Napaka dilim ng paligid at napaka rami ring tao ang nag hihiyawan. Napa tingin ako sa cellphone ko, 5 minutes nalang at mag uumpisa na ang concert.

Mas lalong lumakas ang hiyawan ng bumukas ang ilaw. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang nasa stage ngayon.



T-teka...


"Nasaan si Ria/ Nasaan si Ria??" Sabay naming tanong ni Jaspher.




Zayne Lowell POV

Nakahanda na ang lahat at patay ang ilaw sa stage. Hindi pa kami nag uumpisa pero, mayroon ng iilang nag hihiyawan. Malapit ako sa may hagdan ng stage kaya alam ko kung sino ang dumadaan.


Ilang minuto nalang at mag uumpisa na pero, wala pa rin si Ria.

Na saan ka na ba??

Mamaya maya ay may umakyat na babae. Hindi ko gaanong naaninag ang mukha niya. "Ang tagal mo." Bulong ko ng makasalubong ko siya.

Hindi niya 'ko pinansin at patuloy lang sa paglalakad papunta sa pwesto niya kasabay ng pagbukas ng ilaw.

What the hell is she doing??!

"Goodevening ladies and gents. Bago po sana kami mag umpisa gusto ko lang po mag pasalamat sa mga pumunta ngayon." Saad ni Cindy saka lumingon sa 'kin ng may ngiti sa labi.

Pinatay ko ang mic bago nag salita. "Nasaan si Ria??!" Seryosong sabi ko. Pati na rin sila Gino ay halatang nagulat dahil si Cindy ang kasama namin ngayon at hindi si Ria.


Pinatay rin ni Cindy ang mic saka nag salita. "I don't know. Kanina ko pa nga siya hinahanap kasi mag uumpisa na pero wala pa rin siya." Paliwanag niya.


Hindi ko siya pinansin at bumaling sa mga audience. Nahagip ng paningin ko sila Chloe at Jaspher. Sumenyas si Chloe na aalis kaya tumango lang ako.







Jaspher POV

Pumunta kami sa backstage at hinanap si Ria pero, hindi namin nakita.

Na saan ka na ba???

"Ma una na ako. Hanapin ko siya sa Classroom at auditorium baka nandoon siya." Sabi ni Chloe at dali daling umalis.

Dumeretsyo naman ako sa may lobby at hinanap si Ria. Pero, hindi ko pa rin siya nakita. Tumakbo ako papunta sa may Library

"Ria?!" Wala na akong pake kung ma sita ako dito ng librarian.

"Nasaan ka na ba kasi?!" Bulong ko.

Kung saan saan ako pumunta sa faculty, sa restroom ng girls buti nalang at walang tao doon, sa laboratory at sa ibang mga classrooms. Pero, hindi ko pa rin siya makita.

Kinapa ko ang phone ko sa bulsa at tinawagan si Ria pero, wala ring sumagot.

Papunta ako sa may cafeteria ng makasalubong ko si Chloe. "Nakita mo na??" Tanong ko pero, umiling lang siya.

"Hindi kaya, umuwi na siya??" Tanong ko pa.

Napabuntong hininga siya bago nag salita "Hindi eh. Nakita ko kasi ang bag niya sa room kung saan siya inayusan kanina." Paliwanag naman ni Chloe.

My Senior Highschool LifeWhere stories live. Discover now