CHAPTER 31

2.5K 61 4
                                    

Ria Crystal POV

"Meron..."

"Ako."

Napatingin ako kay Zayne ngayon na deretsyong nakatingin naman kay Jaspher.

"Well then, tatlo na tayo. Ipapaalam ko lang kay Sir." Sabi ni Jaspher saka ngumisi ng nakaka asar at umalis.

♡♡♡

Uwian na namin at nandito kami ngayon sa library para umpisahan ang ipapasa namin report bukas. Ang galing no? Hindi man lang kami binigyan ng mahabang time.

"Kayo na mag search ako. Subukan kong mag hanap sa mga libro." Pag prisinta ko at tumayo   saka pumunta sa mga bookshelf at nag hanap doon.

Nang makahanap ako ay nag lakad ako pabalik sa pwesto namin. "Ano ba?! Ikaw na nga." Bulong ni Zayne.

"Anong ako?! Ikaw na. Kita mong nag ser-search ako dito." Reklamo naman ni Jaspher.

"Eh may ginagawa din ako!" Usal naman ni Zayne.

"Manahimik nga kayo! Kung ayaw niyo ako nalang gagawa ng sarili kong report." Sita ko sa kanila dahilan para matahimik sila.

"Shhh!" Sita naman sa 'kin nung librarian kaya, napatakip ako ng bibig at nag peace sign sa kanya.

Lumipas ang ilang oras at pa konti ng pa konti na rin ang mga students sa loob ng library. Nasa kalagitnaan kami ng paggawa namin ng report nang biglang lumapit sa 'min ang librarian. "Wala pa ba kayong balak umuwi??"

"Shhh!!" Sabay sabay naming sita sa librarian. Konti nalang pa tapos na kami.

"Ilang oras na kayong narito. Almost 7 pm na mga bata." Hindi namin siya pinansin at nag patuloy lang kami sa paggawa.

"Mag sasara na ang library. Bilisan niyo diyan." Sabi niya pa at umalis.


"Tapos!!" Sigaw ni Zaybe sabay click sa send. Wala kasi kaming dalang usb kaya sabi ko isend nalang nila sa email ni Sir pati sa email ko. Para incase na hindi tanggapin ni sir ang softcopy may hard copy kami.

"Finally!" Sabi naman ni Jaspher at nag stretching pa.

Dali dali kaming lumabas ng library matapos namin ayusin ang mga gamit namin. Habang nag lalakad papunta sa lobby ay naka salubong namin si Ate Jen.

"Gabi na. Bakit nandito pa kayo??" Tanong niya ng makita kami.

"Gumawa po kasi kami ng report namin para bukas." Paliwanag ko pa.

"Sabay ka na." Pag aalok ni Zayne.

Pumayag naman si Ate Jen na sumabay sa 'min. Pina kilala ko rin si Jaspher kay Ate Jen. Nag usap lang kami ni Ate Jen samantalang yung dalawa naman naming kasama panay bangayan.

"Ria." Napalingon ako kay Ate Jen ng banggitin niya ang pangalan ko.

"Sino sa kanila??" Tanong niya at ngumiti ng nakaka loko.

"Ate Jen!"

"Why?? I was just askin'" sabi niya habang naka silay pa rin ang nakaka loko niyang ngiti.

My Senior Highschool LifeWhere stories live. Discover now