CHAPTER 25

2.6K 71 4
                                    

Ria Crystal POV

"Oh shit!! Na saan na?!" I continously cursed nang hindi ko mahanap ang panyo sa bag ko.

"Anong hinahanap mo??" Takang tanong ni Jaspher.

"Y-yung panyo... N-nasaan na??!" Natataranta kong sabi at nilabas lahat ng gamit sa bag ko.

Dapat kasi ibabalik ko na kay Zayne kanina 'yon kaso hindi ako nakahanap ng time dahil kay Cindy.

Halos ma luha na ako kakahanap ng hindi ko pa rin 'yon makita.

"Anong kulay ba 'yon??"

"Itim na may initials sa gilid." Napa isip naman si Jaspher.

"Aha!" Pasigaw niyang sambit at napa pitik pa sa hangin. "Nakita ko 'yon malapit sa labas ng lobby."

"Salamat." Tanging sambit ko at dali daling lumusong sa ulan.

"RIA!!" Rinig ko pang banggit ni Jaspher ngunit hindi ko na 'yon pinansin pa.

Unti unti akong nababasa pati na rin ang damit ko hanggang sa makarating sa labas ng lobby. Nang makarating ay pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nakatayo doon. Hindi ko 'yon pinansin at dali daling hinanap ang panyo.

Agad sumilay ang ngiti sa labi ko ng makita ang panyo na basang basa na ngayon dahil sa ulan. Pinulot ko 'yon at hinanap ang initials upang masigurado kung kay Zayne nga.

"What are you doing??" Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses na 'yon. Unti unti akong tumingala at nakitang nakatayo si Zayne sa harapan ko ngayon.

Naramandaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Pinagmasdan ko siya at parang bang panandaliang tumigil ang oras.

Bahagya niyang inilayo ang payong na hawak niya upang hindi ako mabasa pa ng ulan.

"Gaano ba ka importante iyang hawak mo at kailangan mo pang lumusong sa ulan??" Tanong niya pa. Tumayo ako at hinawakan ang kamay niyang naka hawak sa payong saka 'yon inilapit sa kanya.

"Nababasa ka na ng ulan." Sabi ko habang deretsyong naka tingin sa mga mata niya.



Jaspher POV

"RIA!!" Sigaw ko ng lumusong siya sa ulan. Dali dali ko namang inayos ang gamit niyang naka kalat at inilagay 'yon sa loob ng bag niya saka 'yon kinuha.

Dali dali akong nag lakad papunta sa labas ng lobby. Mula sa kalayuan ay tanaw ko si Ria na nakatingin sa lalaking nasa harap niya ngayon. Gusto kong lumapit ngunit, ayaw naman ng mga paa ko.

Tangina naman oh!!! Makisama ka nga!!

Unti unting lumapit si Zayne at ka agad niyakap si Ria. Agad ko silang tinalikuran at nag simulang mag lakad. Ngunit, hindi pa ako nakaka layo ng maka rinig ako ng ingay dahilan para mapalingon ako kila Zayne.

Dali dali akong tumakbo sa kinaroroonan nila ng makitang buhat buhat ni Zayne si Ria na walang malay habang pareho silang nababasa ng ulan.

"Anong nangyari??!" Nag aalala kong tanong.

"Dadalhin ko lang siya sa clinic." Saad ni Zayne habang deretsyong naka tingin kay Ria at umalis.

Napatingala ako at bumuntong hininga.

Aakmang aalis na ako ng mahagip ng paningin ko ang panyong nasa semento ngayon. Pinulot ko 'yon ng mabasa ko ang initials.

Z.L.D

My Senior Highschool LifeWhere stories live. Discover now