CHAPTER 29

2.5K 80 1
                                    

Ria Crystal POV

1:00 pm. Nasa auditorium ako kasama si Chloe. Wala kaming klase ngayon at kakatapos lang namin mag practice para sa Concert.

"Hay! Malapit na ang concert. Malapit na rin ang pag alis mo sa banda." Kunot noo akong napalingon kay Chloe ng sabihin niya 'yon.

"Bakit parang mas ikaw pa ang apektado kaysa sa 'kin??"

"Ang sakit rin kaya para sa 'kin. Hindi ko na makikita ng matagalan si Dexter ano."

"Loko ka ba? Eh kaklase natin 'yon! Pa paanong hindi mo makikita ng matagalan?!" Sabi ko pa at aakmang babatukan siya ng mag salita pa siya.

"Duh!! Alam mo namang tuwing umaga nasa office ako diba? Kaya malamang ang dating ko na sa 9 o kaya 10. Eh hanggang 2 or 3 lang pasok natin." Pag papaliwanag niya pa with actions. Imagine niyo nalang hehe.

"Ang haba na kaya nun. Buti ka pa nga."

Holycow! Ano ng nangyayari sa 'kin?! Na sabi ko yung nasa isip ko lang dapat?

Napatingin sa 'kin si Chloe na may halong pang aasar. "A-anong sabi mo?? Buti pa ako??" Aniya.

"Ah wala. Tara na. Uwi na tayo." Pag iiba ko ng usapan.

"Hoy ikaw. May itinatago ka ba sa 'kin, Ria Crystal Salvador??" Tanong niya habang may diin ang bawat salita.

"Manahimik ka." Nanlaki ang mga mata niya ng sabihin ko 'yon.

"So, meron nga." Sabi niya pa nang may ngiting nakakaloko at humalukipkip.

I nodded at nag simulang mag lakad papalabas ng University.

"Kwento ka naman diyan oh." Pangungulit pa ni Chloe.

Hindi ko siya pinansin at nag hintay nalang ng masasakyan dahil walang mag susundo sa 'kin ngayon.

"Sige naaa."

"Oo na. Sige na." Sabi ko na para bang napilitan.


Napaka ingay kasi nitong babaeng 'to.

♡♡♡

Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ko. Nakahiga ako sa kama habang si Chloe naman ay naka upo sa sofa.

"Hindi ko kasi talaga alam." I sighed matapos ay umupo sa kama.

"Naguguluhan ka??"

"Ewan ko ba. Sa tuwing nakikita ko siya, gusto kong lapitan. Hindi rin naman ako comfortable kapag nakikita kong mag kasama sila ni Cindy." Sabi ko at napatakip ng mukha.

Ngunit agad rin akong napa tingin kay Chloe ng wala akong marinig na tugon mula sa kanya.

"Alam mo, ngayon lang ulit kitang nakitang ganyan." Aniya at natawa pa.

Tawa ka diyan! Hiyang hiya na nga ako dito eh! Hindi pa naman ako sanay sa ganito. Errr.

"Anyways, tara. Labas tayo." Pag aaya niya at napa tayo.

"Saan tayo pupunta??" Tanong ko ng hatakin niya 'ko papalabas sa kwarto.

"Basta. Tara."

My Senior Highschool LifeWhere stories live. Discover now