CHAPTER 9

3.1K 88 3
                                    

Ria Crystal POV

Papunta na ako ngayon sa bahay nila Zayne. Almost 11:30 na ng tanghali at hindi pa ako nag lunch idagdag mo pa na tirik ang araw ngayon.

Letse kasi! Bakit pa inabot ng 400 items yung quiz ko!! Kung pwede lang kalbuhin yung Go na 'yon gagawin ko.

Nang marating ko ang bahay nila ZL ay agad akong nag doorbell sa mala mansyon nilang bahay.

Pinag papawisan na ako ngayon sa pwesto ko at nakaka ilang doorbell na rin ako ng wala pa ring nag bubukas ng gate.

Ayokong isiping gumaganti ang mga 'yon. Pero, mukhang ginagantihan nga ako.

Inis kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Kuya at umuwi na. Sakto dumating naman si Gino na may bitbit na tatlong box na Yellow Cab pizza.

"Oh bakit narito ka pa?? At salubong ang kilay mo??" Tanong ni Gino.

Bahagyang natawa si Gino nang irapan ko siya at hindi siya pinansin. "Mukhang pinag t-tripan ka nung mga 'yon ah."

Lumapit siya sa may gate at mayroong pinindot sa gilid malapit sa may speaker. "Matapos niyo 'ko utusan isasara niyo itong gate."

"Hala! nandiyan ka na pala, Gino. Pfft!" Rinig kong sabi sa may speaker na para bang natatawa pa.

Wtf?!

Wala pang ilang minuto ng bumukas ang gate nila ZL at bumungad sa'kin ang mukha ni Tobias na para bang hindi mapakali.

"Oh! Kunin mo na 'to." Sambit ni Gino at iniabot kay Tobias ang tatlong box ng pizza. Ngunit, nakalipas ang ilang minuto ay nakatayo pa rin siya.

"Pre! Ayos ka lang??" Takang tanong ni Gino kay Tobias na nag iiwas ng tingin sa 'kin.

What the hell???

"Wala. Baka kasi pati sa akin ay nagalit si Ria. Sinaway ko naman kasi si Zayne pero, hindi nakinig." Nakayukong sambit niya.

Takang nag pa palit palit ang tingin ni Gino sa 'min ni Tobias.

Nginitian ko si Tobias bago nag salita. "Ayos lang Tobias. Hindi ako galit."

Biglang nag liwanag ang mukha ni Tobias ng sabihin ko 'yon.

"Talaga??" Hindi makapaniwalang tanong niya. Pilit pa rin akong nakangiti saka tumango bilang sagot.

Humanda ka sa'kin mamaya, Zayne Lowell.

Pumasok kami sa loob at agad dumeretsyo sa may living room nila at saktong nakahilata sa napakahabang sofa si ZL at mukhang tuwang tuwa pa habang nakatingin sa hawak niyang cellphone. Habang ang iba naman ay busy sa pinapanood nilang basketball.

Pansin ko namang tumungo sa may kusina nila ZL si Tobias kaya sumunod rin ako. Kumuha siya ng plato at tinidor.

Napangiti ako ng parang tanga dahil sa naisip ko. Aakmang dadalhin ni Tobias ang pizza at plato ng pigilan ko siya.

"No, wait. Ako na samahan mo nalang sila doon." Wala namang nagawa si Tobias at sumunod nalang.

Nang maka alis ay agad akong nag slice ng pizza at inilagay sa mga plato. Pero, syempre hindi ko malilimutan ang kay ZL.

Hinanap ko kung nasaan ang hot sauce nito at inilagay ang laman ng dalawang sachet nito sa pizza. Kinuha ko ang mga plato at inilagay sa tray saka tumungo sa kinaroroonan nila.

Pa simple kong inilapag sa may coffee table nila ang tray at ibinigay sa kanila ang plato nila para walang choice si ZL kung hindi kainin 'yon.

Matapos ay mabilis akong tumungo pabalik sa kusina habang pigil na pigil ang tawa. Wala pang ilang segundo ng marinig ko ang sigaw ni ZL.

"WOOOOOOOH!!! ANG ANGHANG KINGINA!!" matapos sabihin 'yon ni ZL ay hindi ko na napigilan tumawa.

Agad akong nakarinig ng yapak papunta dito sa kusina. Mabilis na kumuha ng baso si ZL at nag salin ng milk dito.

"Pre! Ayos ka lang??!" Singit ni Tobias na mukhang nag aalala.

Masamang dumapo ang tingin sa'kin ni ZL na para bang mangangain maya't maya.

"Mag practice na tayo." Sambit niya habang seryosong nakatingin sa 'kin saka umalis.

Sumunod lang kami ni Tobias sa sinabi ni ZL. Nagtungo kami sa isang room kung saan may mga gamit na. Agad silang pumwesto sa kani-kanilang pwesto.

Walang pasabi ay agad sumenyas si Austin ng pag uumpisa ng kanta. Ni hindi man lang nila sinabi kung ano ang kanta mabuti nalang talaga alam ko ang kanta.

Now playing: Halik by Kamikazee

Uumpisahan ko na sana ang kanta ng unahan ako ni ZL.

"Kumupas na lambing sa iyong mga mata
Nagtataka kung bakit yakap mo'y 'di na nadarama
May mali ba akong nagawa? Tila nag-iba ang mga kilos mo at salita
Bakit kaya?
Parang hindi ka na masaya"

"Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad nang hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kailan ito matitiis" Napalingon ako kay ZL ng mapansing hindi siya mapakali. Nag patuloy pa rin ako sa pagkanta.

"Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad nang wala man lang paalam
'Pag nawala doon lang mamimiss
Hanggang kailan ito matitiis"

Napalingon ako kay Tobias ng marinig kong humina ang tugtog ng drums. Deretsyo ang tingin niya kay ZL na kumakanta.


"Alam ko na, magaling lang ako sa umpisa
U

masa ka pa sa akin mga pangakong nauwi lang sa wala
Nasayang lang ang iyong pagtitiyaga
Wala kang napala at puro lang ako salita
Kaya pala paggising ko wala ka na."

"Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kailan ito matitiis"

Habang papatagal ang kanta ay humihina ang boses ni ZL. Nahagip ng paningin ko ang mga braso niya. Unti unti itong namumula.

"Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad nang wala man lang paalam
'Pag nawala doon lang mamimiss
Hanggang kailan ito matitiis"

Naguguluhan ako. Anong nangyayari??? Bakit nag kakaganyan si ZL???

"Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kaila----------"


Hindi natapos ni ZL ang kanta ng marinig ko ang sigaw ni Gino. "SHIT! ZL!!"

Nagulantang ako ng biglang mapa upo si ZL at halatang pinipilit niyang iinda ang sakit na nararamdaman niya.




What to do??! What to dooo???







Dali-dali silang nag silapitan kay ZL at inalalayan siya mapa upo sa isang sofa sa gilid.

"RC!!" Halos mapatalon ako sa gulat ng mapagtantong nasa harap ko ngayon si Dexter.

"Kumuha ka ng maiinom niya dali!" Utos niya pa. Agad akong napatango at tumungo sa kusina nila. Kumuha ako ng baso na may lamng tubig saka mabilis na bumalik.

Iniabot ko kay ZL ang tubig at agad niya 'yon kinuha sa 'kin.

"Bakit kasi kumakain ka ng maanghang ha? Alam mo namang bawal ka doon!" Napalingon ako kay Tobias ng sabihin niya 'yon.




Bawal si ZL sa maanghang??! Kailan pa?!




Agad akong napasapo sa noo ko saka tumalikod ng mapagtanto ang ginawa ko kanina.




LOOK WHAT DID YOU TO HIM, RC!!!




SHIT!


















My Senior Highschool LifeWhere stories live. Discover now