CHAPTER 33

2.4K 63 3
                                    

Ria Crystal POV

Sino nga ba naman ako?? Siya yung jowa malamang siya kakampihan. Tsk!

Inis akong nag martsa papunta sa room kung saan ako inayusan at dali daling inayos ang gamit ko. Saktong dumating rin si Zayne.

"Hey! Listen to me." Usal niya pero hindi ko siya pinansin at kinuha ang bag ko. Aakmang lalabas na ako ng kwarto nang bigla niya akong hatakin at iniharap sa kanya.

"Uuwi na ako. Kaya pwede ba, bitawan mo 'ko." Inis na sambit ko at pilit na kumawala ngunit mas lalo niyang itong hinigpitan at tumingin sa mga mata ko.

"Listen to me! Wala akong kinakampihan sa inyo." Bahagya akong natawa sa sinabi niya at inis na tumingin sa kanya.

"Eh ano yung sinabi mo kanina!? Iba kasi ang dating sa 'kin, Zayne! Kaya pwede ba!" Inis na sabi ko pa.

"Sinabi ko lang 'yon dahil 'yon ang sinabi ni Cindy sa 'min kanina." Paliwanag niya pa.

"Naniwala ka naman sa babaeng 'yon! Dyan ka na nga! Magsama kayo nung babaeng 'yon! Tsk!" Inis na saad ko at kumawala sa kanya saka nag umpisang mag lakad papalabas.

"Teka! Teka!" Habol niya pa at hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

"Na iinis ka ba dahil sa tingin mo siya ang pinaniwalaan ko at hindi ikaw??" Agad akong napalingon sa kanya at nakitang nag smirk pa siya.

"H-hindi! Tse!" Pag tatangi ko pa at ramdam kong uminit ang mukha ko. Aakmang mag lalakad na ako paalis ng hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

"Yung kamay ko, pwede??" Ramdam ko namang bumitaw si Zayne sa pag kakahawak sa kamay ko nang sabihin ko 'yon at dali daling nag lakad papalayo.

Pabalik ako sa may field nang masalubong ko si Jaspher. "Uuwi ka na, Ria??" Agad akong umiwas ng magsalubong ang paningin namin.

"Ayos ka lang ba?? Namumutla ka." Sabi niya pa at hinawakan ang mag kabilang balikat ko.

"Wala. Sige una na ako. Enjoy." Paalam ko at aakmang aalis na ako ng marinig ko pa siyang mag salita. "Ihatid na kita."

♡♡♡

Nagising ako nang makaramdam ng uhaw. Napalingon ako sa alarm clock ko.

2:00 am

Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa kusina saka uminom. Matapos ay bumalik rin ako sa kwarto at humiga. Ngunit, hindi na ako dinapuan ng antok.

Bumaba ako sa kama at binuksan ang pinto sa may terrace. Ilang minuto akong tumayo sa may terrace habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Nanliit ang mga mata ko ng mahagip ng paningin ko ang isang lalaking natalikod habang nakatayo sa tapat ng gate. Dali dali rin akong pumasok sa loob ng kwarto at isinara ang pinto nang lumingon ito at tumingin sa gawi ko.

Shit! Ang creepy!!

Sino ba naman ang taong nasa labas ng bahay ng dis oras ng gabi. Hindi ko namukhaan ang lalaki dahil naka sumbrero siya at malayo rin ang distansya ng terrace ko mula sa gate. Siguro kung may sakit ako sa puso kanina pa ako inatake dahil sa bilis ng heart beat ko ngayon.

Agad kong kinuha ang phone ko ng magring ito. Bumungad sa 'kin ang pangalan ni Zayne.

["Hello? Are you awake?" ]

My Senior Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon