CHAPTER 38

2.1K 47 1
                                    

Ria Crystal POV

"You woke up, anak." Napalingon ako sa may pintuan at nakitang nakatayo rito si Mom. Hindi ko siya pinansin at tumungo sa banyo para mag ayos.

"Look anak. I know hindi sapat ang sorry sa nagawa ko sa inyo. But still, I'm really sorry."

Alam mo naman pala. Tsk. Hindi ko siya pinansin at kinuha ang towel sa gilid ng bathroom matapos kong maghilamos at mouthwash saka lumabas ng banyo.

"Wala akong magagawa kung may galit pa rin diyan sa puso mo. I'm sorry that hindi ako naging mabuting ina sa inyo."

Salubong ang kilay kong nilingon siya.

"Would you please stop?! Wala ng magagawa yung sorry mo. Nangyari na. Tapos na. Wala na tayong magagawa." Inis na usal ko.

"You should not speak to your Mom like that." Nanlaki ang mata ko ng makita si Dad papasok sa kwarto ko.


"Ako na ang kakausap sa kanya." Sabi ni Dad habang nakatingin kay Mom saka sumenyas at lumabas si Mom nang kwarto ko.

♡♡♡

Naglalaro sa isipan ko ang mga sinabi ni Dad about sa kanila ni Mom. It was one sided love. Si Dad lang ang may gusto kay Mom. While si Tito Josefano talaga ang mahal ni Mom.

"Tulala?" Agad akong natauhan ng maramdaman ko ang tapik ni Kuya. Narito ako ngayon sa sala at naka upo sa sofa.

"Hindi mo ba pupuntahan si Zayne?" Agad nag sink in sa utak ko ang sinabi ni Kuya.

Ay shit! Oo nga pala.

Napatingin ako sa orasan at nakitang 11 am na. Ilang oras nalang. Dali dali akong naligo at nag palit ng damit saka nag pahatid.

Zayne Lowell POV

"Don't worry. Minsan pupuntahan ko po si Ate Ria."

Taka ko siyang nilingon. "Tss. Alam kong nag aalala ka rin sa kanya. Hayyys."

Mag sasalita pa sana ako ng agad siyang magsalita. "Kuya, bilisan mo na po diyan. Sasamahan na po kita sa Airport."

♡♡♡

Hindi ako mapakali ngayon sa pwesto ko at kanina pa ako tingin nang tingin sa wrist watch ko. Narito na kami ngayon sa Airport.

"May isang oras pa po kuya, ZL. Darating po 'yon." Pangungumbinsi ni Exel.


"This is the final boarding call for passengers booked on flight 895A. Please proceed to gate 1 immediately. The final checks are being completed."

Napabuntong hininga ako ng mapansing wala pa rin si Ria. Hindi ka na talaga pumunta.

"Ingat ka po doon Kuya. Bye." Paalam ni Exel saka iniabot sa akin ang iba kong mga gamit. Nginitian ko lang siya saka nag lakad.

Patuloy lang ako sa paglalakad nang mahagip ng paningin ko ang isang babaeng nakatayo sa kalayuan.

"Napaka aga mo talaga Ria!" Sigaw ko dahilan para makuha ang atensyon niya. Dali dali siyang tumakbo papalapit sa 'kin saka ako niyakap.

My Senior Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon