CHAPTER 14

2.8K 69 11
                                    

Chapter 14 - Wedding Day

Zayne Lowell POV

Kaka dating ko lang galing sa bahay nila Ria. Tumungo ako sa Living room at naabutan doon si Cindy na kasama si Exel.

Agad tumungo sa kwarto si Exel ng mapansing dumating ako.

" Quarter to 9 na ng gabi, Cindy. Why are you still here??"

"Simple lang naman ang gusto ko, Zayne. I want you to be mine again." Napa buntong hininga ako ng hindi nililingon si Cindy.

"You want me to be yours?? Are you out of your mind??! Cindy umuwi ka nalang." Seryosong sabi ko't aakmang tutungo ako sa kwarto ko ng maramdaman ko ang mga braso niya sa dibdib ko.

"Please... please give me a second chance..." agad akong kumawala sa pagkakayakap niya't hinarap siya.

"I'm not a toy, Cindy. Hindi ko alam kung anong trip mo. Makikipag break ka nalang basta basta. I beg for you to come back to me. Pero, anong ginawa mo?? Wala. Ni minsan ba naisip mo kung ano ang nararamdaman ko?? Hindi diba?! "  humugot ako ng malalim na buntong hininga bago nag patuloy sa pagsasalita.

"Mas mabuti kung umuwi ka na. Tatawag ako ng taxi hintayin mo na lang." Saad ko. Aakmang dederetsyo na ako sa kwarto ng mag salita ulit siya.

"Gagawin ko lahat para mapa sa 'kin ka muli, Zayne. Tandaan mo 'yan!" Rinig kong sabi niya bago ako tuluyang pumasok sa kwarto.




Ria Crsytal POV

Nagising ako ng marinig kong nag alarm ang cellphone ko.

"Hay!! Another day ng pagiging slave kay kupal." Saad ko't bumangon. Saktong pumasok si Nanay Rosita na may dala-dalang isang malaking kahon.

"Oh ija, gising ka na pala. May nag padala, para sayo." Agad akong tumayo at tinulungan si Nanay Rosita na ilapag 'yon sa kama.

"Kanino po galing??" Takang tanong ko.

"Walang sinabi. Tingnan mo nalang sa kahon baka may sulat diyan. O siya, mag aayos pa ako ng pang umagahan niyo sa baba." Saad ni Nanay Rosita at agad na umalis sa kwarto ko.

Kanino kaya galing 'to??

Marahan kong binuksan itong box at bumungad sa 'kin ang isang formal, off shoulder red dress. Kinuha ko ang isang papel na naka patong rito.

To:
      mio schiavo

Ito gamitin mo mamaya. Alam kong hindi ka naka pamili ng damit para sa kasal kahapon.
                         
                                                          - Z.L

Ano?? Mio schiavo?? What the hell is that?? Inilapag ko ang sulat sa tabi ng box at inilabas ang dress. Mukhang wala naman akong choice dahil panigurado hindi rin nakabili sila Mom ng gagamitin ko marahil hindi naman nila alam na may kasal rin akong pupuntahan.

Kinuha ko ang cellphone ko ng marinig kong mag vibrate ito.

From: Chloetots

Goodluck mamaya! Sayang hindi ko kayo mapapanood sa kasal na pupuntahan niyo. Mag kwento ka nalang bukas.

"Anak?? Gising ka na??" Agad akong napalingon sa may pinto ng mag bukas ito at bumungad si Mom.

"Mom." Tanging sambit ko ng makita siya.

"May pupuntahan ka ba, anak??" Takang tanong niya ng mapansin ang box na nakapatong sa kama ko.

My Senior Highschool LifeWhere stories live. Discover now