CHAPTER 6

3.7K 106 1
                                    

A/N: Sorry for the late update. May isa pa po kasi akong inaayos na story. Ehehehe.

Ria Crystal POV

Nasa hallway ako ngayon habang sunud ng sunod naman si Chloe.

"Bes, sige na kasi! Pwede naman ako ngayon, wala akong gagawin!!" Pag pupumilit niya. Ewan ko ba dito bakit gustung-gustong sumama sa'kin sa may auditorium.

-.-

"O edi sige. Ikaw nalang pumunta. Tapos ako, uuwi na." Agad siyang nag pout ng marinig niya ang sinabi ko. 

"Ehhh! Kasi naman, RC eh!! Tsk. Doon na nga muna ako sa Dean's Office." Naka simangot na sabi niya at sinamaan pa ako ng tingin bago siya tuluyang pumunta sa Dean's Office.

Napa iling nalang ako. Nag patuloy ako sa paglalakad ng mahagip ng paningin ko sa di kalayuan sina ZL at Cindy na nag uusap dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.

"RIA!!!" halos mapatalon ako sa gulat ng may taong tumawag sa pangalan ko. Napabuntong hininga ako ng makitang papalapit si Chloe.

"Wait, ibigay mo nalang sana 'to kila Gino." Aniya at may iniabot na isang sobre. Kinuha ko 'yon at matapos ay agad rin siyang umalis.

Napa lingon muli ako sa gawi nila ZL ngunit, wala na sila roon.

"Nakikinig ka pala sa usapan ng iba." Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig ang boses ni ZL sa gilid ko while leaning on the wall.

"Papatayin mo ba 'ko?! HA?!!" Inis na sigaw ko kay ZL.

"Anong narinig mo?!" Kunot noo akong napalingon sa kanya marahil sa tono ng boses niya.

Napa 'tsk' lang ako at hindi siya pinansin. Aakmang maglalakad na ako ng hatakin niya 'ko at isinandal sa pader saka ikinulong sa mag kabilang braso niya.

"Isa pang ulit, anong narinig mo??" May bakas na pagka seryosong sabi niya.

I remained silent. Bahagya siyang natawa sa inasta ko. Napahawi siya ng buhok.

"So, you'll not going answer me huh?!?"

Umiling ako. 

He smiled smugly. Nanlaki ang mata ko ng ma realize kung ano ang binabalak niyang gawin. Unting unti niyang inilapit ang mukha niya.

"Subukan mo lang! Makakatikim ka talaga sa 'kin Zayne!!" Banta ko sa kanya. Ngumiti siya ng nakaka asar.

"Bakit? Ano bang inaasahan mong gagawin ko?? Ha??" Nag iwas ako ng tingin.  "Wala."

Unti unti siyang lumayo sa 'kin at tumawa.

"Inaasahan mo sigurong ha-halikan kita ano?? Pfft!! HAHAHAHAHA!!!"

"OH? BAKIT HINDI BA ZAYNE LOWELL?!!" Inis na sigaw ko sa kanya.

"May sasabihin lang kasi ako! Kung ano-anong iniisip mo diyan!!" Natigil ako ng sabihin niya 'yon.

"Bakit kailangan mo pang lumapit?!! Tsk."

"Dahil gusto ko." Naka poker face na sabi niya saka umalis.

Wow. Iba din!!

Grrrr!!! Wag mo 'ko subukan  Zayne Lowell Davis ha!!

Dala ng inis kay ZL ay dumeretsyo ako sa Cafeteria malapit sa Auditorium. Tss. Nakakawalang gana pumunta sa auditorium. Bakit pa kasi ako ang kinuhang vocalist ng Nirvana Brook Six, marami namang ibang magagaling diyan psh!!

My Senior Highschool LifeWhere stories live. Discover now