CHAPTER 19

2.8K 68 4
                                    

Chloe POV

Pinag mamasdan ko silang dalawa ngayon habang inaayos ni Zayne ang pag lalagay ng bandage sa braso ni Ria. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin. Mukhang may gusto itong si Ria kay Zayne.

Hayyy. Sinasabi ko na nga ba't mahuhulog at mahuhulog ka rin kay Zayne, Ria.

"HUY! Ria, tapos na kanina pa!!" Pa sigaw kong sabi para matauhan si Ria. Kita mo 'to titig na titig kay Zayne.

"H-ha?? Ahh... o-oo... Tara na!!" Uutal utal na sabi ni Ria at mabilis na pumasok sa loob ng kotse ni Zayne.

Napalingon ako kay Zayne nang bahagya itong matawa.

Woah! What was that?? Did he just laugh?

"Tara na, Chloe." Sabi ni Dexter at pumasok sa passengers seat sa harap.

Oo nga pala...


"Kailan pala yung concert??" Ang sabi kasi sa 'kin malapit na pero walang exact date. Baka na usog na naman.

"Hindi pa sinasabi sa'min ni Tita. Mag hintay nalang tayo ng announcement." Sagot ni Dexter.

"Saan niyo pala dadalhin yung mga nabili niyo??" Singit ni Zayne.

"Sa bahay nalang." Pa presenta ko.

Takang napalingon sa 'kin si Ria. "Huh?? Eh paano mo dadalhin?? Ah! Alam ko na." Aniya at napa pitik pa sa hangin.

"Daanan nalang kita bukas." Dagdag niya pa.

Hindi talaga nadala itong babaeng 'to sa natamo niyang gasgas ngayon.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ewan ko ba sayo, Ria." Pa iling iling ko pang sabi.

"Wag kang mag alala. May idea ako." Saad niya at ngumiti na ipinagtaka ko.





Ria Crystal POV

Patungo ako ngayon sa kusina ng makasalubong ko si Kuya. Naalala ko na kailangan ko palang dumaan kila Chloe mamaya.  "Kuya, bakit ang gwapo mo today??" Pang bo-bola ko ng maabutan ko si Kuya.

"I know right, Bunso. At saka maliit na bagay." Saad niya at saka tuloy tuloy na pumunta sa may kwarto niya.

Kita mo 'yon hindi man lang tinanong kung may kailangan ako. Dali dali akong pumasok sa loob ng kwarto niya at wala akong na abutan doon.

Na saan 'yon??

"Hindi ka man lang kumatok, bunso." Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig kong mag salita si Kuya. Inis ko siyang nilingon. Agad siyang umakto na tinakpan takpan ang katawan niya.

"Geez! Akala mo naman ke ganda ganda ng katawan." Pa iling iling na sabi ko pa.

Mukhang maliligo palang siya ngayon kasi naka takip ng twalya ang pang ibaba niya. 

"Tse! Ang ganda kaya!" Sabi niya at ipinakita pa ang abs niya.

"Teka nga, ano bang kailangan mo?? Bakit pumasok ka pa dito??" Tanong pa ni Kuya.

"Samahan mo ko mamaya kila Chloe. Bago tayo pumuntang school." Saad ko at humalukipkip.

"Oo na, bunso." Sagot niya at pilit akong tinulak sa labas ng kwarto.

"Maliligo pa ako." Dagdag niya pa at sinara ang pinto. Tutal naka ayos na rin naman ako bumaba ako sa may living room namin at doon hinintay si Kuya.

My Senior Highschool LifeWhere stories live. Discover now